Chapter 2 That Smile

79 1 2
                                    

Dedicated po sa kanya ^__^v

Siya po kasi ang first commenter nitong story ^___^v

Please Vote.Comment and be my friend :D

______________________________________________

#The Dare Where It All Started 

Nathaniel POV

"Pag nanalo ako ito, tutulungan mo ako kay Ashleigh" paghahamon ko kay Denver

"Sige ba, pag hindi may ibibigay ako sayo at ipadala mo kay Ashleigh" pagsang-ayon ni Denver

Ako nga pala si Nathaniel Lee, kilala bilang Nathan galing sa angkan ng Lee, gwapo, cute, hot, sexy lovely, may dating, overflowing ang karisma, basta lahat na ng mga magandang ugali na pinaulan ng Diyos nasa akin na. Half korean nga pala, 17 years old at galing sa planetang lahat pogi.  Itong kapustahan ko naman si Denver Ian Evangelista kaibigan ko at parang kapatid ko na rin. Halos pareho kami ng gusto, mala bagay man o babae, may the best man win ika nga kaya ito kami ngayon dumadamove kay Ashleigh Inna ang tinanghalang pinakamaganda sa RHUS-GB.

Kung sino man sa amin ang mapapasakanya, set free mo nalang ang feelings pag natalo ka. Kaya ako? hindi ako magpapatalo, mapapasaakin din si Ashleigh at si Denver? bahala siya maghanap ng iba basta akin lang si Ashleigh, si Denver dapat ang magparaya

"Game!" at nagsimula na kami sa video game na Super Mario Vs. Sonic, Sonic ako Mario siya hahaha wala ‘to sa akin. Sigurado mananalo ako

After isang oras na paglalaro....

“WTF?! Pano mo ako natalo?!” tanong ko kay Denver na nakangiting aso

If Sonic ran off, as is suggested by "Mario would never catch him", then Mario would win by default. Sonic isn't faster than Mario in a battle situation, only when moving long distance” paliwanag niya

“Pano ba yan bro bukas na bukas papasok ka sa RUHS-GB” sabi niya sakin na hindi pa rin nawawala ang ngiting aso niya

“Pano ako makakapasok dun? Bawal lalaki dun, ayoko rin makulong nakakahiya sa kagwapohan ko, ako pa na isang gwapong nilalang nadakip ng mga babaeng polis tapos sisigaw ng ‘TULONG’ para lang makaraya, tol ayoko nun nakakahiya” pagdadrama ko sa kanya, aba may talent din to, pogi eh.

“Wag ka mag-alala bro, may solusyon ako diyan” pumunta na siya sa kwarto niya, oo nga pala andito kami sa bahay ni Denver. Nakita ko siyang bumababa na may hawak na bag.

“Ano yan?” tanong ko sa kanya at tinuro yung bag na hawak hawak niya

“Mga damit” simple niyang sabi sabay hagis nung bag sa mukha ko. Aray ko naman, baka masira ‘tong gwapo kong mukha tss. Binuksan ko ito at nilalabas ang mga laman

“What the heck is this bro?!” linabas ko yung school uniform na pambabae, halatang sa RUHS na uniporme, sumunod ang pink stripe socks tapos black shoes, tapos pink hair band, pink bag then last a Wig, okay what the heck?! Tumingin ako sa kanya with AANOHIN-KO-TO? look

“Diba ayaw mo mapahiya kagwapohan mo? Ayaw mo ng may magpapyansa sayo kasi akalaing matapobre ka, yan, yan ang sagot sa pagdadrama mo diyan” ngiti ngiti nitong aso sapakin ko ‘to eh.

“Ayoko, pwede namang maghintay sa labas ng school”

“Hindi pwede, dapat papasok ka sa loob ng school at ibibigay mo kay Ashleigh ang ibibigay ko sayo bukas, para narin makahanap ka ng babae sa loob pag nasa akin na si Ashleigh”

And thats the end of our conversation, kinaumagahan nasa harap na kami ng RUHS-GB at nandito sa loob ng kotse ko, hindi ako ang nagdrive papunta dito, may driver kami kaso pagdating namin dito pinalayas ko muna kaya ayun nagtaxi pauwi.

“Hoy bro anong tinitingin tingin mo diyan?” napatingin ako kay Denver then dun sa babaeng tumatakbo papalayo

“May babae kasing ginagawang salamin itong bintana ng kotse ko” hindi ko mapigilan mapangiti sa tuwing naalala ko ang papacute niya

“Oyy may nahanap na siya, buti naman at wala na akong magiging kahati kay Ashleigh”

“Tumahimik ka nga” inis akong bumaba ng kotse at pinagbagsakan siya ng pinto

This is it Nathan, isang araw lang ‘to tapos wala na, leche naman oh bakit kailangan pa magsuot ng ganito. Tinignan ko yung love letter na binigay sa akin ni Denver at nagsimula na akong maglakad papasok, konti na lang ang mga studyante dito malamang class hours na.

Naglibot muna ako sa 1st floor which i think sa mga first years, tapos 2nd floor hanggang 4th floor. Hindi ko pa nakikita kung saan ang mga booth nila, bababa na sana ako papuntang 3rd floor hanggang 1st floog nang biglang nagsilabasan na ang mga forth year, siguro lunch time na haist tatlong oras na pala ako palakad lakad dito ni hindi ko man lang namalayan ano na ang oras.

“HI!” nagulat ako ng may babaeng ang laki ng ngiti na tumambad sa harapan ko, ngumiti lang ako as a response, hindi ako makasalita, hindi ko kaya yung tinuturo sa akin ni Denver

---------- FLASHBACK ----------

Gabi na at nandito pa rin ako sa bahay nina Denver dito na rin ako matutulog, may sarili naman akong kwarto dito kasi kadalasan dito ako natutulog.

“Okay bro totoruan kita kung paano magsalita ng naka pangbabaeng boses kasi nga kakausapin mo si Ashleigh para mabigay sa kanya ang ibibigay ko sayo bukas”

“WHAT?! Kailangan pa ba yun?!”

“Oo kailangan yun, ahem ahem ito na, ganito sabihin mo sa kanya ‘Hi Ashleigh, pinapabigay nga pala ‘to ni Denver’ tapos ikaw na bahala kung paano ka tatakas” napatingin ako sa kanya in disgusted look, akalain niyo nga naman pagkasabi niya nung linyang ‘Hi Ashleigh, pinapabigay nga pala ‘to ni Denver’ ay babaeng babae talaga ang boses, eh siya nalang kaya ang magpanggap na babae, loko to ah

“G@GO!” binatukan ko siya, pero sumang-ayon nalang ako, hindi ako magpapatalo this is the best way to get close to Ashleigh

---------- END OF FLASHBACK ----------

Haist hindi ko kayang gawin, kagabi nagawa ko naman pero shuta lang para akong bakla, natauhan lang ako nung may nagsnap ng finger sa mukha ko

“Hellooooooo? Anybody home? Are you there?” napatingin ako sa babaeng naka tingala naman para titigan ako, ang tangkad ko kasi at siya haha pandak ang laki pa ng ngiti, this smile is reminding me of someone, di ko lang maalala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

S(HE) BE(LIE)VE(D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon