Forbidden

30 1 0
                                    

Sorry for my typos. Enjoy!

Pinagmasdan ko ang babaeng naglalakad sa aisle. Today is a happy day for her, and my cousin. Ang kaniyang puting gown at belo ay idinesenyo ko, pigilan ko man ay Sumibol ang inggit sa aking puso.

"Hoy te! Ikaw ba kinakasal?" siko sa akin ng pinsan ko na walang sawang kumukuha ng litrato.

Umiling ako, "Hindi..." pero pangarap ko. Pinalis ko ang luha ko na daig pa ang waterfalls.

Pinasadahan ko ng tingin ang lalaki kong pinsan na ikakasal ngayon. Napansin niya ang pagtitig ko sa kaniya kaya ngumiti siya sa akin at nag okay sign. Nginitian ko siya pabalik at agad din na inalis ang tingin sa kaniya. Hindi kinakaya ng puso ko ang saya, lungkot at pagkawasak.

Bumalik muli sa akin ang mga alaala na nangyari 4 years ago.

Napuno ng hiyawan at tawanan ang reunion namin. Bumabaha din ng mga alak bawat lamesa. Kahit na  sixteen pa lamang ako ay sanay na akong uminom. Ikaw ba naman ang mabuhay kasama ang mga walanghiya mong mga pinsan na ubod ng kalokohan.

Kilala ang pamilya namin dito sa lugar namin. Kakambal ng apelyidong Abad ang salitang 'loko-loko'. Mga basagulero ang nakatatanda kong mga pinsan. Gayun din ang mga pinsan na kasama ko ngayon sa iisang lamesa.

"Weak mo naman uminom Zai! Ikaw na nga lang Mich." sabay abot ng Jack coke sa akin ni Justin.

Tinanggap ko iyon at nilagok agad.

Ako ang pinakabata sa grupo naming magpipinsan. Pero hindi ko sila tinatawag na ate o kuya dahil isang taon lang naman ang agwat namin.

"Oh guys! Guys!" Sigaw ni Peter saka kinalampag ang lamesa kaya lahat kami ay napalingon sa kaniya.

May kasama siyang isa pa na lalaki na gulo-gulo ang buhok, makisig ang katawan niya. Hindi sapat ang mga salita para i-describe ang pagka perpekto niya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Kakaiba ang dating ng lalaking ito, pero hindi pwede. Pinsan ko ang isang 'to.

"May bagong salta tayo. Meet Zachary, anak ni Tito Hernan. Ngayon lang siya pinayagan ni tito makisama sa atin eh, so Welcome to the group bro!"

Matapos siyang ipakilala sa lahat ay umupo siya sa tabi ko. Uso sa aming magpipinsan ang pagpartnerin ang lalake sa babae tulad ng ginagawa nila ngayon.

"Zach, si Micha nga pala." hagalpak ni Ronnie habang nakaakbay kay Aya.

Lahat sila ay may partner. Si Ronnie at Aya, si Peter at Zai, Justin at Gabriela, Dean at Mara, Jerome at Maj. At ngayon ay kami naman ni Zach ang tinutukso.

Inirapan ko siya, "lasing na 'yan si Ronnie weak yan eh."

"Sus! Kayo na partner ngayon Zach hah? Ayaw namin ka-partner 'yan, masyadong masungit." gatong ni Jerome.

Wala namang mali sa pag partner partner dahil sa totoo lang ay mas lalong lumalalim ang samahan namin sa ganoong paraan.

"Kailangan ba 'yon? Hindi pa naman kami ganon ka-close." aniya saka nilagok ang vodka.

Hindi ko alam kung bakit naaakit ako sa pagsusungit niya sa akin. Normal ba 'yon?

Magmula noon ay lagi na namin siyang kasama sa mga trip namin. Hanggang sa matapos ang bakasyon. Kinailangan kong lumuwas sa Makati kasi doon ako nagplano na mag kolehiyo.

Nakatulong ang paglayo ko nang pansamantala sa kanila dahil pakiramdam ko ay masisiraan ako ng ulo kung araw araw kong masisilayan ang mukha ni Zach.

Noong sumunod na bakasyon ay sinalubong nila akong lahat sa tapat pa lang ng sasakyan namin. Niyakap nila ako isa-isa pati si Zach ay yumakap din. Akala ko tatahimik na ang puso ko, pero traydor talaga dahil masyadong malakas ang kalampag. Nakakatakot, masyadong delikado.

Forbidden (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon