Dark's POV
Nakarating na kami kanina pa at agaw eksena kami ni Mich.
Ang saya ko na parang hindi. Ewan ko ba.
Si Care kaya? Nandito na kaya yun? Di ko pa kasi sya nakikita eh. Pupunta kaya yun?
Kanina pa ko di mapakali. Wala pa si Care.
" Something wrong? " tanong nya sakin.
Di ko sya sinagot dahil nakatuon ang mata ko sa entrance ng school .
Biglang nagtinginan lahat sa entrance. Andyan na kasi si Care .
At may kasama sya.
Napakunot ang noo ko ng makita ko syang kasama yung lalaking yun. Ang lalaking yun.
Nagsimula ng mag bulungan.
*Diba si Sand yan ? boyfriend yan ni Mich? Bakit magkasama si Rayne at Sand? Inaagawan nanaman nya siguro* girl 1
*Eh?! Baka nagkapalit sila kasi si Cody at Mich ngayon ang magkasama eh tapos si Rayne at Sand naman! Oh diba parang nagexchange gift lang? *
Naririndi ako sa mga naririnig ko.
Nung nakalapit na sila sa amin hinila ko si Care sa likod ng school.
" D-dark nasasaktan ako " sabi nya na nagcacrack ang boses .Tinignan ko sya namumula yung mata nya.
" Bakit mo kasama yung Sand na yun?! Ha?! " sigaw ko sakanya.
" W-wag kang su------- " di ko na sya pinatapos naiinis ako.
" Sagutin mo! Bakit mo yun kasama ha?! " tanong ko
"Kasi yung boyfriend ko di ako sinundo! Wala akong escort! Kasi yung umalok sakin na maging partner, nagkasakit! Naghintay ako ng isa't kalahating oras para hintayin yung boyfriend ko! " nagsimula na syang umiyak. Humihikbi na sya.
" Kahit *huk* malamig sa waiting shed tiniis ko! *huk* para lang hintayin ka! Akala ko mas pipiliin mo ko *huk* kesa sakanya. Akala ko masusundo mo ko. Tapos Bigla syang dumating. Dumating si Sand! *huk* .Sya ang naghatid sakin dito kahit outsider sya at kahit di ko sya kilala *huk*. Samantalang ikaw na nag aaral dito na boyfriend ko *huk* di man lang ako magawang ihatid! " sumalampak na sya sa lupa.
Naiiyak na rin ako.
" C-Care, sorry na please. M-mahalaga ka sakin. Sige na please patawarin mo na ko please. Di ko pa kayang wala ka " I beg
" Ilang beses mo ng sinabi yan! *huk* .Ilang beses ka ng humingi na tawad! Napapagod na ko Dark! *huk* Tao lang ako Dark. Marunong mapagod . Hanggang kailan yang soon mo hah?! Gusto ko ng sumuko " sabi nya.
No.
" Hindi. Please! Pakinggan mo ko! Care. Sobrang mahalaga ka sakin Care. Please " niyakap ko sya pero pilit syang kumakawala.
" Uuwi na ko. Nasayang lang ang pagpunta ko dito " umalis na sya
Susundan ko sana sya pero biglang dumating si Sand.
" Let her be. Maybe she need some space " sabi nya
" Gago ka! Kung di mo sinulot si Mich di mangyayari to! " sabi ko
" So si Mich pa rin ang iniisip mo kahit nagkakaganyan na si Care? " sabi nya
" Wag mo syang tatawaging Care! Wala kang karapatan! " nakakainis tong lalaking to. May balak pa ata kay Care
".May karapatan ako kasi ako maaalagaan ko sya. Eh ikaw ? Ikaw dapat ang hindi tumatawag sa kanya nyan kasi di mo sya naaalagaan " sabi nya
" May balak ka pang agawin si Care hah?! Pagkatapos ni Mich?! " naiinis na talaga ako.
" Lagi na lang ba si Mich? Kung papa piliin kita, si Mich o si Care? Pag isipan mong mabuti yan dahil kelangan mo yang sagutin dahil sa desisyon mo nakasalalay ang lahat " pagkatapos nyang sabihin yun umalis na sya.
Narealize ko yung sinabi nya.
Sino ?
Sino pipiliin ko?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Vote and Comment
-ErikaRayray