Chapter three

452 41 22
                                    

"Sage" pabulong na sabi ni Harry Styles.


"Harry" para akong nabubulunan. Yung boses ko parang naipit. Inistretch niya yung kamay na para tulungan akong makatayo pero inignore ko at tumayo mag-isa.


"Listen, Sage.." Pagsisimula niya, pero pinutol ni Shae at Tiff.


"No, kaylangan na nating umalis dito Sage" hinila ni Tiff yung kamay ko tapos tinulak tulak ako ni Shae palayo . Lumingon ako para makita siya, before kami umalis, nakatayo parin siya doon, habang titig na titig sa akin palayo. Binuksan ni shae ang pinto at bumungad sa akin ang napakalamig na hangin, at paglingon ko, nakita ko ang lungkot sa kanyang mukha bago ako umalis. Huminga ako ng malalim habang dinidiscourage nila Shae at Tiff si Harry  .


"Sinong puta siya para pumunta dito at gumulo?!' Sabi ni Sage ng pagalit .


"Tama ka jan ate Tiff! Tapos nagsimula pa siyang makipag-usap sayo, langya talaga" Sabi ni Shae


"Guys, chill lang kayo. Di naman niya sinasadya, I mean ....he's trying to be nice" sabi ko


"kung nice ang tawag sa pagbiyak ng puso mo, sure!" nangangalaiting sabi ni Shae


"two years ago na yun Shae !" I snap "baka , nag-iba na siya" I said desperately


"Okay, so na forgive mo na siya?" tutok na tutok na sabi ni Tiff habang taas baba ang kanyang kilay.


"No, never" depensa ko.


"Then ? bakit mo siya pinagtatanggol?!" Binuksan ko ang bibig ko pero tatlong salita lang ang lumbas "I don't Know" Umupo ako sa ilalim ng bangketa at tumingin sa madilim na sahig . di ko alam kung bakit parang lumalagkit ako sa kanya kanina. Baka ba yun sa mahal ko pa siya? Hindi, kasi wala na. Dahil ba ito sa ... Di ko alam ... Siguro naaawa ako sa kanya. Pero bakit ako maaawa sa katulad niya ? Eh, hindi nga yon naawa sa'kin. Haaaay, Lord! Ano batung gulo na'to ! Isa akong malaking gulo.


"Pwede na tumayo?" tanong ni Tiff sa akin


"Ahh, sge tara" sabay tayo ko na kaunting may alog. At ng nagsimula ng bumukas ang pinto , nag fre-freak out na ako, baka nandun si Harry , pero isa lang palang lalaking lasing na may kasamang mga barkada niya.


"Hello, miss byutipol" sabi niya sa akin sabay ngiti.


"Bye" unti-unti akong humakbang para makaalis. At sa mga taong pumupunta sa club , nasa gitna ako ng lahat .


"Lika dito" pagewang-gewang na sabi niya


"Umalis ka nga dito!" may boses na biglang sumulpot, at hinila niya ako.


"Sino *hik* may shabeeh?!" sabi ng lasing. Ngayon nag fre-freak out na ako . Yung lasing humihigpit na yung pagkakahawak niya sa braso ko, at may isang lalaking nakatayo sa gilid ko na sinusubukang tulungan ako .

Harry Styles Broke My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon