Comeback

21 1 0
                                    


Aly's vacation days ended.
Nasa byahe siya pabalik sa bahay na hindi muna sana niya inaasam na makita. Hindi naman pwedeng mag extend pa siya, tama nang pinagbigyan siya ng boss nila sa biglaang bakasyong hiningi niya. Hindi pa naman ganun kakapal ang kanyang mukha. At isa pa , wala namang nangyari sa moving on/vacation na nais sana nyang mangyari. Wala eh.

Every second of her everyday life sumasagi sa isip niya si Drew. Kahit hindi niya sinasadya , may mga bagay na nanadya na pinapaala sa kanya si Drew. Pano naman siya makakalimot nun? Kaloka! Anyway, nagsawa na siyang iwasan at pigilan ang sarili to think about him. May naisip siyang ibang gagawin.
Alam mo yung feeling na na-LSS ka sa isang kanta? diba parang every second of the day gusto mo yung marinig? kahit ilang ulit pa yan okey lang. Tipong pag gising mo, alarm mo yung kanta hanggang pagtulog pline-play mo pa. Pero darating ka sa point na mananawa ka na, na ikaw na yung kusang aayaw sa kanta.
Ganun! ganun yun gusto niyang i-try this time. Hahayaan muna niya yun sarili niya na paulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit na isipin si Drew to the point na manawa na siya. Yun ay kung effective man yung naisip niya. Sana...
Sana ganun lang talaga kadali.

"Oh mga bababa dyan! Terminal na tayo!" , ang umagaw sa naglalakbay na diwa ni Aly.

Dali dali na siyang tumayo para bumaba. Since nasa unahan lang naman siya nakaupo.

Nagpahinga muna siya sa isang kilalang convenience store. Nagpalamig at naki- wifi.

***
Minutes later napagdisisyunan niyang lumabas na to go home.

Shet! Si Drew yun!

Kung mamalasin nga naman si Aly. Nakita agad niya ang taong iniiwasan muna niyang makita.
Pagkalabas niya at nakailang hakbang pa lang eh sakto namang padaan si Drew bitbit ang backpack niyang black.

"Aly!" bati agad nito, halata mo yun saya sa boses niya.

"Hello?" di malaman ni Aly kung ano nga bang isasagot niya.

"San ka?" tanong nito.

"Pauwi na. Sige ah una na ko." pag iwas pa muna ni Aly pansamantala at nagmamadaling naglakad palayo.

Shet! I want to hug him. Gusto kong amuyin din yung kili kili niya. Gusto kong sabihin kung gaano ko siya namiss.
Ano bang nangyayari sakin? Lord help! Ayoko na. Alisin nyo na siya sa sistema ko please. Hindi na kami pwede. Lord naman oh! Please naman, sige na poooo.
Piping bulong ng isip ni Aly.

Mending Her Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon