Chapter 07

42 1 0
                                    

[Henry's POV]

"Ikaw?!" Sumbat ko. I was in a state of shock right now. Di ko akalaing siya pala yung bagong Trainee!

"Ahhh..so,magkakilala pala kayo nito ni Jia? Well,that would be nice! Since marami pa akong aasikasuhin,ikaw na muna ang mag-tour sa kanya dito sa Company--and Jia. Just follow your tourguide,ok? Bye!" Sabi ni Sir Lee.

"Ano? Pero,Sir!" Gulat na sabi niya. "Tumigil ka na nga diyan. Baka isipin mo na gusto ko,Ha! Yuck." Sabi ko naman sa kanya.

nag-umpisa na kaming maglakad at mag-introduce sa kanya ng mga 'Dapat',makilala at malaman. "Eto yung Dance practice room." Sabi ko at binuksan ko muna yung pinto. "May mga Teacher naman dito kaya,matututo ka,kahit papano." Pagpapaliwanag ko. Tinignan ko siya--Naka,'nga-nga' lang siya. Parang napahanga siya.

"Eto naman yung Music room. Mas magandang mag-Practice dito kapag Hapon. Wala kasing mga Trainee,kahit papano." Pagpapaliwanag ko ulit. 'Priceless' talaga yung itsura niya! Hahaha!!

"Alam mo,mahuhulog na yang panga mo." Inaasar kong sabi sa kanya. Siya naman,napahanga ng sobra kaya,hindi man lang siya nagsasalita. Anong problema nito,at parang ngayon lang nahanga sa buong buhay niya. Di pa ata nakapunta ng Amusement Park--Halata kasi eh.

"Ano? Hindi ka pa ba lalabas?" Tanong ko. At sinundan niya ako palabas. Kung saan ko sya pinunta ...hangga't sa natapos na yung Tour. "Uy..umm,pupunta ulit ako sa,Music Room ha?" Sabi niya at Tumango nalang ako sa kanya.

_______________________

[Jia's POV]

Papunta na ulit ako sa Music Room. ewan ko ba kung bakit gusto kong balikan yun. Kahit papano,parang maganda nga 'tong kumpanyang 'to. kaya ako napapa-'nga-nga' eh.

Napansin kong tumunog yung Cellphone ko. May nag-text. Si Auntie.

Message:

_______________________

Uy,Jia! Uuwi na muna ako,ha? Ang tagal mo eh.. Sige. Umuwi ka nalang kapag natapos na 'yang mga gagawin mo.

Sender: Auntie

Ni-Replayan ko nalang si Auntie ng 'Ok.' At nagsimula na akong siyasatin ang Music Room! Naalala ko tuloy si Mama.. Lagi siyang tumutugtog ng Piano para sa 'kin. tinuruan pa nga niya ako eh. kaso lang,nakalimutan ko na eh.

Bigla 'kong narinig yung pinto,bumukas. May pumasok na tatlong babae. mga Trainee rin ata sila. iniirapan nila ako at bininigyan ng mga Masasamang looks.

"You." Sabi nung babaeng nasa gitna,na patuloy pa rin ang pagtingin ng masama sa 'kin.

"Bakit ka,nasa tabi ni Henry kanina? Bakit kayo magkasama?!" Sinumbatan niya 'ko. at patuloy pa rin sila sa 'Death Glare' nila sa 'kin. tinulak nila ako sa Pader.

Please. Ayoko ng gulo. Tulungan nyo 'ko. Ayoko ng eksena.

Nakatingin lang ako sa Sahig. "Look at us! look at us,you B**ch!" Sigaw nung babae sa 'kin.

hinawakan niya ako sa braso at tinulak sa Sahig. yumuko yung isang babae sa kanila. "Don't you dare flirt with Henry,understood!?" Pagsasaway niya sa 'kin. may biglang humawak sa buhok ko at pinagsasabunot ako.

Kasalukuyan pa rin ang pananakit nila sa 'kin. Bakit ba naging ganito yung landas ko? wala naman akong ginawa eh. biglang may Luhang pumatak sa pisngi ko. Umiiyak ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

pagkatapos non,umalis na yung mga babae sa Music Room. naiwan ako. umiiyak. hindi alam ang gagawin.

_______________________

[Aron's POV]

Nandito ako sa kumpanya ng Dad ni Henry. sabi ni Henry,dito daw kami magkita. Nako naman! Asan ba siya? Henry talaga... Ah! baka nasa Music Room siya,nagpa-Practice! dali-dali akong pumunta sa Elevator para puntahan yung Music Room.

"Ano nga bang floor yun?" Nag-isip muna ako. "Ah! 4th floor!" Pinindot ko na yung Button-4 at Umandar na.

Nandito na 'ko! Binuksan ko na yung pinto ng Music Room at---Eh? Sino to? ba't may umiiyak? lumapit ako ng konti para makita yung tao. Teka!

.

.

.

.

.

.

"Jia?" Tanong ko. tumingin siya. Nagulat ako. nakita ko ang mga mata niya,Pulang-pula dahil sa ka-iiyak niya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nagpa-panic ako. Out of Nowhere,at dahil sa pag-aalala ko..

Bigla ko nalang siyang niyakap.

Dali-dali kaming umalis sa Building at pumunta sa may pinaka malapit na Pharmacy. bumili ako ng Gamot para sa mga Sugat niya. pagkatapos non,umupo kami sa may Bench sa park,at binuksan ko yung mga pinamili ko.

Kumuha ako ng bulak at nilagyan ng Betadine. nilagay ko 'to sa sugat niya sa mukha. I glanced at her. I can feel that She's blushing.

maybe because,She's embarassed. "Stay still." Sabi ko sa kanya. Nilagyan ko ng Band-aid yung sugat niya. napansin ko rin na may pasa siya sa braso niya. pinayuhan ko siya na,lagyan niya ng Yelo yung mga pasa niya para hindi lumala.

.

.

Dahil sa sobrang curious ko,tinanong ko siya. "S-Sino ba may gawa sa 'yo nito?"

_____________________

[Henry's POV]

Asan ba yung Aron na yun? nako. sabi ko,dito lang siya sa lobby mag-antay eh! napatagal pa tuloy. hindi na ako nakatiis at lumabas ako ng building at naglakad-lakad muna.

Naisipan 'kong tawagan siya. Then,as I walked by..bigla akong may napansing Familiar sa 'kin.

In-End call ko nalang muna dahil hindi pa naman ni Aron sinasagot. Dahil sa pagka-curious ko kung sino yung 'Familiar' person sa 'kin,nagtago ako sa may puno,at sumilip ako dun sa may nakaupo sa Bench.... o___O

.

.

.

.

.

.

.

Ha? Si-----

____END OF CHAPTER 07____

Yo! Napakarami 'bang 'Point of Views' ? lol. ganun talaga. Sorry for the cursed word. Forgive me.. TT^TT

Meant To Be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon