Sa simpleng password na ito, mabubunyag ang lahat. Malalaman ang buong katotohanan at kalooban ng bawat isa.Password: *******
--
kelly's POV:
"Palaro!" sabi ng super duper ultimate crush ko na si Tristan. We're friends, kaya malapit kami sa isa't isa. Pero not too close na nag bigayan kami ng impormasyon sa isa't isa."ha? Mamaya nalang may hinihintay akong text." sabi ko.
Actually wala naman talaga akong hinihintay na text. Ayoko lang makita niya ang nilalaman ng cellphone ko. Nandito kasi sa phone ko ang lahat ng gusto kong sabihin sakanya. Isa pa ang diary application ko na tungkol sakanya. At ang malala ay ang wallpaper ko na picture niya. Pero hindi ako ang kumuha ng picture ah. Si Cass yon, bestfriend ko. Siya sisihin nyo.
But that's not stalking, that's admiring.
"Sige na, temple run lang eh." pangungulit niya.
"Mamaya na. May hinihintay nga kasi akong text."
"Sige na nga. Basta mamaya pahiram ah."
Umalis na siya ng room. Breaktime kasi namin ngayon. After mangyari kanina, ngayon lang ako nakahinga ng maayos. Tuwing lalapit kasi siya, feeling ko hindi ako makahinga. Kasabay pa ang bilis ng tibok ng puso ko.Ilang minuto ang lumipas naka upo ako sa upuan ko sa room, lumapit si Cass sa akin.
"Bes, gala tayo." sabi bi Cass
"Ayoko, tinatamad ako."
"Ano ba yan. Hmm, peram ng cellphone mag lalaro nalang ako."Parang si Tristan din to eh. Wala ba kong privacy?
Bago ko pa maisip ang sagot, naalala ko na alam nga pala ni Cass lahat ng tungkol sakin. haha
"Kumain ka na ba?"
"Oo, nabusog nga ako eh. Nilibre kasi ako ni ken kaya nakakabusog sa tyan pati sa wallet ko. haha"Edi siya na may lovelife, ako na wala. Kinuha ko sa bulsa ng uniform ang cellphone ko.
"Oh, eto." Badbood na ko eh. hehe
"Yehey! Salamat bes." tsaka umupo sa upuan niya.Alam ni Cass lahat ng laman ng phone ko kaya ok lang na ipahiram ko sakanya ang cellphone ko.
"Kelly!" Tiningnan ko kung sino ang tumawag sakin si Nadine pala, yung classmate kong maganda at 1st honor. Hindi tulad ko, simple at hi di sikat gaya ng crush kong si Tristan.
"Pinapatawag ka ni Maam Cortez sa guidance office. About ata sa mga papers na nalimutan mo daw kunin sakanya."
"Ah, ganon ba. Sige papunta na ko doon. Thankyou." Agad na akong pumunta ng guidance office.
--
Tristan's POV:Galing akong canteen para kumain kasama ang tropa ko. After non bumalik na din ako ng classroom, kasi malapit na mag start ang last subject namin.
Hindi ko makita si Kelly sa loob ng ckassroom. Eh, nandito naman si Cass. Asan kaya yun?
Nilapitan ko si Cass para tanungin kung nasaan si Kelly. Pagtingin ko naglalaro pala ng cellphone. Wait lang kay Kelly yung phone na hawak niya ah.
"Ui, Cass! Nasaan si Kelly?"
"........"
Aba loko to, hindi manlang ako pinansin. Busy kasi kakalaro ng puano tiles. Tapos nung natalo sa laro biglang tumayo at tumingin sakin."Tristan, sayo na muna to. Kanina ko pa pinipigilang umihi. CR lang ako." Sabay bigay ng phone at tumakbo palabas ng classroom. Haha.
Edi ako muna gagamit ng phone ni Kelly. First time ko mahawakan itong cellphone niya ah.
Pagpindot ko sa open button, may password."Eh?! Ano naman password neto? tanong ko sa sarili.
Nag type type ako.
I type her phone number, 09*********
I type her birthday,070797
I type her full name, Kelly Ann Hemenez
Her nickname, Kelly. Pero sa lahat ng yon wala, hindi bumukas yung phone niya.Yeah, I have her phone number and I know all about her. Dahil pag may gusto kang isang tao syempre dapat alam mo lahat tungkol sakanya. At aaminin ko may gusto nga ako sakanya, kay Kelly.
Pero hindi ako nag iistalk. That's admiring...

BINABASA MO ANG
Password
KurzgeschichtenNanghiram ka na ba ng cellphone sa mga kaibigan mo? Nanghihiram ka ba para mag games? Makitext? Makitawag? Oh, trip mo lang talaga tingnan ang mga messages at gallery ng hinihiraman mong cellphone. Eh paano kung pag hiram mo may password pala yung...