CHAPTER 1

81 3 1
                                    

CHAPTER 1

(BEL’S POV)

“Hi Folks!!!”^___^

“Bakit ngayon ka lang? Usapan 8 am, anong petsa na?” (~___~) reklamo ni Aileene.

“Gurabee ka naman folks, para na-late lang ng two hours eh…

“’Lang’ ? ni-la-lang-lang mo LANG yung two hours na ‘yon??? Kumidots! Sarap mong elbowhin” patuloy na reklamo ni Aileene, kaya naman namagitan na sa amin si Nessy.

“Oy,oy,oy! Stop na ‘yan. Ikaw naman Aileene…parang hindi ka na nasanay sa kaibigan nating ‘to? Eh halos isang taon na niyang gawain ang ma-late lagi sa usapan natin, may bago pa ba don?” pagpapa-alala niya kay Aileene saka ako naman ang binalingan.

“At ikaw naman Belarmina, kailan ka ba magigising diyan sa kahibangan mo sa ‘Mr.kwak kwak’ na yan?”

“’Mr.Kwak kwak’? Sinong Mr.kwak kwak?” nagtataka namang tanong ko.

“Psh! Eh di yung pongid na doctor na araw-araw mong pinupuntahan sa La Samarthana Hospital! Sino pa ba?!” mataray na sabi ni Aileene.

“Ahh… Si Terrence?” kumikislap ang mga matang kumpirma ko.

“So first name basis na pala kayo ngayon??? Improving!” tanong ni Aileene.

“Hindi naman sa ganon, sinasanay ko lang ang sarili ko na tawagin siya sa pangalan niya. Para naman kapag kinasal na kami…you know…hindi akward”^//////^ kinikilig kong litanya.

“Kasal?! Eh ni hindi nga alam ni Kwak-kwak na may isang surot na tulad mo ang patay na patay sa kanya, tapos bigtime assuming ka diyan na magiging kayo at the end? LOL!” [rolled eyes] pang-da-down ni Aileene.

“Ikaw naman…folks tayo di ba? Support-support na lang” pag-papaalala ko sa kanya ng samahan naming ‘Folks-K-Dot’ na binubuo naming tatlo.

“Folks ba kamo?” (~___^) ani Aileene.

“Oo” ^____^ sagot ko.

“Pwes! Halika at folk-folk-in kita ng martilyo sa ulo ng matauhan ka nang baliwag ka!” (~O~) sigaw ni Aileene dahilan para magpa-ikot-ikot kami ng takbo sa kinauupuan naming concrete bench.

“Praning ka talaga Aileene!” >0< sigaw ko habang natakbo pa din.

“Baliwag ka naman Belarmine!” >0< sigaw niya din na hinahabol ako.

“Pwede ba?! Tumigil na nga kayong dalawa diyan! Baka nakakalimutan niyo? Hindi na tayo mga bata no!” awat sa’min ni Nessy. Agad naman kaming huminto ni Aileene at nagkatawanan na lang.

Sa loob ng tatlong taon naming pagkakaibigan, laging ganito ang nangyayari sa amin. Ako at si Aileene laging nagbabangayan, habang si Nessy naman ang laging taga-awat namin. Sa awa naman ng bawat isa sa amin hindi pa naman kami umabot sa puntong nagkakapisikalan. More on asaran at habulan lang kami.

Because being folks, we should know our limits.

Halimbawa na lang ngayon… Alam kong konting-konti na lang at bibinggo na ‘ko sa dalawang ‘to. Ilang beses ko na kasi silang pinaghihintay tuwing may mga ‘folks-to-go’ (exclusive gala for folks memebers) kami.

Lagi akong late.

At ang dahilan… walang iba kundi ang aking Man of My Dream na si Dr. Terrence  Drews.

Isa siyang physician sa hospital na pag-aari ng pamilya namin. Unang beses pa lang na nakita ko siya ay kakaibang kilig na ang naramdaman ko para sa kanya. Kaya naman mine-make-sure ko na araw-araw ko siyang masisilayan, kesehodang kalbuhin ako nitong dalawang katabi ko.

“So? Ano naman ang isinuhol mo ngayon sa kwak-kwak na ‘yon?” tanong ni Aileene nang makaupo na kaming tatlo sa bench.

“First of all, hindi siya kwak-kwak. May pangalan siya, and it is Ter-rence. Terrence Drews. Dr. Terrence Drews, okay?” paglilinaw ko.

“Kahit Rice Terreces pa ang pangalan niya, kwak-kwak pa din ang itatawag ko sa kanya.Period!” (~___~) pasya ni Aileene.

“Bahala ka nga diyan” (=____=) suko ako.

“Ano nga bang sinuhol---este…binigay mo pala kay Ter-rence?” tila nang-aasar din na tanong ni Nessy, kung hindi ko lang siya nilisikan ng mata.

“Ehem! Well…ipinagluto ko lang naman siya ng masarap, malasa,malinamnam at punung-puno ng bigtime love na…carbonara”<3____<3 with matching kilig pa.

“Carbonara…sarap naman nun..”(_”_) sabi ni Nessy.

“Oo nga. Buti pa ‘yong kwak-kwak na ‘yon may CARBONARA! Samantalang tayong mga folks…NGANGA!”T_____T pagda-drama ni Aileene na suminghot-singhot pa na kala mo umiiyak talaga.

“Asus! Ito namang dalawang ‘to…pwede ba namang makalimutan ko kayo? Syempre hindi no!” sabi ko. Saka kinuha yung dalawang tupperwear ng carbonara na para sa kanila.

“Charaaaaang!!!”^____^ sabay lahad sa kanila ng aking malasang carbonara.

*_____* <-- Aileene.

“Sabi ko na nga ba, hindi mo kami matitiis eh!”>____< siyang-siyang kaloobang sabi ni Nessy. Habang si Aileene naman…

“Nyam! Nyam! Nyam! Ang sharap naman nyito! Uhmmm!!! Nyam! Nyam! Nyam!” \^0^/ si Aileene na sunud-sunod ang malalaking subo ng carbonara.

O____O <-- Ako       O____O <-- Nessy

“Folks…yung totoo…may budol fight?” (~___^) tanong ko kay Aileene na sunud-sunod pa din ang subo.

“Asbjahshwewjmf…!!!” ^0^ sagot niya na obvious namang kahit kayo, hindi din naintindihan.

“Hay naku! Hayaan mo na ‘yang matakaw na ‘yan, mabuti pa kumain na din tayo at baka mamaya agawan pa tayo niyan” sabi ni Nessy. Inumpisahan na din naming kainin ang carbonara  na dala-dala ko.

Bata palang ako, hilig ko nang tumambay sa kusina ng mansion namin at mang-usisa sa mga tagapag-luto namin. Kaya naman nang magsimula akong magdalaga, inumpisahan ko na ang pagluluto. Noong una ay yung madadali lang lutuin ang niluluto ko, katulad ng itlog, hotdog,noodles, etc.

Naging malamawak lang ang interes ko sa pagluluto nang  makilala ko si Dr. Terrence. Sabi kasi nung mga co-doctors niya sa hospital (na naka-chikahan ko)…mahilig daw siyang kumain. Kaya naman lagi ko siyang dinadalhan ng mga specialty ko na punung-puno nang love.

“Hoy! Bel! Tama na ‘yang pag-de-day dream mo, pasok na tayo!” yakag ni Aileene.

Psh! Palibhasa busog ka na! bruha ka talaga! ^___^v

“Opo Ma’am! Ito na nga po eh!” nang-aasar kong sagot kay Aileene na nagunguna sa paglakad, habang kami naman ni Nessy ay nakasunod lang sa kanya.

Bago tayo magkalimutan, ako si Belarmine Cortez, simpleng folks na may dalawang folks na kaibigan at may isang importanteng misyon sa buhay at ito ay walang iba kundi ang…

Mission 101: Marry A Doctor ^____^ <3 <3 <3

MISSION 101: MARRY A DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon