Care 's POV
" Care " si Dark nanaman.
paalis na ko ng hilain nya braso ko.
" Care kausapin mo naman ako. Please " pag mamakaawa nya. Di ako nagsalita.
" Care, please kahit di mo ko kausapin pakinggan mo lang ako please. " Oh tignan mo to? sabi nya kausapin ko sya tapos kahit di ko nasya kausapin? Ang gulo . Psh. Ano ba yan! May oras pa kong mag paka sarcastic. Dapat seryoso ngayon Care!
Haay wala namang mawawala diba?
Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina. Tapos na kasi klase ng bigla syang dumating.
" Care. Pagod ka na diba? Pagod ka ng mahalin ako? Care mahal kita " nagulat ako. Bakit ngayon nya lang yan sinasabi?
" Pero mahal ko din sya " ah kaya naman pala. Ang sakit nun.
" Pero mas mahal na kita kesa sakanya. Sana hintayin mo ko. Sana hintayin mo ko kung malinaw na lahat sakin. Masakit pa rin kasi yung kay Mich. Siguro kelangan natin ng time . Time para maghilom lahat ng sakit . Alam ng diyos kung gaano kita kamahal at ayoko namang maging selfish . Sana mahalin mo parin ako pag wala na lahat ng sakit . Kasi ayaw kong pati ikaw masaktan sa sakit na nararamdaman ko . Mahal kita Care . Mahal na mahal " sabi nya at hinalikan ako sa labi . Sandali lang yub pero parang ito na yung bumuo ng buhay ko .
Umalis na sya .
At parang sundalong nag uunahang tumulo ang luha ko . Diba ito naman ang gusto ko ? Bakit parang sobrang sakit ?
Pero susundin ko sinabi nya .Hihintayin kita Dark . Kahit anong mangyari . Mahal na mahal rin kita Dark .
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Vote and Comment !
-ErikaRayray
