Prologue

85 1 3
                                    

Dear diary,

Ahayy ngayon lang ako ulit magsusulat sayo after 2403205729220 years. Miss me diary? Sorna lagi na kitang nakakalimutan ehh. Pero ngaun pramis magsusulat na ako sayo everyday. Sige diary subukan mong humugot ng "promises are meant to broken" baka sungalngalin kita. Nakakarindi kaya hugot dito, hugot dyan. You know diary it's so so walang kwenta. You can't just hugot hugot if you didn't experienced it. Di ka pwedeng makisama lang sa patok. Duhh.. Wag ka englishining yun. Kinalkal ko pa ang katiting kong mga brain celss para sa kaunting english na yun.... Anyways diary siguro hindi mo na ako  ganun kakilala kasi ang huli nating pag-uusap eh nung 6 years old pa ako.  Ahhhh it feels so nostalgic ung marami pang nagkakandarapa sa akin. Char! Di ako makati non ano!? Ang sasabihin ko talaga ay it feels nostalgic kasi araw-araw kong dala-dala yung diary ko tapos magsusulat ng walang kwentang bagay. Siguro nahihilo kana sa mga kwento ko non diary. Pwes ngayon wala kang choice kundi makinig ulit sa mga walang kwentang bagay na sinusulat ko. Kuha mo yun diary!? Pagpasensyahan mo na may-ari(as in owner ha di ung greenish thingy) mo ha at medyo natanggalan ng turnilyo hihi.

Diary sa sobrang tanda mo na at pagkabulok mo sa lagayan di mo na alam ang date ngayon hahaha. Well wala ka namang date soooo yun! Grade 8 na ako, si Portia Taylor Thompson ay nasa ikawalong baitang na. Ang sosyal, sosyal ng pangalan ko dahil si Naynay ay nagawan ng milagro ng isang napakapoging kano na ngayon ay history na lang. Namatay na  kasi si Taytay nung pagkakita niya sa akin. Joke lang naman, sorry po Taytay you may rest in peace po lablab. Ano namatay kasi si Taytay dahil sa car crash. Di ko yun naikwento sayo diary kasi sabi ni sa akin ni Naynay na nagsiswimming lang si itay sa Pacific Ocean at naghahanap ng ipapakain sa amin. Ako naman si uto-uto naniwala ren. Nung nalaman ko lang kung ano ang Pacific Ocean saka sinabi sa akin ni Naynay.

Alam mo diary kahit ang sosyal at pangmayaman ang pangalan ko walang nakakapansin sa akin huhubelss. Pangalan pa lang halatang potato na. Pano ko nasabi? Kunin mo yung PO sa Portia, yung TA sa Taylor, at TO galing sa Thompson. O diba pinaghirapan kong isipin kung bakit ako isang potato. Napagtanto ko lang yan kanina nung naisulat ko yung pangalan ko hardiharhar o diba antalino ko? Daig kita blehhhh. Huy diary sagot, sagot naman pag may time. Hindi ung nagseself-support ako dito. You is so kainis. Pero kahit ganun ikaw na lang ang aking napapaglabasan ng sama ng loob kasi yung mga kaibigan ko di sila potato kagaya ko. Ahuhuhu sasabihin nila na okay lang yun, oo na lang guyths kaso deep inside napapaisip ko ano bang meron sila na wala ako.

Alam ko hindi ako girlfriend material pro busilak naman ang puso ko ehh. Saka wala naman akong mga tigidig sa feslak unting pimples lang. Saka kahit papano eh brainy naman ako wala lang talagang inspirasyon para mag-aral ng mabuti. Basta't pasado okis na. Di ako nagyayabang ha. Siguro di lang talaga ako nabiyayaan ng maraming followers at likers tulad ng mga kaibigan ko. Ang sakit, ang sakit tanggapin na muhka lsng akong chaperone(tama ba ang spelling ko diary?)... Erase, erase katulong na nga lang nusblid pa akech. Ayun na muhka akong katulong pagka rarampa sila sa canteen at hallways pati daanan sa skul wait diary parehas ba yun nvm na lang. Oh diary ang meaning ng nvm ay 'never the mind' gets? Outdated ka eh. Pisti diary wala naman akong magagawa so tanggapin na lang na ako'y isang potato lang, isang potato. Huhubells.

Oh sige na diary tulog na me, tulog ka na rin ahh kung ayaw mo... di wag jk lang.  bantayan mo na lang ako baka may bumalat sa akin at bigla akong kainin.

Namiss ka ng bungga,
Portia

A Potato's DiaryWhere stories live. Discover now