"ilag!"
napatingin ako sa sumigaw at saktong pag lingon ko tumama agad ang bola ng soccer.
headshot! ang sakit sa noo! ano bayan? naglalakad lang ako dito, nadisgrasya pa! mukhang magkakabukol pa ata!
"nako Fay! sorry talaga.ikaw kasi bigla nalang dumaan." sabi ni Ervin kaklase kong soccer player.
ako pa talaga may kasalanan kong nag lalakad lang naman ako dito? okay sige dahil gwapo ka palalampasin ko to.
"okay lang" nakangiti ko pang sabi sa kanya.
crush ko sya so palalagpasin ko talaga hehehe.
"hatid na kita sa clinic,mukhang mag bubukol kase"
ay syempre alangan namang tumanggi pa ako? offer na yan ni crush! paminsan minsan na ngalang makausap to eh.So ayon nag lakad kami paputang clinic.
crush ko na talaga yan si Ervin simula nong binigyan nya ko ng tubig noong p.e. time namin last year. kaklase ko na sya simula first year high school hanggang ngayong 4th years na kami. doon ko lang sya naging crush dahil napakabait nya,uhaw na uhaw nakasi ako noon tapos wala pang tubig.mabuti nalang at naawa sa akin ang crush ko hehehe.
"best! na sugod ka raw dito sa clinic! nagalala ako!" yan naman si Selina. bestfriend ko.palagi talaga yan nag aalala sa akin. kaya lab na lab ko yan eh.
"wala lang naman to.hahaha"
wala na dito si erven umalis na agad pagkatapos akong ihatid.
dumaan ang mga araw na normal naman.walang kakaibang nangyayari.maliban ngayon. mag ka group kami ni ervin sa isang group project dilang naman kami hahaha mga lima kami sa grupo kasali na si Selina.
"hi Fay,sorry talaga noong nakaraan ha?"
oh my gosh!kinakausap nya ko!matagal na naman yon ah?
"ok lang yon ervs" ayan pumapabebe na naman ako.
"sayo nalang to fay oh,pangbawi ko na lang sayo"binigay nya saa akin isang bracelet. totoo bato? as in? binigyan ako ng something ni Ervin? may god! mamamatay ako dito sa kilig!
"salamat hehehe" blush to the max ako dito.
nalipas ang ilang araw na palagi nakong kinakausap ni Ervin.araw araw nalang yata ako kinikilig,ano bato? parang lumivel up ang pag ka crush ko sa kanya? natapos na ang project at lahat nanatili kaming close.ilang months na din kaming palaging magkasa mang mag lunch pero kasama parin si Selina of course alangan naman best friend ko yon eh!
hanggang nagising ako isang umaga, kakaiba na talaga nararamdaman ko.iba nato.
is this what you call love? oh my! na iinlove na ako kay Ervin?
na inlove din kaya sa akin si Ervin? ano kaya ako para kay Ervin? urrgghh mababaliw ako nito sa kakaisip sa kanya!
mukhang may pag asa naman ako ah?parang may gusto din naman si Ervin sa akin?
palagi syang ng lilibre,palagi syang na tetext sakin,at sinabihan din nya ko ng maganda daw ako one time!
ano bang dapat kong gawin?magtatapat ba ako sa kanya? ano? naguguluhan na ako! you need to focus fay! mag isip ka kong ano ang dapat gawin.
nakapag desisyon nako. sa graduation ko nalang to sasabihin sa kanya.tutal 1 month nalang ay graduation na.okay kakayanin ko to.sorry batman pero ikaw na ang bahala.