Hi NashLeners! 3 days holiday namin. Haha. :)
An All Saints Day Special. Para sa mga nagluluksang puso. Haha.
-
When I Was Your Man
Date Created : 01 / 11 / 13
-
Nash' POV
"Ayoko na. Nakakasawa na. Sawang sawa na ako... "
Paulit-ulit na tumatatak sa isip at puso ko.
Ang tanga ko pala, hawak ko na e. Pinakawalan ko pa.
"Hi Sharlene, flowers for you." Rinig ko sa isang lalaking nag-abot ng bulaklak kay Sharlene.
Susugod na ako, pero may pumigil sa akin. Ang kaibigan ko.
"Pare, tandaan mo. Wala ka ng karapatan. Bumitaw ka sa babaeng pinapangarap ng iba."
Tumalikod na lang ako. Tama siya, ang saklap. Bakit ko nga ba siya pinakawalan?
Flashback
"Sharlene, dito ka nga sa tabi ko." Naglalakad kami sa park. Lakad lakad lang.
"Nash, wala ba talaga tayong endearment?" Tanong niya. Big deal sa kanya iyon. Sweet daw. Yuck lang.
"Wala! Humanap ka ng iba kung gusto mong may tawagan kayo." Nasabi ko.
"Nash, bakit ka ba ganyan? Sadya bang sa una lang kayo magaling, sa una lang sweet, sa una lang maalaga? Nash, nangako ka na hindi mo ako sasaktan pero bakit ngayon?-"
"Kelan ba kita sinaktan ha? Ang arte mo!"
"Kelan? Araw-araw. Nagbago ka na. Hindi mo nga ako sinasaktan, pero araw-araw nararamdaman ko na parang may sumasaksak sa puso ko sa pagtrato mo sakin. Minsan tinatanong ko ang sarili ko, bakit iba tayo? O meron nga bang tayo Nash?"
"Wala, walang tayo. Itigil na natin 'to."
"Ganun na lang? Sige. Goodbye Nash, siguro may mahal ka ng iba. Thank You for making me realize that I should love my self first than to love others. Thank You for your Love? Goodbye."
At lumakad na siya palayo. Unti unting tumulo ang luha ko.
I'm just 17 at hindi ko alam ang ginawa ko.
End of Flashback
2 years na ang nakaraan simula noon pero fresh na fresh pa rin sa utak ko ang mga pangyayari.
I'm too dumb and too young to realize na pinakawalan ko pa lang ang isang babaeng pinapangarap ng marami.
Na kapag binitawan ko pala siya, wala na. Tapos na. Na kahit habulin ko pala siya, hindi na pwede nasaktan ko na siya.
Nakipag-break ako dahil she's too perfect for me.
Nasasaktan ako kapag may tumitinging ibang lalaki sa kanya. Would you blame me? Bata pa ako at hindi ko pa alam ang mga nangyayari pero dafuq sobrang sakit pa rin.
Lumabas ako ng school syempre cutting. Ayoko doon, parang impyerno. Araw-araw may sumasa sa kanyang iba. Sobrang sakit na kahit isang tingin man lang hindi pa niya maibigay sa akin. Pero kasalanan ko rin naman e, kung hindi sana ako tanga noon, sana kami pa rin.
Nasa bar ako ngayon. Malapit na halloween at alam ko kasabay noon ang pagluluksa ng puso ko.
"One hard drink please." Sabi ko sa bartender. May lumalapit na mga babae pero hindi ko pinapansin.
Tahimik ang bar at may bigla na lang tumayo sa stage.
Si Jairus Aquino, ang lalaking karibal ko sa lahat ng bagay. Pati na rin sa puso ni Sharlene.
Ano kayang ginagawa ng hayop na 'to dito?
"Hello po! Sorry sa abala gusto ko lang po sana magkwento tungkol sa babaeng mahal na mahal ko."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ito na yata ang papatay sa akin. Gustong gusto ko ng umalis pero nakatutok ang katawan ko doon at ang buon sistema ko'y hindi nakikinig sa akin.
"Their's this girl na sobrang mahal ko. Highschool mates kami. Isa ako sa maraming nanliligaw sa kanya. Pero may isang lalaking nakakuha sa kanya and unfortunately hindi ako yun." Napa-aw ang mga audience.
"Pero yung lalaking ito, tanga. Gago ba? Pinakawalan yung babaeng hinahabol ng marami. Kaya nag-lakas loob akong manligaw ulit. Noong una ayaw niya pero after 6-7 months pumayag siya. Ako na yata ang pinakamasayang lalaki sa mundo. Dahil sa wakas nabigyan pansin na niya ako." Tumigil siya sandali at may kinuha sa backstage. Isang piraso ng rose.
"After 1 year, sinagot niya ako! Worth it! Kaya Ms. Sharlene San Pedro, can you come here sa stage, at hawakan muli ang kamay ko. Ang kamay ng taong patay na patay sayo." Umakyat sa stage si Sharlene at nagsayaw sila. Isang slow dance.
Martyr nga siguro ako pero ito na yata ang karma sa mga kasalanan ko.
Nakasakit ako at ngayon ako naman ang nasasaktan.
"Sana alagaan ka niya. Sana mapunan niya lahat ng pagkukulang ko. Sorry, sana mapatawad mo pa ako. Paalam , Sharlene."
Bulong ko sa hangin.
🎶 Now my baby's dancing
But she's dancing with another man ~ 🎶
(Sharlene's POV)
[Nash's POV]
(Nakita ko siya, tumalikod siya. Paalam na nga ba?)
[Gusto kong lumingon, pero nakatingin ba siya?]
(Lumingon ka, kahit ngayon lang. Handa akong patawarin ka, kung kukuhanin mo ako sa kanya)
[Sasama ba siya?]
(Lumingon siya. Nagtama ang mga mata namin)
[Nakatingin rin siya sa akin. Pero tumalikod ako.]
(Tumalikod siya. Siguro tama na nga.)
[Hindi. Hindi ako papayag.]
(Lumingon ulit siya sa akin.)
[Tama na ang dalawang taong paghihirap ko. Akin siya.]
"SHARLENE!"
(Sigaw niya. Nagulat ang lahat pati si Jairus pero ngumiti lang siya sa akin.)
[Lumakad siya papunta sa akin.]
"Sharlene.." Tawag ni Nash. Kinakabahan ito.
Lumapit si Sharlene ng may luha sa mga mata. Bumulong ito kay Nash at isang yakap ang nag-bind muli sa kanilang dalawa..
"Chase me, Nash. And I promise, I'll be yours, forever."
-
Jairus' Point Of View
It's too hard to love a girl that loves somebody else.
But it's way harder to let go a girl that you love so much.
But I guess, if I don't let go she will not be happy.
Maybe we're not meant to be, and I know that someday I will find that girl.
I hope it's you.
- END -
Corny! Haha. Teka Jairus, on the way na me. :>
BINABASA MO ANG
When I Was Your Man (NashLene)
FanfictionMy baby's dancing, but she's dancing with another man. - Bruno Mars