page 10

17 0 0
                                    

Dear diary,

Nonsense ang nagyari nung sunday puros hilata at kaen lang masasayang ang page mo at masasayang ang puno na pinutol para sayo... Kaya Monday na agad. Ay nako diary sobrang di na ako potato, kaso nabansagan ako as feeler at bagong type ni James. Deyr su irritation ughhh I want to sapak them na. PIGILAN MO AKO baka magkapasa wait baka nga balatan ko na yung mga parang mabaliw baliw sa kakachika tungkol saken baka rin dukutin ko na mga mata nila may pa irap-irap pang nalalaman. Wala si Jam ngayon half day, tas yung mga tropa ko sa kabilang section may ginawa. Yung iba kong katropa medyo wapakels awtsuuu. 

Ayaw kong maging popular dahil dun. I want to be popular because I'm popular. Ano raw english nanaman si Miss kasi pinag-eenglish kami so nagpapraktis na ako. Anyway ang meaning nung sinabi ko ay ayaw kong umasa sa usap-usapan para sumikat masisira ang name ko di pa nga nasikat sira na agad grabi chila ohhh. Ay nako speaking of being popular, may chika ako. 

Kanina pagkabukas ko ng locker ko may letter sa loob... guess what dayari ang nakalagay ay 'Hi! I wish you would notice me' diary english ehh kaya pinatranslate ko pa sa kaibigan kong si Kate. Ang ibig sabihin pala nun ayyyy: Pansinin ko daw siya. Medyo chunga lang gawa di ko naman siya kakilala paano ko siyang papansinin duhhh. Nagkaroon ako ng realization pagkatapos, hindi kaya siya si Mr. Flower? Pede naman ehh hindi ko nakita yung pangalan may chansa lang naman. 

Nagsimula na yung klase pagkatapos nun. Grabe ang epekto ng hindi pagiging potato sa akin bigla akong nag-ayos. Di naman yung parang major mek-over, yung suklay-suklay lang saka poweder-powder langs. Parang mababali pa nga yung suklay ko kanina pero wag ka! Standing strong pa rin siya kahit may tatlong bungi HAHAHA. Tas nalaman ko kaganina na ubos na rin yung powder mga 3 taktak wala na kaya nakihiram pa ako. Syempre marami akong resources eh!

Naglunch na after ng limang nakakaantok na subjects Filipino, Math, CLE, ayoko na banggitin yung iba at baka mabasa to ng mga teacher ko at papuntahin yung nanay ko sa iskul paktay na. Sinong di aantukin, pero hindi ako natulog baka maglaway pa ako... kung kelan may magkakagusto sa akin baka maturn-off sayang naman kaya hindi na lang ako natulog. Edi lunch na nga dayari syempre kakain, kumain na kami pero dahil hindi ko ganun kaclose yung iba kong katrpa nauna na ako. 

Magtotoothbrush ako malay mo naman kasi may biglang kumausap sa akin kahit yung hininga ko na lang yung mapansin hindi yung looks.. di naman ako kagandahan ehh. Atlit honesty ako dayari. Pagkatapos kong magtoothbrush babalik na sana ako sa classroom, lunch pa kaya walang katao-tao yung hallway papuntang classroom. Busy sila sa mga buhay nila so wapakels na ako hindi naman sila si Chris or si James para pakeelaman ko.

Habang naglalakad oh gahd pakiramdam ko may nasunod sa akin hindi ko sinubukang lumingon palikod at baka si Valak na ang nahabol sa akin. Ano ba yan grabe pati si Valak nagkaroon ng pagnanasa sa akin ang haba ng buhok ko ayun nga lang, baka ihanda na ng naynay ko ang libing ko. Lilingon, lilingon? Shems nakakatakot tumakbo na lang ako papuntang classroom. 

Pagkarating ko dun hingal na hingal ako buti nga di ako nadapa, nakicooperate yung kalampahan ko sa sitwasyon muntik na akong mamamatay nun ahh James/Chris my knights in shining armor bat di kayo dumating? Di kayo nasunod sa nakasulat sa script hmpff mamamatay pa sana ako! "Portia kay ka lang? Mukang hinabol ka ng toro saktong red yang panyo mo." inirapan ko na lang si Zedd di ko pa nahahabol ung hininga ko so shatap na muna siya. Linampasan ko siya at umupo sa upuan ko tas uminom ng tubig.

Di naman ako nagrequest kay Valak ng meet and greet ahh. Juskomeyo nakakatakot! Pagkatapos nun ay 3 subjects tas uwian na. Commute ako pero trip kong magwalk trip imbes na sumakay ng traisikol sayang pira may pinag-iipunan ako pero hindi ko alam. Mas magandang ready ka aba di mo alam kung kelan mo kakaylanganin yung pera. Naiwan ko yung cp ko kaya nakanta ako habang naglalakad hindi yung malaconcert ang peg ah yung parang bulong lang na kanta. Tapos may narinig akong footsteps putspa si Valak nanaman ata toh.

Kumaripas ako ng takbo jusko wag kang mateteleport ayoko pang mamamatay, San Pedro wag muna ha gusto ko naman yung pagkamatay ko maayos hindi ung dahil hinabol ako ng multo. Mukang may problema ata sa portal ni Valak kaya di siya nagteteleport jusko buti na lang nakaabot na ako sa bahay. Dali-dali kong binuksan ung pinto tapos pumasok ako tas linock ko na aba baka pumasok pa sa lunggaan ko yung multong yun!

"Nak ang putla mo. Nung nangyari sayo dinaig mo ung na-rape jan sa kalye." Grabe akala ko concerned humirit pa si naynay. "Nay baka may multong nagpaparamdam sa akin." Kumunot yung noo ni naynay at sinabing "Ay nako wala ngang nagkakacras sayo pano pa kaya multo?" Grabe siya ohh minsan napapaisip ako kung ampon lang ba ako ang sama sama kasi ni Naynay sa akin parang ako na may kasalanan ng lahat. Parang kasalanan ko yung World War 1 at 2 baka pati yung Isis kasalanan ko rin. Ay nako yun lang ang maiikwento ko sa ngayon

Di makatulog baka kainin ni Valak,
Portia 

A Potato's DiaryWhere stories live. Discover now