Chapter Two

17 2 0
                                    

The Reign of the Queen B

Si Tabitha Railene Enriquez o mas kilala bilang Tabitha, ay anak ng isang retired general at may-ari ng isang sikat na fastfood chain dito sa Pilipinas. Pumanaw ang ama nito noong highschool pa lamang ito dahil sa atake sa puso, kung kaya't naiwan ang pamamahala ng company nila sa Mama niya. She has this older brother named Anthony Railone Enriquez, na bestfriend ng rumored boyfriend niyang si Bradley Santielo.

Kung bibigyang kahulugan ang salitang "perfection", siya na ang one and only definition ng Webster's Dictionary. Nasa kanya na ang lahat, perfect face, matalino, mayaman, maraming humahanga at higit sa lahat mabait. She has this natural long wavy chestnut brown hair, a thick perfectly curved brows, deep set of eyes, narrow pointed nose and pinkish lips. She's not as white as porcelain but has a fair skin that fits her, she's tall as a model and slim as a bottle. The one thing that is cute on her is her tiny spade-shaped birthmark on her lower right jaw.

Every weekend bunibisita siya sa bahay ampunan para magpakain ng bata, likas siya na makatao at mapagkumbaba. Despite of her highness she always manage to stay her feet on the ground

"Anthony, Tabitha. Tatandaan niyo na dapat palaging nakatungtong ang mga paa niyo sa lupa, dapat ishare lahat ng blessings" pangaral ng mama ni Tabitha sa kanilang magkapatid

The Enriquez' family is known to be the most charitable persons here in Makati, though Anthony won't do the same. Tanging ang Mama lang ni Tabitha at siya ang sumasali sa mga charities. Name it, Lingkod Kapamilya, Takbo para sa Ilog Pasig, Bantay Bata, Sun Life, at kung ano-ano pa, hindi mawawala ang mag-ina sa pagtulong. Minsan naisip ko kung may natitira pa ba sa kanila, they're so generous.

So just a recap, maganda, matalino at mabait. She's so perfect na para bang hindi mo siya maihahalintulad kila Anne Curtis at Pia Wurtzbach.

Napabuntong hininga nalang ako, I've realized na sobrang friendly niya rin. Palaging nakangiti at approachable pa. Pero bakit hindi kami magkaibigan? SIguro nasa akin yung problema, wala sa kanya.

"Then, here comes the It Girls/Tatlong Bitchesa" pinutol ni Abby ang pag-iisip ko nang luminga siya sa pintuan ng library

Narito kami nila Abby at Ken ngayon sa library para maghanda para sa quiz mamaya. Halos lahat ng subjects ay blockmates ko ang dalawa, tulad-tulad rin naman kasi kami ng kursong kinuha

Nginiwian ko si Abby na nagbubuntong hininga at dumungaw nalang sa libro niya. Si Ken naman ay nag-angat ng ulo at tinitigan ang mga padating.

Doon naglalakad si Tabitha kasama ang mga kaibigan niyang si Malta-Anne Rodriguez at Ivanka Lianne Manuel. Parang nasa mga cliché movies lang ang nangyari, everything was in slow motion, all eyes on them, walang hangin pero banayad na nililipad ang mga buhok nila, trance music envelopes every expectators. Para silang Victoria's Secret Angels na naglalakad ng sabay sabay sa runway. They're like Charlie's Angels dahil sa fierceness nila.

I know this scenes are so clichés sa mga teen flix pero kapag is aka pala talaga sa expectators sa real life masasabi mong nangyayari ito sa realidad.

Lahat sila head turner, lahat nang makakasalubong nila ay mapapasunod ang tingin. Pati janitor at striktang librarian ay napapalingon sa kanila. They are the true definition of 'scene stealers'.

Tulad sa movie na Mean Girls, maraming nagsasabi na ang tatlong ito ay mean, queen b at spoiled brats. Admirers called them 'The It Girls' some who hates them like Abby here, often called them 'Tatlong Bitchesa' some who does not really care called them by their names.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Katorpehan ni Marcelo ManaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon