Princess
--------
Nakatambay ako ngayon sa aming garden sa likod ng mansion. Dahil ayaw kong makita ang asawa ni dad at si maggie ang anak ng asawa ni dad na nag-aayos ng gamit nila sa loob.
Hindi ko parin sila kinikibo dahil hanggang ngayon masama parin ang loob ko kila dad at kuya.
Mas na iinis pa ko lalo dahil nagmumuka na kong kontradiba sa sarili kong pamamahay. Pero hindi nyo ko masisisi dahil pakiramdam ko inaagaw ng mag-ina na yon sa akin ang dad at ang kuya adam ko.
17 years, nasanay akong nasakin ang lahat ng atensyon nilang lahat. Sabihan nyo na kong spoild brat pero dun ako sinanay ng pamilya ko eh, even my mom. She always give what I want. She always make sure that I get what I need. I miss her so much. Hindi ko nakakalimutan ang araw na iyon. I'm only 15 years old when she past away because of car accident. Hit and run daw sabi ni kuya adam, hindi na namin na kita ang nakabanga kay mommy dahil wala daw ibang ibidensya ang mga pulis na makakapagturo sa salarin. Pero hangang ngayon umaasa parin akong mahahanap ang bumangga sa kotse ni mommy at pagbanayaran ang nagawa nya sa amin. Dahil kong hindi dahil sa kanya sana andito pa ang mommy ko at hindi ako nahihirapan ng ganito.Nawala ako sa aking pag-iisip ng biglang may humawak sa balikat ko.
"Let go inside. It's lunch time" si kuya adam. Pero hindi ko sya pinansin.
"Ivory. Please! Kahit wag mo na silang kausapin basta kumain ka na muna." Pakiusap pa niya sakin.
Tumingin ako kay kuya adam.
"Bakit kuya? Bakit ka ganyan? Diba magkapatid tayo dapat ako ang kinakampihan mo hindi sila!!
"That's not what I mean. Ivory! Tinanggap ko si tita Ruffa dahil nakikita kong masaya si dad.!"
"Masaya? At ako? Pano ko? Nakalimutan mo na ba si mommy?" Naiiyak na ko pero pinipigilan kong umiyak sa harap ni kuya adam.
"Syempre mahal ko si mommy pero tanggap ko ng wala na siya. You need to let it go too Ivory. I'm sure mom is happy now in heaven. We need to move on.! You need to move!"
Napatitig nalang ako kay kuya habang patuloy na bumabaksak ang mga luha ko. Bakit ang dali sakanilang sabihin yon? Unti unti siyang naglakad palapit sa akin at niyakap ako. Tuluyan na akong na pahikbi habang yakap yakap ang kuya adam ko. Bakit ganon? Ako nalang ba ang hindi pa na kakalimot? pero ayokong kalimutan si mommy!
"Ivory. Alam kong mahal na mahal mo si mom, kami din naman ni dad eh. Mahal na mahal namin si mommy pero wala na siya. Hindi ko naman sinasabi sayo na kalimutan mo siya ang gusto ko lang ay tanggapin mong wala na si mommy. Dahil hanggat hindi mo matanggap jan sa puso mo hindi ka magiging maligaya." Sabi pa niya habang yakap parin niya ako at tinatapik tapik ang likod ko.
"Kuya! I can't.! I can't accept it! I miss mommy so much.!" Humihikbi paring sabi ko.
"You can. I'm sure. time will come hmm." Pinunasan pa niya ang mga luha ko. "At hindi matutuwa si mommy kung makikita ka niyang nagkakaganyan. Malulungkot yun dahil nakikita niyang umiiyak ang princess nya. Kaya stop crying na. Lalo ka pumapanget eh." Natatawang sabi niya kaya sinimangutan ko siya.
"Kaya Let's go na baby sis kanina ka pa hindi kumakain. Nag-aalala na si dad sayo." Hinatak na nga ako ni kuya papasok sa loob at pumunta na kami sa dinning room.
Habang palapit kami ng palapit naririnig ko na ang halakhakan nila sa loob na natigil din ng makita kaming papasok ni kuya adam.
Biglang tumayo si dad at tumingin sakin bago tumingin kay kuya. Alam niyang madali akong mapaamo ni kuya adam kaya siguro si kuya na ang pinalapit niya sakin sa garden.
Pero ng papunta na ako sa nakasanayan kong upuan ay bigla na namang uminit ang ulo ko. Nakita kong nakaupo doon si maggie ang anak ni Ruffa. Hindi ko nga malaman kung bakit andito rin ang babaeng iyan eh. Sa pagkakaalam ko si Ruffa lang ang pinakasalan ni dad bakit pati itong babaeng to andito.
BINABASA MO ANG
Opposite Of Cinderella
Teen FictionMy name is Solen Ivory E. Montemayor. Same people want to stole what I have and I wont let them.! Because I'm not like Cinderella. Hindi ko hahayaang apihin ako sa sarili kong pamamahay.!