Introduction:
Ako po si Kathryn Kalesa a.k.a Kath, 15 years old, nag-aaral sa Seika-San Highschool. Kasama ko sa bahay ang kapatid kong si
Sandra Kate Kalesa a.k.a Kate.
Ang sabi nila "Panget" daw ako... Oo, Anong Pake Mo!!
Ako ay isang "Panget" na honor student, maraming nagsasabi na, "What is Beauty, if Your brain is Empty..."
pero nagulat ako ng may sumagot ng "What is Knowledge, if Your face is Damaged..." KAKASHOCK NAMAN!!!
Parang sinasabi saming mga "Panget" na MAS importante ang pagkaganda/pagkagwapo ng isang tao KAYSA sa pag-aaral ng
isang tao. Eh! atleast nga matalino at may pinag-aralan hinde puro make-up, lipgloss, pulbo, suklay dito, suklay diyan,
halos mapuno na ang mukha kung anu-ano. Halos pumangit na nga ang mukha eh!
Bawat room, bawat lugar, kailangang kunin ang Mahiwagang Salamin plus with Super Suklay para ayusin ang mukha...
Ano Teh! Model ka, Model... Pwede pero ate nandito tayo sa school para mag-aral at matuto hinde magpaganda at magpaparlor.
Pero sa pagiging "Panget", mahirap din....
Dahil lagi ka na lang inaasar, binubully tapos lagi ka nalang pinag-uusapan at chinichismisan ng masasama at hinde naman po totoo...
At ang mahirap, mas naniniwala sila sa sinasabi ng iba kaysa sa sakin.
Tsaka lagi ka nalang pinagtatawanan at kinatatakutan.
Ang pinakahuli "Lonely" ka, walang gustong makipagkaibigan sayo...Ni Best Friend, Close Friend or Friend sa school wala ako...
Ayaw pa nga nilang makipag-usap sakin tsaka tumabi sakin eh... Basta Main Focus ko na lang ang pag-aaral ko...
Basta di ko nalang sila pinapansin tsaka who cares if i'm ugly, Palag Ka!? Wala naman kaseng perpectong tao sa mundo at tsaka pa
ayun ang paningin nyo saken eh wala na akong magagawa dun...
![](https://img.wattpad.com/cover/9521357-288-k348255.jpg)
BINABASA MO ANG
Lonely Ang Isang Panget
RomanceThe Life of Kathryn Kalesa of Being a "Panget" or an ugly girl...Soon she will find out that being "Panget" is not that bad...