10:04 PM
Claudine: Gusto kong makasiguro kung hanggang saan ba ang kayang ibigay sa'kin ni Ken. Baka magaya ako kay Jordan. And I think siya ang isang taong may isang salita. Kahit masakit ay paninindigan niya ang na-una niyang sinabi. Basta lang matupad ang isang salita niya. 'Yun ang masakit. Alam kong hindi siya ang tipo na marerealize ang ginawa niya at muli niyang babalikan ang taong iniwan niya. Natatakot talaga ako dahil baka mabigla siya sa katotohanan. Iwanan niya ako at hindi na muli pang balikan. Lumabas kami ng maaga pero wala ako sa tamang pag-iisip. Gusto kong makaramdam siya ng lungkot para naman kahit papaano ay maramdaman niyang mahalaga ako sa kaniya. Baka isa ito sa dahilan para tiisin niya ang sakit ng panlolokong nagawa ko. Alam kong gusto niyang makasama ako dahil mawawala ako within 2 days. Gusto kong mamiss niya ako ng sobra pero iba ang nangyari. Nakikita ko sa kaniya ang ugali ng teenager na nag-iinarte. Ano ang ibig sabihin nito? Binantaan ko siyang dadalhin ko sa bahay ko pero hindi nagbago ang mood niya. Mataas ba ang pride niya, 'yung tipong hindi pa siya ready sa lahat pero ayaw niyang baguhin ang mood niya dahil hindi siya ang tipo na papaapekto sa banta? Hindi ko mapredict. Nakatingin ako sa nakasimangot niyang mukha pero hindi maikakaila na maganda parin siya. Mauubusan ako ng oras nito. 'Yung pride ko ang masasagi niya kaya tinotoo ko nalang ang banta ko para maisip niyang mali ang gagawin namin. Pumara ako ng trike. "Sakay." Utos ko sa kaniya. And oh no! Sumakay siya. Mali ang akala ko. Hindi kaya may hindi ako alam tungkol sa nararamdaman niya? Handa na ba siyang ibigay sa'kin ang lahat? Nakatingin ako sa kaniya habang umaandar ang trike. Saka ko nakita sa mukha niya ang pagmamahal niya sa'kin. Hindi na ito haka haka lang. Hindi na ito sabi sabi lang. Ngayon ko malalaman kung kaya niya akong tanggapin. Nilapit ko ang labi ko sa kaniya. Hindi siya umiwas. Hanggang magdikit ang labi namin. Ito ang halik na walang halong antok, kalasingan at panaginip. Totoo na ito. Hindi ako makapaniwala na buong puso niya akong hinalikan. Tinanggap ko ang labi at tumingin sa kaniya. Hindi ko na kailangang patagalin pa ang lahat.
After 2 days, pareho din ang resulta. Mahal niya ako. Nakikita ko sa mga mata niya na hindi kami basta basta paglalayuin ng katotohanan. Handa siyang sumama sa'kin kahit sa pribadong kwarto dahil buo ang tiwala at pagmamahal niya. Ito na ang tamang panahon. Bumaba kami. Alam kong wala siyang idea kung saan kami pupunta. Wala na din akong pakialam sa kasunduan namin ni Daddy. Gagamitin ko ang kotse para ihatid si Ken bukas. Sobrang lakas ng kaba ko ng papunta na kami sa Village. Pilit ang ngiti ko sa mga gwardya pero hindi ko pinahalata. Bahala na kung ano ang laman ng isip ni Ken. Napansin ko siyang panay ang tingin sa paligid at nakatitig sa pamilyar na mansyon na pag-aari ng Pamilya ko. Hinuhulaan na niya siguro ang mangyayari. Napatingin ako sa kaniya ng pasimple pero halatang busy ang diwa niya sa paligid. Alam kong naitawag na ng mga gwardya na paparating na ako kaya kusa nang bubukas ang gate. Bumaba kami sa taxi. Binayaran naman ni Ken ang taxi na parang wala kaming pag-aaway kanina lang. Sinalubong kami ni Yolly. Nakita ko ang tuwa sa mga mata ni Yolly dahil nakita ako. "RM!" Naku patay. Pero patay malisya lang si Ken. Ngumiti kay Yolly.
Lumabas si Ate Paulina pagkapasok namin. Pinakilala ko si Ken pero hindi siya umaastang teenager ngayon. Nagpapatay malisya siya sa nangyayari. Malamang makikilala niya ang lalaking nasa larawan pag-pumasok kami dahil bubungad ito sa kaniya. Isang lalaking hindi ahit ang balbas at bigote ng dalawang Linggo at panay lang ang trim sa mahaba nitong buhok na iisipin mong hindi nagpagupit sa loob ng isang taon. Hindi ko siya nakikita pero alam kong nakikiramdam na siya sa paligid. Iniwan kami ni Ate Paulina. Umupo kami ng magkatapat. Pumikit ako. Ayokong makita ang reaksyon ni Ken. Ayoko munang makita. Natatakot ako. Kung si Maico ay halos hindi ko kayanin ang mga narinig ko dahil sa nalaman niya. Alam kong mas mabigat ang kay Ken. Tumagal ng ilang sandali. Pero hindi ko matiis. Dumilat ako. Napansin ko siyang nakatitig sa'kin. Nakayakap sa bag niya. Mas matindi pa sa inaasahan ko ang nakikita ko sa mukha niya. Kailangan kong kumalma. Kailangan kong ipaliwanag sa kaniya ngayon pero sana hindi muna siya magalit. Saka na. Sana pakinggan nya muna ako. Dumating si Ate Paulina.
"RM, matanong uli kita. Bakit biglaan ang dating mo nang walang pasabi?" Napatingin kami pareho sa kaniya. "Iha, mukhang pagod kayo sa byahe. Uminom muna kayo ng tubig." Tumingin siya sa'min pareho at hindi na ako sumagot dahil parang hindi na yata importante ang kasagutan.
"Sa-salamat po." Sabi ni Ken sabay tumingin sa'kin ng may pagtataka parin sa mukha.
"Lahat ng bagay ay may dahilan." Sabi uli ni Ate Paulina. Mukhang nahuhulaan na niya ang nangyayari. Nakatayo lang si Ate Paulina. "Maiwan ko muna kayo. Mukhang pareho kayong walang ganang kumain pero mamaya ay magugutom din kayo. Saka ko na kayo ipaghahanda."
Maglalakad si Ate Paulina ng nagsalita si Ken. "Pwede po bang ipaghanda niyo ako ng makakain?" Hindi ako makapaniwala. Wala nang pagkabigla sa mukha niya. Sana nga pareho talaga sila ni Ate Paulina ng ugali.
"Sige Iha." Umalis si Ate at napatingin si Ken sa'kin.
"Rosen." Binanggit niya ang pangalan ko. Yumuko at parang hindi alam ang sasabihin.
Tumingin ako sa bintana. Gusto kong umiyak pero ayaw lumabas ng luha ko. Ayokong umiiyak dahil hudyat ito ng kahinaan pero gusto kong ipakita kay Ken na malaki ang kasalanan ko. Pero walang luhang lumabas. "Ken, patawarin mo sana ako."
Tumingin ako sa kaniya. Umiwas siya ng tingin. "Ano ba ang kailangan kong gawin? Wala naman 'diba? Maraming pumasok sa isip ko at katibayan na hindi mo ako niloko."
Paano niya nasabi 'yun? "Hindi ko akalain na dadating tayo sa ganito."
"Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Pero.. pero, akala ko talaga..." Umiling siya. "Akala ko, basta akala ko... I know nothing that's why I thought, I wasn't a Princess but a heroine to save you." Lumungkot ang mga mata niya. "Thought it be different but katulad din pala kita." Nabigla ako sa luha niya. Pinunasan niya ito. Pinaghanda kami ni Ate Paulina ng pagkain. Ibang iba si Ken ngayon. Magana siyang kumain. Ineenjoy ang pagkain habang ako ay pinipilit ko lang. O baka pilit din lang ang pagnguya niya? Tumigil siya saglit. "Wala akong karapatan na magalit sa'yo dahil walang writer sa totoong buhay. Hindi niya kayang ayusin ang lahat dahil hindi tayo sinulat lang. Totoo tayo." Alam ko na. Hindi niya inahalintulad sa story ang buhay namin. "Hangga't maaari, kailangan kong tanggapin ang lahat." Nagkatitigan kami. "Kung magagalit ako ay patatawarin din kita dahil mahal kita Rosen. Kahit iba ang iniisip kong resulat natin ay wala na akong magagawa. Naisip kong, ganito ang kailangan para maging masaya ako. May dahilan ang lahat. Pero.." Kinakabahan ako bawat salita niya. May isang salita siya kaya takot din siyang mabigla. Sana nga ganun lang. "Pero, sobra ang laki ng nawala sa'kin dahil sa katotohanan. Nawala ang katauhan ng lalaking minahal ko. Sino ka ba? Si RM. Short for Rosen Mark? Nasaan na ang Rosen? Kahit kailan hindi na siya magiging Rosen dahil isa lang siyang pagpapanggap. Sobra ang laki ng nabago RM. Sobrang hindi na kaya pang ibalik ang pagtingin ko sa simpleng si Rosen. Napalitan na ng isang makapangyarihang tao." Napahinga ako ng malalim.
"Ken, isipin mo nalang na walang nangyari. Isipin mo na janitor parin ako."
"Hindi ko kaya."
"I'm very sorry." Umiwas ako ng tingin.
"Hindi ako galit sa'yo. Kung sa fiction story baka hiwalayan kita. Pero totoong buhay 'to RM. Hindi ko pinaghandaan at hindi scripted. Wala pa ako sa tamang pag-iisip dahil wala namang binigay na linya ang writer para sabihin sa'yo o gawin ang pinakatama."
"Ken, mahal kita at hindi mababago 'yun." Tama siya. Walang script na magsasabi kung ano talaga ang dapat niyang gawin. Kaya siguro tinaggap niya. Pero gaya nga ng fiction, napag-iisipang maigi ang sasabihin ng characters kaya maybe it takes time. Kailangan kong gumawa ng paraan bago pa siya makapag-isip. Ano ang gagawin ko? Sana hindi niya ma-isip ang pinakatama o sana pinaka-tama na ang na-isip niya ngayon. Nakakatakot.
To be continued ....
BINABASA MO ANG
366 Days [Continuation]
JugendliteraturThe 366 Days is too many parts so, I decided to write another book to continue it. I can't able to add part. I'm forced to do this separated one. Thanks and I'm sorry. Enjoy reading.