PROLOGUE
Kaya mo bang maglet go...
... sa taong ayaw mong layuan...
... pero kailangan?
"I love you"
"I love you too"
haay... ang sarap mainlove no?
lalo na kung yung mahal mo... mahal ka rin..
Yung parang... mangangarap ka... na palagi mo siyang kasama..
yung makita mo lang siyang ngumiti... ang saya-saya mo na rin.
akala mo... forever na magiging kayo..
pero hindi lahat ng relasyon... ay mayroong happy ending..
dahil paminsan-minsan... ang puso ay napapagod din.. mahirap man tanggapin.. pero kailangan mong harapin.. ang katotohanan.. na ang lahat ay may hangganan..
dahil kung minsan.. ang pagmamahal niya sayo... ay mawawala rin.
"break na tayo"
"its over"
"ayoko na"
"pagod na ako"
kung pwede lang ba na huwag ng magmahal.. para huwag na rin masaktan.
pwede nga kaya yun?
makita mo lang siyang nakangiti... yakapin ka lang niya ng mahigpit... handa ka ng masaktan ulit.
pero... may mga bagay na mahirap ibalik...
mga araw na kasama mo siya.. ang sakit isipin di ba?
ang mga pangako niyo sa isa't-isa'y... bigla na lang maglalaho..
paano ka makakapagmove-on...
kung sa bawat bukas mo ng facebook... lagi mo tinitingnan ang profile niya... lagi mo tinitingnan ang mga pictures niya... at binabasa ang mga status niya.
bakit ka pa aasa?
kung para sa kanya... nakaraan ka na lang..
"ayoko na"
"ang sakit-sakit na eh"
"pagod na ako"
di ba madaling sabihin?
... pero mahirap gawin..
Buburahin mo cell number niya... memorize mo naman..
mahirap di ba?
kasi bawat bagay na makita mo... maiiyak ka na naman.. at maaalala mo siya..
masakit di ba?
dahil habang nagpapakatanga ka.. nagmamahal siya ng iba..
kahit masakit..
masaya naman siya..
dahil sa pag-ibig... nagagawa mo lahat ng katangahan..
basta nagmamahal ka...
kung gusto mo magmove-on...
putulin mo lahat ng koneksyon niyo...
... and be with others..
oo nga.. nakakamiss yung mga taong minsan nang nagpasaya sa atin...
malay mo isang araw.. na nakalimutan mo na pala siya..
mapapangiti ka na lang..
because only TIME..
...can heal a broken heart..