Chapter 1: Camera
Samantha's POV
The click of the shutter goes off again and I changes my position, tinapunan ko ng titig ang camera bago ulit ito pindutin. Hindi naiiba ang photoshoot na ito at alam kong mas higit pa sa salitang 'perfect' ang maipapamalas ko rito.
"Yeah, Sam, you're killing it." nakangising sabi ni Matt.
"Alam ko" malamig na sambit ko.
Palipat-lipat ng angulo si Matt habang paulit-ulit na pinipindot ang camera, taking picture after picture of my slim frame suot ang isang high-end dress.
"Alright, now try to look fierce. Fuck, Sam, huwag mong ikunot ang noo mo, ayan, thank you." may diin na sigaw nito.
Hindi ko napigilang matawa, nakakatawa naman talaga ang lalaking ito pero sinunod ko nalang ang utos niya dahil alam kong pagod na rin ito. Fierce...
Nakita ko ang saya sa mga mata ni Matt nang matapos kong gawin ang inuutos niya. Matagal ko ng photographer si Matt simula pa lang noong nagsisimula ako. I've been modeling since I was fifteen and an agent approached me in the streets of BGC, at masasabi ko na sa loob ng dalawang taon ay nahasa na ang galing ko rito. At least, as good as World's top female model goes.
"Okay, and we're done for today," binaba ni Matt ang hawak na camera na masayang tinitignan ang mga nakunan niya. "Perfect as always, Samantha. Vogue is going to love this."
"Gusto naman nila lahat ng ginagawa mo," sagot ko.
Nakita kong napangiti si Matt sa sinabi ko, kitang-kita ang kasiyahan lalong-lalo na sa mga mata niya.
"Anyways, you should get going," ani niya kasabay ng malalim na paghinga ni Matt. "Marami pa akong gagawin dito, you know? Editing," dagdag niya.
Sa mga ganitong photoshoots, alam kong photographers ang may nakakapagod na trabaho dahil kahit makauwi man sila sa kanilang bahay ay may trabaho pa rin silang gagawin.
"Stay strong and healthy, Matt,"
Tinapik ko ang likod ni Matt, ramdam ko na ang pagod at antok nito. "Hope we see each other again soon."
Binigyan lang ako ng malawak na ngiti ni Matt, napaka-gwapo talaga niya. Tinungo ko naman ang changing room para magpalit na.
I changes into my white skirt and an over-sized shirt that tucked-in to my skirt at isinukbit ang sling bag ko sa akin, bago muling umupo kung saan ginawa ang aking make-up, rubbing my face with a wet tissue.
"Hanggang ngayon hindi ka pa rin marunong magtanggal ng make-up mo."
Nakita ko nalang na nasa tabi ko na pala ang natatawang si Kylie, ang make-up artist.
Itinapon niya ang hawak kong cotton pad at kumuha ng panibagong cotton pad na balot na balot ng make-up remover, she started to poke my skin softly, careful to not irritate the skin. "Ilang ulit mo na itong ginagawa and you still don't know how to properly remove make-up."
"It's because hindi mo naman ako tinuturuan at laging ikaw ang gumagawa," seryosong tinitigan ako ni Kylie. "Kaya hindi ako matuto-tuto."
"Huwag mong isisi sa akin ito, Samantha Pascual," mariin na sambit nito at parehas kaming natawa.
"Tumawag nga pala si Dave habang nagsho-shoot kayo, by the way, He said you should drop by his office as soon as you are done."
napabuntong hininga ako, dahil gusto ko nang makauwi ng bahay at humiga sa aking kama buong maghapon.
"Lagi nalang nagtatagumpay si Dave na gawin akong busy palagi," Kylie shakes her head, pinunasan niya na lang ang natitirang dumi sa mukha ko at tapos na.
"You should be grateful," she says.
I am really grateful. Sa katunayan, sobra-sobra ang pasasalamat ko kay Dave. Hindi naging maganda ang naging karanasan ko sa unang agency na kumuha sa akin. Hihinto na sana ako sa pagiging model at mag-focus sa aking pagaaral, but then fate brought Dave into my life. Parehas kaming desperado at rookies noong panahong iyon, but somehow we made it work, at alam ko na hindi ko mararating kung ano ako ngayon kung wala si Dave, hindi lang agent ang tingin ko sa kanya, isa rin siya sa mga closest friends ko, kaya sobra akong nagpapasalamat.
Tapos na tanggalin ni Kylie ang make-up ko at lumayo na sa akin bago ulit ito nagsalita.
"Okay, you're ready to go now. I-kamusta mo ako kay Dave ah"
"Thanks, Kylie" tumayo ako bago kunin ang grey wool coat ko.
I blow her a kiss before making my way to the exit, nagpaalam na rin ako kay Matt at sa iba pang staff sa silid. Pagkalabas ng building ay agad akong pumasok sa kotse ko at pinaandar yon papunta sa office ni Dave.
-----
Papasok na ako sa office ni Dave nang nakita kong nakabukas ang pinto, hindi ba marunong magsarado ng pinto ang lalaking ito? Hay nako...
I step inside the room and finds Dave staring intensely to the screen of his computer.
"Hello, Dave!" panimula ko rito, umupo ako sa isang office chair sa harapan ng table nito. "Gusto mo raw ako makita?"
"Andiyan ka na pala, binibini" bati nito, napangiti siya na kinakunot ng noo ko. "Kamusta ang photoshoot?"
"It was perfect, pero napapagod na ako" sagot ko, napahikab ako sa sobrang pagod at antok. Alam ko namang hindi maaawa si Dave sa paghikab ko at papauwin niya na lang ako bigla. Hindi ganon si Dave.
"Do you know who is the hottest fashion photographer in the Philippines right now, Samantha?" nagtanong ito, nakangisi ito na parang pinagti-tripan ako.
"Matt? Matt Aguas?" hindi ko siguradong sagot, natawa ito sa sagot ko. Sa huli kong tingin ay si Matt ang nangunguna sa listahan, pero sa tono ng tawa ni Dave ay alam kong mali ang sinagot kong pangalan. "Hindi ba si Matt? Enlighten me Dave"
Natawa ito bago ibalik ang tingin sa akin. "You haven't heard about Levi? Levi Vargaz?"
Napaisip ako kung sino ang sinasabi ni Dave. If he's really the number one and good enough to take Matt's spot, I should at least know his name. Dahil sa industriyang ito kailangan mo ng good connections at talent.
"Nope" maikling sagot ko. Nahihiya ako kay Dave dahil hindi ko kilala ang taong tinutukoy niya. "Sino ba siya? Kailangan ko ba siyang makilala?"
Pero ang pangalang iyon, familiar sa akin.
Levi...
Levi Vargaz, sino ka?
BINABASA MO ANG
Captured Hearts (ON-GOING)
RomantizmSa mundo ng pagmomodelo hindi makakaila na magaling diyan si Samantha Pascual kaya hindi nakakapagtaka na siya ang highest-paid model hindi lang locally, but internationally. Mapa-runway man yan, fashion editorial, commercial at iba pa, grabe kung...