Chapter 2 - He's Back.
{ Andielle's POV }
Wala namang masyadong nangyari kagabi , nag-dinner lang kami ng matiwasay.At ngayon ay hinihila ni Jessica yung paa ko papasok ng banyo , tamad na tamad pa kasi akong bumangon.Tinatamad pa kong pumasok ngayon , hinulog nya ko sa tub at napatili ako sa lamig ng tubig.
Ng tuluyan akong magising ay tinulak-tulak ko sya palabas ng banyo at mabilis na nag-ayos.Nagbihis ng damit at kinuha yung bag ko , nagpaalam rin ako kay mommy na sa school na lang kakain.
"Bwisit ka kasi Jessica eh! Gutom tuloy ako , dapat kakain pa ko eh.Bwisit." sabi ko pa habang pinapadyak padyak ang paa ko , mukha akong tanga alam ko.
Pagkapasok ko sa room ay kung anu-anong kantyaw agad ang narinig ko patungkol sa akin , samin ni Troy.Letse naman o , bakit hanggang dito ginugulo ni Troy ang buhay ko? -__-
"Oy pango." bati nya sakin.Agad ko syang hinarap , naghahanap ata ng sakit ng katawan 'tong loko na 'to eh. "O ano naman kung pango ako? Kamusta naman yang panga mo?" nagtawanan yung mga kaklase ko , miski yung adviser namin.
Buti di kami pinapagalitan , mabait kasi si Miss Loraine eh. "Jan nagkadevelopan ang lolo't lola ko eh.Ayieeeee~" kantyaw ni Jackie , kaklase ko.Bigla ko naman syang hinarap , sya naman ang pagbubuhusan ko ng kabadtripan ko.
"Talaga? Kwento mo kay Barney na tulog , baka magets nya." sabi ko sabay upo sa upuan ko.Okay , Andi kalma lang.Kumalma ka lang sabi eh , huta naman o. -___-
Bakit nga ba ko badtrip? Pinagtripan kasi ako ni kuya at Troy kagabi , dinouble team ako.Hutek! >.>
Masyadong maigsi ang pasensya ko kaya ganito , yung galit ko that time ay nilabas ko na lang sa kwarto ko.Matapos nila akong basain ng malamig na tubig , ay umakyat ako sa kwarto.Nagpalit ng tuyong damit , at humagulgol sa kama.
"Uy.Open up." yan yung sinabi ng kuya ko kagabi , pero binalewala ko lang sya. "Sorry na Andi." sabi naman ni Troy na di ko rin binigyan ng pansin , tanging luha ko lang at ang hagulgol ko ang maririnig sa apat na sulok ng kwarto.
Nakakainis ka na Andi , bakit ba kasi ang sensitive mo? Bakit ganyan ka? Naglalakad ako ngayon papuntang cafeteria , bibili lang ako ng lunch at didiretso na sa field.Ayoko kasing kumain rito sa cafeteria , bukod sa maraming linta at higad makikita ko pa si Troy.
Oo nga pala , sa kanya mga nakadikit yung mga linta at higad na handa nyang iwanan para lang asarin ako.Sa totoo lang , nakahithit ata 'to ng usok nung bata sya eh.Umupo ako sa may bleachers , at nagsimula ng kumain.
Tumabi naman sakin si Jessica na may hawak na DLSR , member kasi sya ng journalism club at may practice ang soccer team kaya ayun picture here and there ang peg.
Kahit si kuya lang naman talaga yung pinipicturan nya , isa rin siguro yun sa dahilan kung bakit sya nag photography.Pero sabi nya sakin destiny lang raw yun , sus.Di naman totoo yun eh , kahit gano pa kalakas ang paniniwala mo jan.Ikaw at ikaw rin ang gagawa ng paraan para magkalapit ang landas nyo , bumuntong hininga na lang ako at binalik yung pinagkanan ko sa cafeteria.
Ng tumingin ako sa wrist watch ko ay 4 na kaya sumakay na ako sa kotse namin na nakapark sa parking lot , syempre alangan namang sa swimming pool.Hinantay ko run si Chad , sabay raw kaming uuwi sabi nya eh.
Pero dahil alam kong may kalandian ang kuya ko kaya lumabas muna ako , guess what I see? Si Selene at Troy naglalandian , kaimbyerna. -____-
Bakit? Kahapon ko lang kasi narealize na may gusto na pala ko sa lalaking 'to.Sa siraulong nagpaiyak sa akin , sa bestfriend ko.Kahit alam kong may gusto syang iba , pano ko nalaman? Binanggit ko yung pangalan ni Selene Viole sa kanya at agad namula yung tainga nya , kinikilig? Ang landi nya , tae lang.
Parehas kasi sila ng middle school na pinasukan nung nasa America pa sya kaya , ayun.Matagal nya ng gusto yung babae , kasi lovable naman talaga eh.Maputi , mejo brown yung buhok , itim at bilugan ang mata , mapula yung labi , maganda yung cheekbones.Ano pa bang laban ko jan?
Ititigil ko muna 'tong kadramahan ko , pero nung papasok na ako sa kotse nadapa naman ako.Ang tanga ko lang ano? Akala ko hahagalpak ng tawa si Troy kasi , nasa likuran ko lang sya pero tinulungan nya pa kong tumayo.Ang plastik nya ! Dapat umaakto lang sya ng normal na pag-akto nya eh , ayoko ng napipilitan lang sya at kung ano pa man.
"Sa susunod wag ka ngang tatanga tanga." bulong nya pa sakin saka ngiti kay Selene.Parang sinaksak ako ng ilang libong karayom , masakit masabihan nun lalo na kapag mahal mo yung tao.
Pumasok na ako sa kotse , at luckily tapos ng lumandi si kuya sa gerlpren nya.Letse mas nakakabitter pag nakikita ko silang naglalandian , hutek!
BINABASA MO ANG
Destiny
Teen Fiction"A girl is destined to meet his path , but it will never be HER.She might love him as the one for him does , but HE will never realize it until she made her move."