Sneak Peek

247 10 1
                                    

Sneak Peek

Nakaabang si Alyssa sa pagpanik ng elevator. Nais niyang bumaba para bumili ng makakain kahit man lang sa convenience store. Hindi siya lumabas ng kanyang unit sapagkat ayaw niyang makita o makasalubong ang taong iniiwasan niya. Hangga't maaari ay ayaw niyang magkrus ang landas nila. Bakit pa kasi sa dinami-dami ng condo unit sa Maynila ay napadpad pa ang lalaking ito sa tabi ng kanyang unit. Sinasadya ba nito na maging magkatabi muli ang kanilang mga unit.

Ayaw na niyang magkaroon pa ng koneksyon sa lalaki. Makita lang ito ay nasisira na ang araw niya. Ni ayaw niyang makasama sa isang lugar ang lalaki. Pilit na niya itong itinataboy ngunit ito pa rin ang lapit ng lapit sa kanya. Para itong asong ulol sa kakasunod sa kanya. Bagay na kanyang kinaiinisan.

Bumukas ang elevator at nagulat siya nang makita ang lalaki na ayaw niyang makita. Napaatras siya sa kinatatayuan ngunit agad naman siyang hinila ng lalaki papasok ng elevator. Kinorner siya nito sa sulok ng elevator gamit ang dalawang kamay na nasa gilid ng kanyang ulo. Halos magkadikit na ang kanilang mga katawan ngunit hindi nagpahalata ang babae na kinakabahan siya. Damang-dama niya sa kanyang mukha ang init ng hininga ng lalaki na kahit amoy alak at sigarilyo, ay hindi nakakasukang amuyin hindi tulad ng sa iba. Hahalikan siya nito ngunit agad niyang iniiwas ang mukha niya.

"Brandon, stop it. I'm not your girlfriend anymore para halik-halikan mo at isa pa may manliligaw ako." wika ng babae.

"Then be mine again. Dump that bastard suitor of yours and be my girlfriend again and again. If you don't like that idea, marry me to the nearest church and be my wife. Choose, Alyssa. Just choose from the two." ani ng lalaki.

Nanlaki ang mata ni Alyssa sa tinuran ng lalaki. Saglit siyang di nakakilos ngunit nakabawi naman siya kaagad. Tinulak niya ang lalaki at mabilis na lumayo. Nakahalukipkip siyang humarap sa lalaki na may kasamang pagtataas ng kilay bago nagsalita.

"Anong kalokohan na naman ba ito, Brandon? Sawang-sawa na ako sa mga laro mo sa buhay. Hindi ka ba napapagod? Kasi ako sawang-sawa na, pagod na pagod na." sukong wika ng babae. Hindi alam ng babae kung namamalik-mata lang siya ngunit parang nakita niyang nasaktan ang lalaki sa sinabi niya. Bagay na hindi nito pinapakita noon ngunit bumalik naman kaagad ang confidence nito.

"I won't get tired of loving you. Why don't you believe me? Do you hate me that much? That even believing that I'm inlove with you, can't accept your heart?" madamdaming anas ng lalaki.

Napapikit at napabuntong hininga ng malalim ang babae bago makapagsalita. "Diretsuhin mo na ako, Brandon. Wag ka ng magpaliguy-ligoy pa. Anong kailangan mo sa akin? Katawan ko? Ehdi ibibigay ko. Ilang gabi ba gusto mo? Yun lang naman talaga ang kailangan mo sa akin dati pa di ba?"

Matagal bago nakahanap ng tamang salita ang lalaki. "I want... to get even to you."

"You're unbelievable, Brandon! Hanggang ngayon yan pa rin ang nasa isip mo? Hanggang kailan tayo maghihiganti sa bawat isa?" di makapaniwalang tanong ng dalaga.

"It's not what you think it is!" palag ni Brandon. Nakarating ang elevator sa ground floor ngunit pinindot muli ng lalaki paitaas ang elevator button patungo sa floor ng kanilang unit.

"Then say it to me. Enlighten me!" galit na sabi ni Alyssa.

"I want to get even means; I want you to love me back. I want you to love me and to care me. You make me fell in love with you, hard. Hard, that I can't take away myself from drowning. I won't beg you to love me back coz I'll make sure that you will love me by hook or by crook. I think it's only fair if you fall in love to me. Coz you know? I love you, I really do. You have my heart and I will have your heart again, soon. Now, we're even!" maawtoridad ngunit sinserong wika ni Brandon habang nakatingin ng diretso sa mata ng kausap.

Napailing na lang si Alyssa sa narinig. Kung hindi niya lang kilala ang kaharap ay aakalain niyang wala ito sa tamang katinuan. "You're crazy! Stop from saying lies. Hinding-hindi mo na ako madadaan sa pambobola mo. Hindi mo na ako mapapaniwala sa kaka-ilove you mo. Hindi mo na ako mauuto kaya tigilan mo na ito." wika ni Alyssa.

Nakuha ang atensyon ni Alyssa nang tumunog ang elevator, hudyat na nakarating na sila sa floor ng unit nila. Agad na lumabas ng elevator ang babae ngunit hindi pa siya nakakalayo nang hilahin siyang muli ng lalaki papasok ng elevator. Hinalikan siya ng lalaki habang hawak ng dalawang kamay nito ang magkabila niyang pisngi. Isinandal siya sa haligi ng elevator at idiniin ang katawan nito upang hindi siya makakilos.

Mapupusok na halik ang iginawad sa kanya ng lalaki. Yung tipong nagmamadali, yung parang sabik na sabik. Nanghihina at nangangatog ang tuhod ng babae. Kahit kailan talaga ay ganito pa rin ang epekto ng halik sa kanya ng lalaki. Hindi siya nagpadala sa intensidad ng halik nito kaya hindi siya tumugon sa lalaki. Kinagat ni Brandon ang pang-ibaba niyang labi nang maramdamang hindi niya tinutugon ang halik nito. Napabuka ang kanyang labi sa gulat ng kagatin ng lalaki ang kanyang labi, bagay na sinamantala nito.

He explored his tongue to her sweet mouth the way he used to when they were together. Tinugon na rin ng babae ang mga halik nito. Hindi na niya nakayanan pang pigilan na di tugunin ang mga halik na binibigay ng lalaki. Nakalalasing ito katulad pa rin ng dati na tipo na mawawala ka sa katinuan. Na parang nasa iba kang dimensyon sa mga halik nito. Na parang nawalan ka ng pakialam sa mga taong maaaring makakita sa inyo. They are now french kissing like they're miss each other's tongue.

Unti-unting bumagal ang kanilang mga halik. The kiss shifted from french to passionate. After their make out session, they catch their breath like they were running from a marathon. Brandon stares to her eyes like she's the only beautiful woman in the world.

"I'll not stop from proving you that I love you... You will love me. Keep that in mind." wika ng lalaki bago muling inangkin ang labi ng babae.

Hindi na pumalag ang babae bagkus, tinugon niya na lang ang mga matatamis na halik nito. Gaya pa rin ng dati, lasing na lasing na naman siya sa mga halik nito. She don't know what to do next. But the only thing that is clear to her is that, she enjoying the kiss from this mercurial and control freak she used to love. Just enjoy the moment till it lasts.

_______________________________________

A/N

Alam ko may on-going pa ako pero gumawa pa ako ulit ng bago. Matatambakan na naman ako. Pero plano ko na kasi ito. Na kapag nakalahati ko na yung ATGP, magpopost ako ng bago.

Sorry sa wrong spelling, grammar etc. bobo ang sumulat nito. Joke, di ko na nicheck.

Yung mga nangyari sa taas ay mangyayari kapag kalagitnaan na ng kwento. Si Brandon ang male main character. Opo, tama kayo. Si Brandon na isa sa mga kaibigan ni Marco sa ATGP. Kaya nga inintroduce ko silang lahat dun, kasi balak kong gumawa ng kabalbalang kwento nila. Yun lang, masyado ng mahaba. Naexplain ko na, labyu.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NWETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon