CHAPTER 1.2: Confuse

217 4 0
                                    

Chapter 1.2: Confuse

“Nami…” sabi niya ng seryoso. Mahina pero seryoso..

“bakit?”

“W-ag k-ka munang mag madre pl-please..”

At lumuhod siya… na nakatungo at hinawakan ang kamay ko..

“HAHAHAHAHA! Ano bang sinasabi mo, tumayo ka nga diyan bat ka nakaluhod.. Eto talagang kambal ko, may pakulo na naman.. HAHAHA..!”

Ano bang pinagsasabi ng kapatid ko?

Teka? Tubig?

Bakit may tubig? Umiiyak ba kapatid ko?

“Ano ineemote mo diyan?” sabi ko

“Nami, Please.. I’m asking you these as a big favor please” sabi niya at tumingin siya sakin na luhaan ang mata..

Bakit, bakit siya umiiyak… seryoso ba siya.. bakit ayaw niya?

“Diba napagusapan na natin to, diba pumayag ka na.. Okay na sayo diba? Di naman kita iiwan pag nagmadre na ako e. Siguro natural na magkahiwalay tayo saglit para tuparin ang mga pangarap natin, pero di naman kita kalilimutan at iiwan. Ako parin yung kapatid mo kahit madre na ako.” Sabi ko ng mahinahon

Pinatayo ko siya, at umupo kami sa kama niya

Di parin siya sumasagot patuloy parin sa pag-iyak at patuloy ko tong pinupunasan…

“Wag ka munang magmadre please… ikaw nalang ang pag-asa ko. Kailangan kita Nami please…” sabi niya ng nanginginig

Bakit? Teka naguguluhan na talaga ako. Atsaka magmamadre na ako, malapit na.. Di ko naman pwedeng bawiin…

“Hindi ito pwede.” Tumayo na ako

“Nami..” sabi niya

“Nash naman e.. magmamadre na ako, sa Tuesday na alis.. Di ka parin ba payag?”

Naguguluhan na talaga ako…

“Just for one month, please?”

“Bakit nash?”

“Kailangan kita?”

“Bakit?”

Bakit? Para supotahan siya sa pag-aartista? E suportado ko naman siya kaso nga lang wala ako sa tabi niya pag nagkataon rin.. Yun kaya dahilan niya?

“E nandito pa naman ako e, Suportado parin kita. Magmamadre lang ako, pero kapatid mo parin ako.. okay?”

“Pero di ka parin pwedeng mag madre…nami..” sabi niya

“Kailangan mo ako? Para saaan?

*SILENCE*

Di siya nakasagot…

“Magpang---“

“Magpang?”

Anong Magpang?

“Pwede bang wag ka munang umalis, please… kailangan kita …?” sabi niya sabay luhod, habang hinahawakan kamay ko….

“Nash, magmamadre ako… Sa Tuesday na alis. Kita nalang tayo sa airport. I love you twin brother *tsup*” sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi..

“Nami!”

Lumabas na ako sa kwarto at di na ako lumingon.. Di ko alam sasabihin ko sa kapatid ko…

NASH’s POV

Bumukas yung pinto.. at napatayo ako..

“NAMI.”  Sabi ko, pero hindi pala siya, akala ko babalik siya

HE'S BEAUTIFULWhere stories live. Discover now