Chapter 2: "Huh?"
"uyyy, ice cream!!!" sabi nya at kinaladkad ako papunta sa nagtitinda
"dalawa po" sabi nya sa babae ng nakangiti. Namula yung babae. Agad agad?? lakas ng tama ng lolo nyo sa babaeng ito ah!
Binigay nya sa akin yung isa. Nakita ko nung bingay nya yung bayad dun sa babae eh hinaplos nung babae yung kamay nya! Landi mo teh! duh!
"thanks dito sa ice cream"sabi ko
"wala yun! saan tayo? alam ko na! sa space shuttle na lang! dali!" sabi nya at hinila ako papunta sa may space shuttle.
"nagtanong ka pa? ikaw rin lang sumagot. tsss" masungit na sabi ko. Ganyan talaga, kailangan masungit.
"ang sungit mo naman! kanina ko pa napapansin yan ah" sabi nya at nandito na kami sa tapat ng space shuttle. Seriouly? sasakay kami dyan? Ayaw!di ko kaya.
Tinignan namin yung nakasakay sa space shuttle. Umandar na! Grabe! ang bilis tapos iikot ikot pa! NO WAY!
"Hoooh!!! ang saya!!! hoooh" sigaw nya habang nakatingin sa nakasakay sa space shuttle. Parang tanga lang.
"Sasakay ba talaga tayo dyan? Ayaw ko dyan!" napatingin sya sa akin ng nakangiti at nakita na naman yung dimple nya. Cute!!!! yung dimple!
Tagal nyang sumagot at nakangiti pa rin.
.........
..........
"haha! di noh! nukaba? nag enjoy na ako noh? di mo ba narinig yung sigaw ko kanina?" kala ko pa naman sasakay kami. Di naman pala. Di ako disappointed ah!
Tumingin ako sa paligid at may nakita akongstuff toys na giraffe na kulay blue na malaki!! This time, ako naman ang kumaladkad sa kanya.
"ang cute!!!" sabi ko habang tinuturo sa kanya yung giraffe.
"gusto mo nun?" nakangiting sabi nya at as usual nakita na naman yung dimple nya!
Tumango ako, siguro lalaruin nya yung game para makuha yun! asa!
"edi maglaro ka! ate isa nga" sabi nya! grrr! asa naman kasi ako noh? NI hindi ko pa nga sya kilala. Para nga kaming mag on ngayon eh. Huh? ano daw?
Mahirap yung game ah! Papatayuin mo yung bote gamit yung parang panungkit tapos yung dulo nya eh bilog. Nakilang beses na rin syang sumubok. 50 kada isang try eh. Naka4 na ata ang lolo nyo eh.
Pinagpapawisan na sya! haha! never give up tol! haha!
"kiss nga! para ganahan naman akong maglaro dito" sabi nya habang seryosong tinatayo yung bote.
"huh?" yun lang nasabi ko.
BINABASA MO ANG
I'm in love with a stranger
Teen FictionBakit sa dinami dami ng lalaki dito sa mundo na pwede kong magustuhan ay ikaw pa? Ikaw na stranger? Bat ikaw pa? Pwede naman sa mga kakilala ko nalng di ba? Pag ibig nga naman, walang pinipili...... Pero ganoon talaga... wala tayong magagawa... Maii...