Freaking Jealousy!

1.3K 25 4
                                    

Papapaparapaparapaparapapa!!

It's Showtime na naman.

Kulitan,tawanan,kiligan. Yan ang mga nakikita mong ginagawa ng mga love teams na nabubuo sa show.

"Anne,kiss mo siya!" Pilit na tulak ni Vice kay Anne.

"Ha?! Eh.....O sige sa cheek.Tapos ikaw sa gitna ha?" Sagot naman ni Anne na halata mong gusto niya rin ang nangyayari.

"O sige ganto na lang.I-kiss mo Kaye si Vhong sa left cheek,ikaw Anne sa right cheek.Tapos ako sa gitna."

"Bro.Wag na lang daw oh.Overtime!"

*Tawanan ang Madlang Pipol*

"Okay lang.Pero kinikilig talaga ako sa inyong dalawa.VhongAnne na ata ako."

"Uy,thank you ha." Sabi ni Vhong.

Nagbigay na sila ng resulta ng mga nanalo at nagbreak na. Commercial eh!

"Guys,backstage tayo.Matagal pa naman daw eh." -Vice

"Tara!"

Nandoon silang lahat sa backstage. Syempre dahil may mga karelasyon sila,may iba kausap sa phone at ang iba naman sa backstage kausap.

"Erwan,what do you want?This or this?" Tanong ni Anne.

"Nothing Mon Amour.I'm fine."

Sa itsura ni Anne,hindi mo alam kung gusto niyang pagselosin si Vhong dahil sa bawat tanong niya kay Erwan,ay siya ring tingin niya kay Vhong.

Nakita ni Vice na si Vhong walang ginagawa,kung hindi tahimik lang tapos biglang titingin sa phone.

"Vhong! May problema ba?"

"Girlfriend ko kasi.Gustong makipagkita mamaya."

"Oh?Ano naman?"

"Tumatawag kasi yun ng date,pag special occasion o pag may sasabihing importante."

"Baka may sasabihin lang."

''Ewan.''

"Guys,tapos na ang break!'We'll be back in a minute. Pumunta na kayo sa stage."

Tawag ng isa sa staff.

"This is your show,This your time,IT'S SHOWTIME!!!"

Anne's Pov

Hay tapos na naman ang isang araw. Hindi ko maintindihan tong si Vhong kanina pa aligaga.

Hindi ko nga rin maintindihan tong nararamdaman ko.

Nung isang araw kasi,nakita namin ni Erwan si Vhong kasama yung girlfriend niya. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.Hindi ko alam pero si Vhong ata talaga ang nilalaman ng puso ko.

Siguro para sa iba,perfect couple kami ni Erwan.Ganoon rin naman ang iniisip ko,pero ang puso ko wala ng pakiramdam para sa kanya.Empty na ang pagmamahal ko para kay Erwan.

Vhong,ba't mo ba ko pinahihirapan?

-—-—-—-—-—-—-—-—-—-—-—-------------------

Gusto ko sanang pagselosin si Vhong pagtapos ng Showtime kaso umuwi agad siya.

Buti na lang umuwi siya.Kasi,umuwi na rin si Erwan. Sinundan ko si Vhong.Hindi ko alam,pero feeling ko pagkatapos neto,kakailanganin niya ako.

Freaking Jealousy!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon