----> Colean

31 0 0
                                    

          Ah simula na ba ng paghihirap ha. Bakit pa kasi ininbento ang calculus, trigonometry, geometry, economics (subject ha), physics, at ang pinaka-nakakadugong thesis…ah please, hindi pa ending pero parang masusurender na ako…pero I must please naman Lord, call niyo ang hinihintay ko…kung hindi niyo parin alam yung number ko eto na 09058798341..ayan na, please Lord help me naman dito…

June 17, 2011

            11:29 am, yes malapit-lapit na mag-time…sige magsalita ka lang jan…Grabe nakakaasar si Sir Franco a.k.a. Frankenstein…panu ba naman kamuhka ka niya sa Frankenstein: malaki ang eye-bug, matangkad at nakaka-boring yung lecture niya…Grabe mahirap pag  absent si Ives, wala tuloy ako makausap… biro mo pa naman, nasa pinakalikod ako naka-upo, dalawa lang kami sa likod sa may leftside ng classroom malapit sa switch ng ilaw…basta likod…alam mo ba ngayong ko lang na laman nakaka-interesting pala si Ives, aba ngayon ko lang na laman sorry ka…

Hay nakakaboring ang i-kekwento ko sa inyo ngayon, may isang babae nakaharap lang sa nakakaboring na titser sa balat ng sibuyas…naghihintay magtime kahit alam mong mas nakakaboring ang susunod na subject: Foreign Language ni Miss Kalintugan… ah ayaw ko na… ako yung babae ha, just recall…

Hay, naglalaro ng ballpen, nakatulala lang kay sir. Tapos bigla na lang nag ring yung fire bell, may sunog! Kaya nag simula magpanic kaming lahat… “Ahhhh!!!!” sigawan dun sigawan dito, takbuhan dun takbuhan dito, grabe total chaos sa loob ng classroom...lahat kami tumakbo sa fire exit, nang tumakbo kaming lahat pababa, wala naman akong masyadong nakikitang sunog o  mi-naamoy na sunog…basta napatigil na lang ako at biglang hinawakan ni Felix ang kamay ko at hinigit ako at may narinig ako: boom! At lumingon ako at malaking kahoy ang bumagsak sa likod tapos lumingon ako balik kay Felix at tapos sabi niya “Colean, lika na kailangan na natin  mag-evacuate” tapos hinila ako ni Felix ng pabigla at yun ang nagpagising sa akin at nag-evacuate kami.

“Ano nangyari?” sabi ni Che,

“Sabi daw nila nag-earthquake daw” sabi ni Shanley,

“Eh earthquake? Hay buti na lang ligtas tayong lahat, no Cola” sabi ni Annah, at ako walang imik, nakatulala sa mga nagsisilputang kotse ng ambulance, pinatawag ni Sister. Tapos tinignan ko yung kamay ko kung saan naka hawak si Felix tapos biglang ginulat ako ni Annah sa kanyang kamay na nakahawak sa mga braso ko at sabi “Ok ka lang Cola?” tapos pumikit lang ako ng saglit tapos dumilat at sabi “Ok lang ako” ng mahina,

“Hindi halata, parang nagulat ka o namatayan ka. Parang ganun yung itsura mo ngayon” sabi ni Tonnie tapos sabay hug sa akin…ewan ko ba kung bakit…pero after two minute na-realize ko na-umiiyak na ako… Tapos pina-upo ako ni Tonnie sa may waiting-shed sa harap ng parking-lot at school main tapos pina-sandal ang ulo ko sa kanya tapos biglang pumunta sa harapan ko si Nate tapos inabutan ako ng plastic cup ng tubig tapos sabi niya ako “alam ko ang nangyari sayo, na-shock ka yata kanina, kaya inumin mo ito para mawala yung kaba at takot mo” tapos kinuha ko at ininum ng konti at nagsabi ako ng “Thank you” tapos ngumiti. Nagtataka ako, pano na laman ni Nate? Alam niya ba ang totoong nangyari? Nandun ba siya? Huh? Ayoko na mag-isip nakakapagod na…

03:25 pm

Nasa gym, kasama si Che, umiinom sa water fountain. Nang matapos na kami uminom, tumambay kami ni Che sa may bleachers malapit sa fountain tapos ng umupo kami, nagsimula na si Che magsalita, “Hoy babae, ano ba ang nangyari sayo at parang gulat na gulat na hindi ko maintindihan atchaka kanina ka pa tahimik. Ano ba ang nangyari sayo ha?” sabi ni Che ng pagalit,

Pero tahimik pa rin ako, hindi ko talaga gustong gawin to pero parang may pumipigil sa akin na wag sabihin kaya ito tahimik ako kahit sinasaniban na ako.

Hay skul nga namanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon