----> Sandra

25 1 0
                                    

Part 1

Grabe ang saya pala dito…Sana dati pa ako nandito…Grabe ang saya dito abot langit na ang katatawanan at kasiyahan dito… Hahahaha…

12:51 am

“Sandra, masakit parin ba ang ulo mo?” sabi sa akin ni Cola,

“Okay na ako Cola” sabi ko kay Cola, ningitian ko sya para hindi na sya magalala,

“Ah ok” tapos ngumiti na lang sya, nagtataka ako nakailang beses na siya nagtatanong sa akin, ano kaya nangyari kanina?

“Uhmm Cola, bakit mo pala natanong kung okay ako?” syempre kailangan para malaman kaagad,

Hindi nagsalita si Cola pero nagsalita si Annah at sabi niya “Kasi pa naman si Rydan, nagaway kasi silang dalawa kanina” tapos bigla na lang tinakloban ng kamay ni Cola yung bibig ni Annah para bang may tinatago sila sa akin, tapos bigla na lang sinampal ni Cola ang sarili niya, “Bakit Cola? Bakit kayo nagaway ni Rydan?” sabi ko sa kanya, nagtataka,

“Dahil kasi sayo” sabi ni Darlene, tapos biglang lumingon si Cola at si Annah kay Darlene para bang ‘pano niya to nalaman?’. Grabe si Rydan, anong meron sa kanya at parang masyado akong attach sa kanya? Alam niyo ba kanina nakahawak niya ang kamay ko, grabe, haveey na haveey kaming dalawa. Mabait naman si Dan, medyo tahimik (pansin ko sa kanya sa first impression niya sa akin), may kagwapohan, laging maalala, ano pa kaya… ayon loyal at respectful lang siya. Pero ang masasabi ko eh ang gwapo ni Dennis, grabe. Parehas naman sila pero parang meron si Dennis nakaka-appeal­ sa akin. Pati rin si Nate, kahit foreigner sya eh, may puso syang Filipino. Tapos medyo close na kami ni Nate, ang sarap ng feeling na makausap siya…

Pinagpatuloy ko lang yung lunch. Kumain lang sila Annah, Darlene, Tonnie, Che, Iya, Angli, Sally, Celeste at kami naman ni Cola eh lumulakad lang kami canteen (ang malaking area dito sa school) papunta sa gym nakatabi ng music room (pinakamalaking area dito sa school). Noong nasa gym kami umupo kami malapit sa corridor papuntang music room. Grabe ngayon ko lang nalaman yung crush ni Cola, nakita namin dumaan sa harapan namin, medyo maykapogihan naman pero sabi niya mabait, talented at medyo matalino naman sya. Felix yung pangalan niya, nakita ko na sya kanina sa classroom, classmate namen. Pero hindi na niya crush siya, medyo nagsawa na daw sya kaya yun noong second year lang daw naging crush siya at nawala noong nalaman na nag-iloveyou si Felix kay Audrey, classmate din namen pero bespren namen din siya. Hindi naman si Cola masama kasi hindi niya tinraydor si Audrey sabi niya “Kahit may gusto si Felix sa kanya. Wala akong karapatan saktan siya kasi hindi ako yun. Ang kapal ng face ko kung nakipagaway ako kay Audrey. Atchaka mabait sya sa akin at yun lang maiibigay ko – ang kabaitan ko” grabe talagang ganyan si Cola.

Habang nag-uusap kami ni Cola bigla nalang naming narinig yung kantang Magbalik at sabi pa ni Cola “Nakakaloka. Yang kanta na yan. Yan ang nagpapaalala niya sa akin.” Tumawa siya at sabi niya “Ang over ko, pero ito rin nagpaalala sa akin yung banda nila Beyond Limits” tapos sinabi niya “Sila Ryan, Jousef, Felix, Dennis, Caleb at si Jethro” tapos humirit pa siya “Ang saya ng first year ko noon sana ganon din ngayong year. Ngayong fourth year na tayo, Hay” tapos nagbugtong hinga ako at sabi “Hay rin” tapos nakinig na lang kami ng Magbalik galing sa music room.

Hay buhay nga…

♥  ♥  ♥  ♥

01:00

Pagkatapos mag-prayer at umaakyat sa taas papunta sa room, eh biglang tumabi sa akin si Dan kasi daw kakausapin ni Dennis si Nate, sana ako nalang, ako nalang…hahahaha, char.

Nang tumabi sa akin si Dan nagsimula na ako magsalita, “Hi Dan, musta na man ang lunch mo?” sabi ko at nagsmile nalang sa kanya,

“Okay lang. Ang astig nga eh nagtugtogan lang kami sa music room eh” Ah so sila yun…

Hay skul nga namanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon