Hi Guys! First of all po, first time ko lang gumawa ng story dito. Sana po pagpasensyahan nyo mga kakornihan ko ^_^ Enjoy reading guys! lovelovelove~ :)
***
Masaya ba mabuhay ng buo ang pamilya? Masaya ba yung kakaen kayo sabay sabay.. yung papasyal kayo sa mall o sa park.. yung may nagbibigay sayo ng lakas ng loob.. masaya diba? Yan yung pangarap ko.
Pangarap. Kase alam kong hindi na sya magkakatotoo. Alam ko yun.
Ako nga pala si MJ. Wala na papa ko. Hindi naman sa deds na sya, iniwan lang nya kame. Mga 8 years na din mahigit simula nung iwanan nya kame. Only daughter ako. May dalawa akong kapatid, obviously lalake sila parehas.
"MJ anak, gising na." sabi ni Mama habang tinatapik yung braso ko. Tapos lumabas na sya ng kwarto.
Tumayo ako saka hinanap ang cellphone ko, tinignan ko yung oras. 5am. Sumunod ako kay Mama sa may sala.
"May ulam na akong niluto, magsaing ka nalang ha? Mga 2 takal. Nasa wallet mo yung baon mo. Yung kay Kuya mo nandun sa may drawer nya. Osige alis na ko" sabi ni Mama habang natataranta, baka kase malate. lol
So ayun na nga, lumabas na si Mama. At ako naman, nagmumog. XD Tinignan ko sarili ko sa salamin habang nagsusklay. Shet. Ilang araw ba akong walang tulog? -_- Mukha akong sabog!
Kinuha ko cellphone ko at nagbasa ng mga message. 10 new messages.
Puro "Goodnight" at "Goodmorning" lang naman pala. Wala na naman syang text. :( Si Bryan.
Chinarge ko nalang muna yun at nag-ayos na ko. 6am kase pasok namen. Freshmen e :D
Nung natapos ako mag-ayos, mga 5:30 na. At dahil Monday ngayon, rush mode -_- May flag ceremony kase. Lintek :3 Sumakay agad ako sa tricycle saka nagmadaling maglakad papunta sa may gate.
"Hala, punyemas. Late ako" bulong ko sa sarili ko. Lintek talaga. Madami kaming nasa labas, puro 4th year at 1st year. Pang-umaga kame eh, habang yung 2nd at 3rd ay panghapon. Basta yun na yun XD
"MJ!" paglingon ko, classmate ko. Si Tin. Bestfriend ko sya actually. ^_^
"Aba, himala. Late ka ngayon. Anyare?"
"Bwiset eh! Walang masakyan! Leche talaga."
"Hayaan mo na, hindi ka nag-iisa."
Fastforward. XD
Natapos na yung flag ceremony, at pinapasok na kame.
"Ate I.D mo?" sabi nung isang SSG officer. Inabot ko naman sa kanya. No choice eh? Late kase.
Pinapila kame sa may quadrangle. Andami namen :O
"Okay, late comers, lapit dito!" - SSG Officer.
Ang parusa samen? Teneneneeeeeeeeen. MAGLILINIS NG BUONG QUADRANGLE. -_- Yay!
BINABASA MO ANG
Those Guys (Slow Update)
Teen FictionSi MJ ay isang normal na babae. Nagmamahal, pero palaging nasasaktan. Meron pa kayang taong dadating sa buhay nya na magpapabago sa pananaw nya sa pag-ibig?