Chapter 1: Rides with the stranger
Bakasyon na naman! NBSB pa rin ako! hay!
Hay! Buhay! Nandito ako ngayon sa may enchanted kingdom. Kasama ko? Si len, yung bestfriend ko. Nakikipaglampungan dun sa boyfriend nya. Minsan lang kasi sila magkita. Lam nyo na? long distance relationship. Sabi nya kita nalang kami dito sa may gilid ng carousel.
Anong oras na ba? Hmmm. Takte! 3:30 pa lang! Sabi nya 7:30 pa kami magkikita dito. Hay! ayaw ko naman maggagala dito mag isa noh! Pero sige, wala naman akong magawa. Sakay muna ako ng mga rides dito.
Hmm. Ano kaya? space shuttle? Anchors away? extreme? flying fiesta? NAKO! Di ko kaya yang mga yan. Carousel? haha! matry nga! La lang mapagtripan. Buti pa si len may kasama. Boyfriend pa nya. makahanap nga ng boyfriend.LOL
Yun nga, sumakay ako sa carousel. Nakakahiya nga eh! Ako lang yata matanda dito. Hindi pa naman nagsisimula kaso gusto ko ng umalis. Di bale na nga!
Dito ako pumwesto sa may upuan. Pangdalawahan ito eh. Tumingin ako sa paligid. Di nalang pala ako matanda dito eh. May mga lovers na rin na nakaupo sa upuan. Naghaharutan! Ako lang yata walang pair dito eh! Ayaw ko naman umupo sa may kabayo noh! Dito nalang ako!
Tagal naman umandar! Pinupuno pa yata eh! Mukha nga eh, kasi may lalaki sa gilid ko.
" miss, pwede tumabi?'" sabi nung lalaki
Shet ang gwapo! tumango lang ako at tumingin sa harap. Hay! Sa wakas naman ay umandar na! Grabe! kauumpisa pa lang eh nahihilo na ako. Magsusuka na yata ako eh! lol
Hay! tagal matapos! Mamamya masukahan ko talaga to, sayang naman ang beauty ng lola nyo oh! Tumingin ako sa katabi ko. Shet lang? Lam nyo yung feeling na mapapamura ka sa kagwapuhan nya?
"may dumi ba sa mukha ko?" sabi nya sabay punas sa mukha nya
Gasgas na linya mo tol!!! " uhh. wala naman" sagot ko at tumingin ulit sa harap. Hilo na talaga ako. Umiikot na yung paningin ko. Lol! Hindi naman masyado, konti lang.
At sa wakas ay natapos na rin. Hay! Sumakit ulo ko. Kiss mo nga kuya! lol. Next stop, sa-saan ba maganda? Hmm. Alam ko na! Sa rio grande na lang! kaso mababasa ako! Yaan ko na.
"miss,payong mo" sabi nya sabay abot sa akin nung payong. OO nga pala noh!
"thanks" sabi ko at kinuha yung payong. Binilisan ko yung paglakad ko para di nya ako maabutan. Masungit kasi ako sa mga lalaki.
"hintay naman" sabi nya. Nilingon ko sya. " problema mo aber?" masungit na sabi ko
" wala naman. wala ka atang kasama, magkasama nalang tayo!" sabay pa cute nya. Sige na nga, para makilala pa kita! joke! at least may kasama ako diba?'
"k" matipid na sagot ko.
"yehey!!!'" sagot nya at ngumiti. May dimple ang lolo nyo! shet! mas lalo ata akong nainlove,. Joke lang. Syempre crush lang muna! MUNA?? so may susunod pa?? di ganoon yun ah! kayo talaga
BINABASA MO ANG
I'm in love with a stranger
Teen FictionBakit sa dinami dami ng lalaki dito sa mundo na pwede kong magustuhan ay ikaw pa? Ikaw na stranger? Bat ikaw pa? Pwede naman sa mga kakilala ko nalng di ba? Pag ibig nga naman, walang pinipili...... Pero ganoon talaga... wala tayong magagawa... Maii...