Sa mga nabitin. Eto na po. Pero kung ayaw niyong mabago yung ending, wag niyo na pong basahin. :)
-
Nash's Point Of View
"Hi Babe!" Bati ko kay Sharlene, she just nod.
Diba ito naman ang gusto niya, pero bakit hindi siya masaya?
"Hmm. Babe, may party sa bahay. Birthday ni Papa. Gusto ka na daw nilang makilala, at pabor naman yun sakin. Makakapunta ka ba?"
Akala ko ngingiti siya dahil matagal na niyang gusto na ipakilala ko siya sa mga magulang ko.
"Uh. Huh? Hmm. Mag clubbing kasi kami mamayang gabi, but i'll try." Sabi niya na hindi man lang tumitingin sa akin, bus-ing busy siya sa pagtetext.
"Sino ba yang katext mo?" Tanong ko. Naiinis na ako, pero pinigilan ko dahil napakarami ko ng pagkukulang sa kanya.
Hindi niya ako tiningnan kaya sinilip ko.
At muntik ng tumulo ang luha ko ng makita ko iyon, pero pinigilan ko.
To : Babe
Hi Babe, wait lang ah? Kausap ko kasi si Nash, later na lang. I love you.
Iyan ang nakita ko.
Kaya kong maging pangalawa basta't nasa akin siya.
"Nash, i need to go. Bye!" Kumaway siya at umalis na.
Walang I love you, walang take care at walang sweet words galing sa kanya.
Sa loob ng isang buwan na pag-hahabol ko sa kanya hindi ako sumuko kahit na kasing lamig ng yelo ang pakikitungo niya sa akin.
Ang tanga ko diba? Pero bakit ganun siya, ginagawa ko naman ang lahat, makabawi lang sa kanya.
Parang lahat na lang ng gawin ko, may kulang.
Hindi sapat.
Naglakad ako pauwi, trip ko lang. Kahit malayo parang hindi ako napapagod.
Napatingala at napangiti ako ng mapait, umaambon kasi. Tamang tama para sa isang lalaking takot makita na mahina siya.
Sa isang katulad ko, na nasasaktan pero hindi susuko para sa mahal niya.
-
Dinner
Birthday ni Papa. Halos magalit nga siya ng umuwi ako ng basang basa. Pa-birthday ko ba daw iyon.
"Nash, darating ba ang girlfriend mo?" Tanong ni Mama sa akin, lahat ng pinagdaraanan ko alam niya. Mama's boy kasi ako at hindi ako nahihiya roon. Bakit? Dinala niya ako ng siyam na buwan, at hinding hindi ko iyon ikakahiya.
"Susunod daw po e. Malelate po, may gagawin daw po." White lies. Kahit walang kasiguraduhan, sinabi ko pa rin, ayaw kong mapahiya kila Mama.
Masaya ang party pero may kulang. Kulang ako..
Alas nuebe ng gabi nagsisimula ng mag-alisan ang mga bisita pero hindi pa rin dumadating si Sharlene.
Linapitan ako ng isa kong pinsan.
"Insan, nasan girlfriend mo? Akala ko ba'y darating siya?" Tanong nito sasagot pa sana ako pero may isang babae na nakaagaw sa atensyon namin.
Si Sharlene pa-gewang gewang at palinga-linga.
Lasing ba siya?
"HOY! NASH! MAGPAKITA KA SA AKIN!" Sigaw niya agad akong lumapit. Gumagawa na siya ng eksena.
"Babe-"
Hindi pa ako tapos pero isang malakas na sampal ang inabot ko.
Napasinghap ang mga taong nakasaksi pero ako'y nanatiling nakayuko.
"Bakit, bakit sa lahat ng babae ako ang pinabayaan mo?"
Panimula niya, akala ko'y tapos na ang issue na iyon dahil nakalipas na naman ang isang buwan.
"Sharlene-"
"Hindi ko alam, hindi ko nga magawang matuwa sa mga sinasabi at ginawa mo. Diba'y dapat akong maging masaya dahil sa wakas eto ka hinahabol ako. Pero hindi, i think nawala lang ang pagmamahal ko sayo dahil sa mga nagawa mo."
"Babe, pag-usapan natin to." Pagmamakaawa ko , ganito pala, ganito pala ang pakiramdam.
Marahan siyang umiling.
"Pasensya ka na kung sa ganitong panahon ako pumunta, ngayon lang ako may lakas ng loob. Nash, babe, i loved you. But now, i'm inlove with someone else, and it's not you."
Gusto ko siyang habulin. Gusto ko pero bumagsak na ang tuhod ko, hindi ko kaya.
"Anak.." Tawag ng tatay ko. Hindi ako lumingon tumayo lang ako at pagewang gewang na umalis.
Masakit, sobra. Akala ko, hindi totoo ang broken hearted pero sa nararamdaman kong ito, parang literal na pinagpira-piraso ang puso ko.
Hindi ko inakala na mararamdaman ko ang ganito pero siguro'y kasama talaga ito sa pagdaraanan ko sa larangan ng pag-ibig.
Ang pagiging wasak, walang patutunguhan..
Pero siguro'y balang araw matututo muli akong tumayo, tumayo ng mag-isa.
Walang siya sa tabi ko..
Makakatawa ako ng hindi siya ang dahilan, at kapag dumating ang panahong iyon, ngingiti ako na parang walang nangyari.
Matitingnan ko siya na parang hindi niya ako sinaktan.
Pero kailan?
Kaya ko ba?
O hanggang salita lang ako?
Dahil sa pag-iisip ko pa lang ng mga memories naming dalawa.
Hahakbang pala mang ako ng isa, hinatak na naman ako ng mga memories na ito, dalawang hakbang pabalik sa simula.
Paano nga ba mag-move on? Kaya ko ba? Sana..
Dahil ngayon, mahal ko pa rin siya.
Gusto ko mang habulin siya, hindi ko na kaya.
Dahil kakapit pa lang ako, bibitaw na siya.
Hahabol pa lang ako, nakapagtago na agad siya.
Titingan pa lang ako, nakatingin na agad siya sa iba..
- Another End.
I told you. Kung ayaw magbago ang ending, wag basahin. :)
But konting pangungulit niyo na naman, malamang madadagdagan na naman ito. Hahaha, konting lambing lang sakin guys. ;) XD
BINABASA MO ANG
When I Was Your Man (NashLene)
FanfictionMy baby's dancing, but she's dancing with another man. - Bruno Mars