Chapter One

52 3 14
                                    

Ang Simula ng Katorpehan

Kinoknsidera ko ang sarili ko as the not so typical type of guy. Iba as in iba ako, peculiar, odd, unusual, alien basta kakaiba. Well, hindi naman ako abnormal or what. I am unusual that people often misunderstood. Torpe ako! Ang saya no! Walang bilib at tiwala sa sarili. Ako lang ata ang may lakas ng loob na aminin ito sa madla. TORPE AKO!! Isigaw ko pa! Pero wag naman, syempre nakakahiya. Torpe ako, 'tyak malamang mabobored lang kayo sa kwentong 'to. So, why waste your time reading this stupid novel anyway?

So as I was saying, I'm not the typical type of guy na mapapanuod niyo sa chic flix at mababasa niyo sa mga hopeless romantic na mga nobela. I'm no prince charming, I'm no Jack of Titanic, I'm no Edward Cullen. I'm just the plain and boring Marcelo Manalo.

"Celo! Go ahead! Man-up dude! Kausapin mo na siya, gwapo ka naman eh! Ayaw mo lang maniwala" bulong sa'kin ni Abby na may kasamang tulak pa nang mapadaan kami sa tapat ng locker room ng girls.

Sa lahat ng taong nakilala ko in my whole nineteen years of existence, apparently si Abby lang yung taong naniniwala na gwapo ako.

Kapag nagtatanong ako kung gwapo ba ako ang tanging nasasagot lang nila ay mabait at matalino lang ako. Hanggang dun lang sa dalawang adjective na yun. No more, no less

"Abby, hindi naman ako papansinin niyan. Masasayang lang yung effort ko. 'tsaka tingnan mo yung itsura ko. Kapag nilapitan ko yan baka maging true to life na ang Beauty and the Beast" hinila ko siya papunta sa likod ng bulletin board para di kami makita.

Nagkamot naman siya ng ulo at sumunod na rin sa'kin.

"Paano mo naman nasabi na masasayang yung effort mo kung hindi mo itatry? Hindi yung effort ang masasayang yung pagkakataon!" sigaw sa'kin ni Abby na para bang pinagsasaksakan niya sa utak ko ang mga sinasabi niya

Ipinagkibit-balikat ko nalang iyon at sinilip na lang muli si Tabitha Enriquez. Whenever I hear her name bumibilis yung tibok ng puso ko. Hindi ko na kailangan ng threadmill actually, marinig at makita ko lang siya, bibilis na ang tibok ng puso ko at pagpapawisan na ako ng malamig.

Eversince kindergarten siya na talaga ang nilalaman ng puso ko. It was like she was made for me. Bukod sa Aorta, Ventricles, Arteries at kung ano-ano pang parte ng puso. Isa siya sa pinaka essential na bahagi ng puso ko. Silly but without her I'll die

"Abby! Okay lang ako na masayang yung pagkakataon. It's okay kung hanggang dito nalang yung paghanga ko sa kanya, hanggang tingin nalang"

"God! Celo! You've been doing this stalking thing since elementary. College na tayo mag-level up ka naman!"

Tama si Abby matagal ko na tong ginagawa. Pero shet lang hindi ako stalker, admirer lang. Pero sabi nga. 'pag gwapo, admirer ang tawag. Pag pangit, stalker, rapist at obsessed. Hindi ko alam kung saan ako pero sa sarili ko alam kong admirer ako kahit di naman ako gwapo.

"Abby, hindi sapat na gusto mo lang yung isang tao. Hindi kailangang sunggab ka lang ng sunggab, minsan kailangan mo ring isipin yung kahihinatnan. In my case, she doesn't deserve a guy like me. Nababagay siya sa kanya" turo ko sa lalaking dumaan na halos tilian ng mga babaeng dumadaan pati na rin si Abby na kahit hindi babae kung umasta, ay nakisabay na rin sa kakatili

Lumapit yung lalaki kay Tabitha, nag-usap sila ng sandali at maya-maya lang ay hiningi nung lalaki ang bag ni Tabitha at naglakad na sila, magkahawak kamay palayo sa'kin, masakit pero damn! I have to accept the fact na may mga bituin na imposible mong maaabot.

Well, as I was saying Tabitha Enriquez and this guy Bradley Santielo deserved each other. They're perfect for each other. Parehong matangkad at maganda ang katawan. Cheer captain and MVP player. Parehong nasa A-team. Parehong tagapagmana ng kanya-kanyang malalaking negosyo. Parehong sikat at syempre, parehong maganda at gwapo. Sabi nga ni Daniel Padilla sa bawat isa sa kanila, "nasa'yo na ang lahat"

Ang Katorpehan ni Marcelo ManaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon