True Love (Entry#1)

25 2 0
                                    

by: TeenDramaQueen101

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

by: TeenDramaQueen101

Do true love really love exist?


 "Ma, sige na please.." pakiusap ko habang humihikbi na ako sa kakaiyak.

Halos hindi na nga ako makahinga pero hindi ko magawang pigilan ang sarili ko sa pag-iyak. Ayaw kasi akong hayaan ni mama na maggala sa labas kahit minsan lang. Ayoko na dito sa bahay namin, nararamdaman ko lang lalo na nagiging pabigat na ako dito.

"No, Janna! I'll never let you go outside! Paano kung may mangyari sayo? Paano kung mahimatay ka sa daan? Paano kung mawala ka na lang sa akin bigla? Paano kung—"

"Paano kung hindi naman mangyari yang mga iniisip mo? Mag-iingat naman ako ma, promise." Agad ko nang pinutol yung sasabihin niya. Alam kong nag-aalala lang naman si mama sakin kaya minsan ay overprotective na siya. Pero kailangan na naming tanggapin ang masakit na katotohanan. Na sa murang edad ko na 'to, mawawala na ako sa mundo. Nagbuntong hininga na lang si mama habang hinihilot niya ang sentido niya. Tumingin siya sakin ng isang malungkot na tingin.

"May HCM ka, Janna. Mabilis kang mapagod. Mabilis kang hingalin. Mabilis kang mahilo. Tell me, dapat ba na hindi ako mag-alala?" malungkot niyang sabi, at hindi nakatakas sa paningin ko ang pagtulo ng luha niya mula sa mga mata niya.

Nakaramdam ako ng lungkot pero agad ko rin nitong iwinaksi sa isipan ko. Cheer up, Janna! Cheer up! "Opo ma, dapat hindi ka mag-alala. Dahil sa simula pa lang, alam ko na kung saan ang kahahantungan ko. Maging masaya na lang tayo, kahit na alam kong mahirap. Be happy." sabi ko habang nakangiti. At hindi isang fake smile ang ipinapakita ko, kundi isang sincere na ngiti. Kahit na masakit, kailangan kong ngumiti para maging matatag din ang mama ko. Smile, Janna. Smile.

"Paano mo nasasabi ang mga bagay na yan anak?" nagtataka niyang sabi. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit. Sinadya kong yakapin siya para hindi niya makita ang mukha ko. Para hindi niya makita ang totoong nararamdaman ko.

"Tinanggap ko lang ang lahat ma. Na sooner or later, mamamatay din ako."

Pero sa totoo lang, ayoko pa. Ayoko pang mamatay. Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya at lumabas na ako sa bahay namin.

PARK

"Isang babaeng 13 years old ang namatay matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan niyang kotse." rinig kong balita sa TV.

Napakunot na lang ang noo ko nang marinig ko ang balita. Nandito ako sa park ngayon at umupo muna ako pansamantala sa bench dahil promise ko nga kay mom na mag-iingat ako. At saka hiningal ako kanina kakalakad.

"Labis na nagdalamhati ang kanyang pamilya nang malaman ang insidente." sabi ulit ng nagbabalita sa TV Mas mabuti pa pala yung sakin, alam kong malapit na ako mamatay. Pero yung sa kanila? Biglaan. Ni hindi nila alam na kukunin na pala sa kanila ang pinakamamahal nilang anak. Isa lang ang katagang naalala ko habang pinakikinggan ko ang balita na iyan. 

Love Exist When It Is TrueWhere stories live. Discover now