[Mara's POV]
"Totoo nga bang may namamagitan kina Kathryn at Daniel? Totoo nga bang 'more than friends' na ang status nila? Abangan mamaya sa The Buzz Exclusives!" Sabi ng isang reporter sa TV at may nagfa-flash na pictures nila Kathryn at Daniel na nagbubulungan, nagtatawanan, at naghaharutan. -_-
"Badtrip." Bulong ko sabay patay sa TV.
Leche. Nanonood ako ng ASAP, nagcommercial lang yun agad bumungad saakin.
Ay..Ako nga pala si Mara Julia Montes. 17 years of age and Half Fil-Half German. Hmm.. Matangkad ako, maputi, sabi nila matalino at maganda 'daw'. Pshh. Malalaman niyo rin lahat, sa tamang panahon.
*Tok.Tok.Tok.*
Papunta na sana ako sa kwarto ng may kumatok. Tumungo ako doon at binuksan yon. Pagbukas ko, nakita ko sina Jane at Miles, ang bestfriend ko na kasama ko sa lahat ng bagay.
"Tsk.Tsk.Tsk! Nakabusangot nanaman ang iyong mukha mahal na prinsesa!" Sabi ni Miles na nang-aasar.
"Di ka pa nasanay ,Girl! Sigurado namang namomroblema nanaman yan kay Da----" hindi ko na pinatapos yung sinasabi ni Jane dahil tinalikuran ko na sila tsaka naglakad papasok tsaka ako umupo sa sofa.
"Wrong move ka naman eh! Imbis na pasayahin mo yung tao eh.." Bulong ni Miles kay Jane tapos sabay na silang pumasok.
Magkakasama nga pala kaming tatlo sa iisang bahay. Hindi kami nakatira kasama parents namin. Bakit? Una, dahil nasa probinsya parents este sila mama at lola at sila lang naman ang pamilya ko, dito kasi ako nagaaral sa Maynila at nakakuha ako ng scholar dito. Pangalawa dahil ulila si Jane sa parents niya. Namatay na sila nung 7 yrs old si Jane, at dahil bestfriend nya ko, Pinaampon ko siya kina mama dahil hindi niya kilala yung iba nyang kamaganak na nasa ibang bansa. Tsaka, hindi naman siya pabigat saamin eh. At pangatlo, dahil trip ni Miles sumama samin dahil inggit daw siya. Yan kasi pinakamayaman saaming tatlo. Bestfriends na rin kasi kami since Grade 1. Nakita namin ni Jane na mag-isa si Miles non at dakilang iyakin pa siya nun kaya kinausap at kinomfort namin siya hanggang sa naging close kaming tatlo.
Back to story, nakatitig lang ako sa TV kahit nakapatay na.Nababaliw na talaga ako.
"Hmmm..Alam mo girl, mamasyal na lang tayo para naman makarelax ka."Sabi ni Jane na worried na yung boses nya.
"Oo nga. Tignan mo nga oh, May 2 na! Ibig sabihin malapit na pasukan! Kaya sulitin na natin." Sabi ni Miles.
"Alam mo Miles ang OA mo. medyo matagal pa naman noh. Tsaka mas maganda ngang may pasok para mas nakababad ako sa pag-aaral kesa---" Hindi natapos yung sinasabi ko ng sumingit uli si Miles.
"Ahh..alam ko na! Tara, magmall tayo may bibilhin lang tayo saglit tas may pupuntahan tayo!" Sabi niya tsaka kami iniwan at pumunta sa kwarto niya.
"Magbihis kayo dali! Excited na ko! Don't worry ,treat ko!" Sigaw pa niya tsaka tuluyan ng pumasok at sinara yung pinto. Saan naman kami pupunta?
"Nga pala, san kayo galing ni Miles? Pagkagising ko kasi nakita ko lang note niyo na may pupuntahan kayong dalawa.:Tanong ko. Nagiwan lang silang note na nakalagay na aalis lang sila saglit pero 'di nila sinabi kung saan sila pupunta.
"Galing pala kami sa sementeryo. You know..." Sabi nya tsaka biglang lumungkot yung mukha. Haaay bestfriend ko talaga!
"Dapat ginising nyo ko para nakasama ako sa pagbisita kay tita tsaka tito."Ako.
"Eh kasi naman. Ang sarap pa ng tulog mo tsaka alam naming napuyat ka kagabi tsaka tignan mo oh.."Inanalyze pa niya yung mukha ko.Ano namang trip neto? " Pumayat ka! Depressed kasi masyado!" Sabi niyang tatawa-tawa.
Nginitian ko nalang siya ng malungkot.
"Osiya, bihis na tayo at baka magalit pa si boss" Sabi niyang tumatawa na talaga. Aakyat na sana kaming dalawa nang..
"Anong boss? Ako talaga niloloko niyo eh! At hindi pa rin talaga kayong dalawa nakabihis?! Naman! Go! Bihis na at Excited na talaga ako!!!" Nagulat kami ng pababa na pala si Miles. Ay..
"Eto na po.."Sabi ko tsaka umakyat. "BOSS =P" Dagdag ko pa na lalong ikinainis ni Miles. Pagkasabi ko non tumakbo agad ako sa kwarto tsaka nagbihis.
Haaay! Thankful pa rin ako dahil may friends ako na katulad nila. Sa kabila ng kalungkutang dinarama ko ngayon, andyan sila para pasayahin ako. Naks! Lalim nun ah!
Pagkabihis ko, simpleng black shirt lang na may peace sign tsaka jeans tas converse shoes. Naglipgloss lang ako tsaka powder. Ayaw na ayaw kong nagme-make up baka makasira lang yun ng mukha!
Lumabas na ko tsaka bumaba at nakita ko na yung dalawa doon na nanonood ng TV. Mukhang 'di nila ko napansing bumaba ah! Ano naman pinapanood netong mga toh?
"Oy! Ano pinapanood niyo at hindi niyo ko napansing bumaba? Parang kanina lang excited kayo oh!" Sita ko sakanila. Napabalikwas naman sila tsaka agad na pinatay ang TV.
"Ah..W-Wala..." Sabi ni Jane at napaiwas siya ng tingin. Problema nito?
"A-ah.. T-Tara na dali!" Sabi ni Miles tas lumabas na siya.Anyare ba talaga? Tinaasan ko ng isang kilay si Jane as if magtataray nanaman ako. Nginitian lang ako ng nakakaloko ni Jane tsaka siya sumunod kay Miles.
Naman oh. Makalabas na nga din. Pagkalabas ko, sinara ko na yung pinto ng bahay tsaka nilock. Mamaya nyan may makapasok pa!
"Girls! Mall muna tayo! Bibili tayo ng mga damit! Ah Kuya sa ***** Mall po." Sigaw ni Miles pagkasakay namin ng kotse nila. Sabi ko nga sa inyo, mayaman sila may driver pa nga eh!
"Ha? Andami pa nating damit ah!" Takang tanong ko.
"Hindi! Hindi kasi pambahay or what! Pangswimming!" Sabi niya at ngumiti ng nakakaloko. Haaay naman talaga!
"Beach tayo?!" Excited na tanong ni Jane.
"Ay Hindi rin! Saan mo gusto magswimming?"Pambabara ni Miles. Natawa naman ako sa kanilang dalawa.
"Yun oh~ Tumawa ka rin!" Sigaw nilang dalawa. Aww! Swerte ko talaga sa kanila. Alam kasi nila LAHAT ng pinagdaanan ko.
Kaya ayun, nagkulitan kami hanggang sa makarating kami sa mall. Pagdating namin dun, dumiretso agad kami sa isang shop na may iba't ibang swimsuits/bikinis.
OhEm! 'Di ako mahilig magsuot ng ganto. Promise! Nakakahiya kaya. Kahit sexy naman ako. Wew, humangin bigla.
"Oh Girl! Bilisan mo naman! Excited na ako!!" Sabi ni Miles.
Napangiti na lang ako kasi kanina pa ako neto pinapamadali eh!
"Miles, ilang beses mo na bang sinabing 'Excited na ako!'? para kang sirang plaka!" Sabi ni Jane tapos ginaya pa nya yung boses ni Miles. Inirapan na lang ni Miles si Jane tsaka naunang naglakad palabas. Excited nga talaga XD.
Minsan lang naman kasi yan makapunta sa mga resort, beach, out of town, etc. Basta yung malalayo. Hindi kasi yan pinapayagan ni Tita eh, sa malalapit lang pwede.
Nakabili na ako ng damit tsaka ako sumunod sa dalawa na nasa labas ng shop na toh.
"Oyy! Tara na.Naexcite na din ako! Daliiii!" Sabi ko sa kanilang dalawa sabay kaladkad papuntang parking lot. Sumakay na kami sa kotse nila tapos nagkekwentuhan at nagaasaran pa kami habang papunta sa isang resort pala. Pinsan daw ni Miles mayari neto.
BINABASA MO ANG
Forgotten Love (JulNiel)
FanfictionNaging kayo. NAGING~ Ibig sabihin PAST na. Sakit noh? Hindi naman yan sasakit kung hindi mo na siya MINAMAHAL. Oh, MINAMAHAL, PRESENT na. Tapos ngayon, ang layo ng agwat niyo sa isa't isa. Hanggang sa may nangyaring 'di kanais-nais. Magkakaroon pa k...