First time ko siyang makita, napaka simpleng babae lang pero dahil doon nakita ko ang kagandahan niya.
Yung bigla ko nalang siyang maaalala. That's why I admire her. Every time na inaasar ko siya, tapos bigla siyang maiinis natutuwa ako, kasi napapansin niya ako. At di ko malilimutan yung tawa niya na parang wala ng bukas.Masarap siyang kasama lalo na nung unang nagkasabay kami sa jeep, nag kakwentuhan pa kami.
Alam ko ang bakla ko pero, kinikilig ako nung tine na yon kasi magkatabi pa kami.Yun nga lang di ko masabi sakanya itong nararamdaman ko. Oo, torpe kasi ako, bakit ba pag tuwing gusto ko ng umamin bigla akong totorpehin. haha
Pati etong cellphone, ginamit ko pang rason makausap ko lang siya kanina. haha
Dahil medyo boring na dito sa room tinitingnan ko nalang yung cellphone ni Kelly. Binuksan ko ulit ung open button. Nag type type nalang ulit ako ng random password. Tapos biglang 5 times failed. Try agian after 20 seconds.
So, nag hintay pa ako, after 20 seconds nag type nanaman ako. Para bang eto na ang game na nilalaro ko. haha
I try also my Full name. Wala akong magawa eh. Tristan Lagro. Enter. Failed. haha
Ok, nag assume lang ako na yun ang password. Tgen I type my name Tristan.
"....."
speechless.Biglang nag open??
Teka bakit name ko ang password niya?
Ako ba iyong Tristan na yun? Oh, baka naman may boyfriend na siyang pangalan eh Tristan din.
Pero ang alam ko NBSB siya eh.Pero mas kinagulat ko na yung wallpaper niya ay picture ko.
Hindi kaya? Ok, assuming again.Pero napangiti nalang ako sa mga nalaman ko at nakita ko.
Pumunta agad ako sa gallery ng phone niya. Ang ganda niya talaga. After ko makita mga selfies niya nag exit na ko sa gallery.
Tapos biglang may napindot ako na isang application at may password ulit. Hindi ko alam kung bakit pero tinype ko ulit ang name ko sa password. After nun, nag open yung application.
Nakita ko doon ang mga gustong sabihin sakin ni Kelly. Nabasa ko na may gusto siya sakin. Tinignan ko kung anong date. Eto yung time na nagkasabay kami sa jeep. Lalo akong napangiti.
Tumayo ako sa upuan ko at lumabas ng room para makalanghap ng hangin. At 30mins. ng late ang teacher namin. Doon sa labas ng room, itinuloy ko ang pagbabasa.
--
Kelly's POV:
Hay naku, nakakaloka si maam Cortez. Papapuntahin ako ng guidance tapos papaantayin dahil kausap yung boyfriend. Paano ko nalaman? Chismosa ko eh. haha
Buti pa si ma'am may lovelife din.
Kaloka."Teka anong oras na ba?" tanong sa sarili habang kinakapa ang bulsa para tignan ang oras.
"Eh, nakay Cass pala yung phone ko."
Ang ulyanin ko naman. hahaNaglalakad ako malapit na ng classroom ng makita ko sa labas si Tristan.
Bigla kong napansin yung hawak niya. Parehas pala kami ng cellphone. Destiny ba ito? haha
≧﹏≦
Kinikilig ako pasensya na. haha
Parehas kasi ng model at kulay ang cute para kaming naka couple phone. hehePalapit na ako ng palapit, madadaanan ko na siya. Nakatingin pa din ako sa phone niya. Di ako maka get over sa phone. haha ~^O^~
Pero, may napansin ako sticker sa upper right side ng phone, isang yellow star na sticker. Kinabahan ako bigla.
Cellphone ko ba yung hawak niya?Medyo sumilip ako sa screen, habang busy siya sa pag tingin sa cellphone.
"Diary ko!" napasigaw ako.
Bakit nasakanya. Wala na, wala na ang katiting na friendship namin. Alam na niya lahat. Tapos nakita ko si Cass na kasama si Ken at napatingin din sakin.
"Kelly." sabi ni Tristan na parang gulat na gulat. Tumingin ulit ako kay Cass at nag peace sign sakin. Sabay pasok sa room yung love birds.
Wala akong magagawa bestfriend eh."Akin na nga phone ko." sabi ko. Kelangan kong maging malakas. Ayokong mapahiya sakanya at sa mga taong nandito sa hallway.
Nung kukunin ko na sa kamay niya, bigla niyang iniwas.
Eh? Loko to ah."Yung nakalagay sa phone mo, is it true?" tanong niya habang yung kanang kamay niya nakataas at hawak ang phone ko.
"Yung cellpgine ko sabi akin na Tristan." sabi ko ng medyo pasigaw.
"Ah, Tristan din pala yung password mo, diba? Wag mo sisihin si Cass, nahulaan ko lang talaga. haha " Inaasar ba ako neto. Gusto ko ng lamunin ako ng sahig ng school.
Nakakahiya.
Naiiyak na tuloy ako."Yung phone ko... na-nahihiya na ako tri-tris..." Di ko natapos yung sasabihin ko dahil bigla niya akong niyakap. Edi, parang hindi nanaman ako makahinga. T///T
Tapos may sinabi siya habang yakap niya ako na ikinabigla ko.
"Yung nakasulat sa diary mo na nagkasabay tayo sa jeep... na may gusto ka sakin."
Tinanggal niya ang pag kakayakap sakin. Sayang. haha xD
Rinig ko ang pagtibok ng puso niya eh.
Tumingin siya sakin at ngumiti ng nakakalaglag panga."Iyon din ang araw na nagustuhan kita."
--
Sa password na ito, nabunyag lahat ang itinatago kong nararamdaman para sakanya. Nakakahiya man pero nakakakilig .password: Tristan
--Ikaw, anong password ng cellphone mo? haha
Wag mo ng sabihin baka may makita pa akong picture ng crush mo. xD-End-
BINABASA MO ANG
Password
Short StoryNanghiram ka na ba ng cellphone sa mga kaibigan mo? Nanghihiram ka ba para mag games? Makitext? Makitawag? Oh, trip mo lang talaga tingnan ang mga messages at gallery ng hinihiraman mong cellphone. Eh paano kung pag hiram mo may password pala yung...