Prologo

341 4 0
                                    

Prologo

Sino ba sa atin ang hindi nagnanais makaganti man lamang sa mga taong nanakit at nang-api sa atin? Likas na siguro sa isang tao ang pagnanais nito. Sino ba naman kasi ang nagnanais na maapakan ang pagkatao? Malamang ay sa wala.

Ngunit kung bibigyan ka ng pagkakataon na makapaghiganti- sa tamang oras, tamang panahon, tamang lugar, tamang tiyempo at sa tamang pamamaraan- kukuhanin mo ba ang pagkakataong ito upang makabawi man lamang sa taong nanakit at nang-apak sa iyo? Palilipasin mo ba ang pagkakataong ito at hahayaang mamuhay na lang ng tahimik kipkip ang galit sa iyong puso?

Sabi nga nila, kung maghihiganti ka sa isang tao ay maghanda ka na ng dalawang libingan. Libingan para sa taong paghihigantihan at libingan para sayo. Dahil sa laro ng paghihiganti, walang kasiguraduhang magwawagi ka at uuwing luhaan ang iyong kalaban.

Tandaan lamang na sa oras na simulan mo ang laro, wala nang atrasan ito. Maghanda ka na lamang sa dalawang bagay na kalalabasan ng iyong paghihiganti- ang iyong kabiguan o ang iyong kasiyahan.

NWETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon