Drewlilit

13 2 0
                                    


"Pabili nga poooooooo." malakas na sigaw habang kumakatok na turan ng batang bumibili sa maliit na tindahan sa di kalayuan.
Aly is standing near the store namimitas siya ng mga ligaw na bulaklak sa bakanteng loteng katabi ng tindahan.

"Ano ba yan Drewlilit ka! Makakatok ka dyan wagas!" sita ng dalagitang lumabas ng bahay para pagbentahan ang bata.

"Anong Drewlilit ka dyan! Di na ko maliit noh! Umiinom na kaya ko ng cherifer tsaka kumakain ng Star margarine." depensa ng batang ang cute tingnan dahil nga maliit ito.

Nakakatuwa na sana eh. Kaso pati ba naman pangalan ng batang to. Jusko Drew! kahit saang sulok ng mundo may mga bagay na nakakapag-paalala sayo.

"Haynako!  Wag ka nang mangarap!  Malabong mangyari yun!  Ano bang bibilhin mo? Star margarine???" dagdag na asar ng dalagita.

"Haynako ka din Nena! Kahit mas matangkad ka sakin ng isang dangkal mas matanda pa rin ako sayo ng isang taon! Kaya dapat ginagalang mo ko. Respect elders nga diba?!" di rin papatalo na sagot nang batang tinawag na Drewlilit.

"Kayo talagang mga bata kayo! Pag tanda niya kayo magkakatuluyan nyan eh." singit ng isang may edad na babaeng lumabas din ng pinto ng bahay para sitain ang dalawang batang nagbabangayan.

"Yuck!" sabay na bulalas ng dalwang bata.

"Ninang si Nena po kasi nangunguna." paliwanag na sumbong ni Drewlilit.

"Eh kasi Ma si Drew hindi makapag antay na pagbilhan." nakasimangot ding sumbong ng dalagita.

"Kayo talagang dalwa!  Parang aso't pusa. Samantalang nung maliit pa kayo di mapaghiwalay. Tsk! ano bang nangyari't nagkaganyan kayong dalwa?" natutuwang tanong pa nang matanda.

"Siguro crush po ko nyan ni Nena."

"Hoy Drewlilit ang taas ng pangarap mo! mas mataas pa sayo! Dyan ka na nga! "  sabay padabog na iniwanan na niya ang magninang.

Natatawang napapailing na lang si Aly sa di kalayuan. Napagpasyahan nyang huminto na sa pamimitas ng bulaklak at bumili ng maiinom sa may tindahan.
"Isa nga pong Coke mismo Ninang tsaka boy bawang na lang po yun sukli."

"Kayo talagang dalwa ni Nena. Ankulit kulit kulit! "

"Ninang naman. Isang kulit lang po." napapakamot pa sa ulo na sagot naman nung Drew.

"Oo na, sige na. Isang malakiiiiing kulit na lang." pakadiin diin pa na sabi ng ginang.

"Magandang umaga po! Pabili nga din po ng isang Coke mismo Ate." magalang na singit ni Aly sa paguusap ng dalwa.

"Ate pwede pong maupo diyan habang nag aantay." magalang na sabi ni Drew kay Aly habang itinuturo gamit ng nguso ang silyang pinasadya para sa mga tatambay saglit ng tindahan.

"Eto na Nak. Sayo Ineng oh." abot samin ng ginang.

"Salamat po." magkapanabay na sagot ni Aly at ni Drew.

"Ate taga-Maynila po kayo? " usisa ng bata habang umiinom sila ng Coke.

"Opo."

"Maganda po ba sa Maynila? Masaya po ba dun?"

"Bakit mo naman natanong?" napagpasyahan ni Aly na maupo muna mukhang mahaba habang kwentuhan ang magaganap sa pagitan nila ng batang si Drew.

Umupo rin naman sa tapat si Drew habang sumasagot. Halata sa tono nito ang lungkot. Parang kanina lang masaya pa itong nang-aasar sa kinakapatid.
"Kasi po hindi na bumalik si Nanay dito samin. Sabi po niya pupunta lang siya saglit sa Maynila kaso limang taon na po siya dun hindi pa rin siya bumabalik. Walang text, tawag o kahit sulat wala po."

Mending Her Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon