Eumie POV
This is already the third day na nakakatanggap ako ng flowers na nakalatag sa table ko every morning. Buti na lang ako palagi ang unang dumadating sa school kaya walang nakakakita ibang tao about dito sa flower kundi, sus! Malamang kukutsain ako ng mga classmates ko. Note na lang palagi ang nakatali sa stalk ng rose na ang always na sabi eh, "I like you". Whoever gave this to me, i like it...too. Pero siguro mas maa-appreciate ko itong flower kung magpapakilala siya ng personal and convey his feelings to me.
Natapos ang klase namin at uwian na. Niyaya ako ng mga friends ko na mag-after school group date pero I declined their invitation kasi may pupuntahan pa ako. May pinapabigay kasi si mama kay Tita Fraches, so I needed to do the errand. Nang maibigay ko iyon kina Tita ay umuwi ako agad at habang naglalakad ako ay biglang nabaling ang atensyon ko sa isang bulaklak na tumubo sa isang puno ng acacia. Mismo, as in sa puno ng acacia. Hindi sa paanan nito, kundi as in! In the bidy of acacia tree. Kaya naman agad ko itong inabot at pinitas kasi nahumaling ako sa ganda ng bulaklak. Bakit kung ikaw ba ang makakita ng ganito hindi mo rin gagawin iyong ginawa ko? Sus!
Mayroon palang kasabihan dito sa amin na kapag nakakita raw ng isang bulalak na tumubo sa isang lugar na hindi kadalasang tinutubuan ng halaman ay pumikit at humiling dito dahil magkakatotoo raw ang wish mo. Matry nga! Nang maalala ko ang kasabihang iyon ay agad akong humiling. Hiniling ko na sana magpakilala na ang taong nagbibigay sa akin ng bulaklak every morning. After kung humiling ay dali-dali na rin akong umuwi kasi magdadapit-hapon na baka wala na akong masakyan. Nang makarating ako sa bahay ay agad kong inilagay sa isang vase ang bulaklak na pinitas ko kanina together with the rose na natanggap ko this morning saka ko inilapat sa ibabaw ng aking lamesa sa kwarto ko. The rose and that unknown flower make a good match I think, hehe ^.^
Kinaumagahan, maaga ulit akong pumasok. Nakangiti akong naglalakad papuntang room namin pero... agad ding napawi ang ngiti kong iyon nang makita kong walang bulaklak sa table ko. Parang nadismaya ata ako na walang binigay na bulaklak ngayon ni Mysterious Guy. Ano kayang nangyari doon? Nauntog ba siya kagabi at napagtantong ihinto na lang ang ginagawa niya? O baka naman kaya, nagising siya kaninang umaga na hindi na niya ako gusto?
What are you thinking Eumie? You don't even know that guy... how does he looks? What year is he? O baka naman scam yan?! Eto na nga ba ang sinasabi ko eh, ang sanayin ako na may rose akong natatanggap every morning tapos eto? Biglang ihihinto? Grabe lang ha!
After ng moment na iyon ay parang nawala ako sa mood. Maghapon akong wala sa mood. Nakakainis lang! Hindi ko nga rin alam kung bakit. First of all hindi ko naman siya kilala, bakit ko pa siya iisipin eh hindi ko naman siya kilala. Oo, hindi ko siya kilala kaya tumigil kana sa kahibangan mo Eumie! ***talking to myself.
Hindi ko lubos mawari kung bakit parang ang tagal matapos ang oras ng klase ngayon. Wala na nga ako sa mood eh ginugood time pa ata ako ni oras! Hayyts! Kabadtrip na talaga! Agad akong nag-ayos ng gamit ng magpaalam na sa amin ang history teacher namin. Nang hugutin ko ang mga books ko under my desk ay may biglang nahulog. Isang note?! Agad kung binasa ang laman ng note na iyon. Ito ang sabi,
"I will wait for you at the gym."
Pupunta kaya ako? Paano kung hindi siya ang iyong sumulat at nagbigay nito? Paano kung rapist siya lalo pa't di ko siya kilala. Paani kung.... paano kung?
Lahat ng tanong na naglalaro sa isip ko ay biglang naglaho ng hindi ko namamalayan. Hindi ko namalayang dinala na pala ako nang mga traydor kong paa sa gym. Nang mahimasmasan na ako, naisipan kong sumilip sa loob ng gym total naroon na din naman lang ako. Sa dismaya ko nang walang tao akong nakita, naihampas ko ang pinto ng medyo malakas lang naman saka ko binilisan ang pag-lakad. Sa hindi ko inaasahang pangyayari, nasampal ko siya! Oo, siya. Teka nga, sinong siya?!
Adrian POV
Good morning self! Yes, maaga ako ngayon and this is already my third day of my morning routine. Ano iyon? Hindi ka nagbasa sa first part? Okay, i will narrate it again. Eumie, my dearest classmate and the girl I like... ay mali, sa tingin ko love na. (♡.♡) Siya lang naman ang babaeng inaalayan ko ng rose every morning, of course di niya alam na ako iyong gumagawa ng ganoong effort, siguro the right term to use eh, palihim na gumagawa? Siguro nga but that is not a cowardly act. Yes, it doesn't and that's the way I show how romantic I am. Ay sus, Daming langgam!. You know kasi guys especially to boys like me, girls want romantic stuffs like this, iyong tipong out of the world and out of reality na efforts na hindi pa nagagawa ever ng mga boys to confess their feelings... tsak! Girls will really appreciate you pag ganoon.
So, using all my own efforts, I declare to win the heart of Eumie! Yes, I will.
Sa school.
As expected ako pa lang tao sa school. Agad akong nagtungo sa classroom namin para muling ilagay sa table niya iyong rose na binili ko kanina. Kanina? Oo, kanina lang. May nadadaanan kasi akong stall ng flowershop na maagang nagbubukas. And because of that, always na fresh flower ang binibigay ko sa kanya. So, back to reality. Nang mailagay ko ang bulaklak. Agad akong lumabas sa room para iwas bulgar to my classmates that very and super secret ko! Aba, mahirap na baka may ibang makakita. As always, nagtago ako sa audio visual room na katapat lang ng classroom namin at mula roon ay tamang-tama ang view kapag dumating na siya. Well, actually siya iyong pumapangalawa sa akin sa pagdating. She is surprise with the flower that I gave to her. And I can see that she likes it. Hay, ang ganda talaga niya pag ngumingiti. That smile... really captured my heart especially that time.
Naghintay muna ako ng iba naming classmates para hindi naman siya makahalata. Kasi kapag pumasok ako agad at kami pa lang ang tao sa room, baka magtanong siya about sa flower. At iyan ang matindi kong iniiwasan. Baka madulas eh! Sayang iyong effort. Haha
Kinabukasan, hindi ko siya binigyan ng flower. Hindi naman sa nagigipit na ako kundi, I decided to reveal myself to her, personally. Kaya naman, instead na flower ay isang note ang inilagay ko sa ilalim ng table niya. Sana nga lang ay makita at mabasa niya.
Hindi kalaunan ay dumating na siya. I think I already made an impact to her kasi, nakita ko na wala ang ngiting lagi niyang suot sa kanyang mukha sa tuwing natatanggap niya iyong rose na binigay ko. I'm a bit sad though, but hopefully sana mabasa niya iyong sulat ko.
Dumating ang hapon. Pero parang hindi pa niya nakita iyong inilagay kong note sa ilalim ng table niya. Kung pwede ko lang sana na may gawin ako para siya mismo ang makakita doon. But if I will intervene naman baka masira lahat ng plinano ko. So I decided na hindi na. Hopeful pa rin ako na makiktlita niya iyon since nag-aayos siya ng kanyang gamit.
Pumunta na ako sa gym, as our meeting place. I wear my casual clothes at nagbasketball muna ako habang hinihintay siya. Nakailang shoot din ako pero wala pa rin siya. Hinihingal na rin ako, kaya nagpasya muna akong bumili ng tubig. Nang pabalik na ako, nakita ko siyang nakatayo sa may door ng gym, dahan-dahan ko siyang nilapitan pero bigla siyang tumakbo. Kaya naman agad ko siyang hinabol at hinawakan sa kamay.
"So-sorry,. Sorry Adrian. Ano ba kasing ginagawa mo dito at bakit mo ako hinawakan sa kamay. Sa gulat ko, nasampal tuloy kita?"
"Malamang tumakbo ka eh" sagot ko.
"Pwede naman kasing tawagin mo na lang ako. Masakit ba?"
"Hindi okay lang, hindi naman ganoong kalakas iyong sampal mo. Bakit ba kasi tumakbo ka Eumie, nasa may pinto ka na nga bakit di kana lang sana pumasok? May balak ka bang hindi ako siputin?!", bigla kong tanong sa kanya.
#NadulasAngDila
YOU ARE READING
I Love You Today
Short StorySabi nila, kapag nakakita ka ng isang bulaklak sa lugar kung saan hindi kadalasang tubuan ng mga halaman, pitasin mo raw ito saka pumikit, humiling... at magkakatotoo raw. Isang araw nakakita si Eumie ng bulaklak na tumubo sa isang puno. Pinitas n...