Day 352

7.1K 290 73
                                    

Friday 11:01 PM

Claudine: Ken's POV

Kaya ko siya minahal. Kaya ko siya minahal ay dahil may pambihira siyang katauhan. Pero mali pala ako. Halos magkapareho din pala kami. Natakpan ng totoong katauhan niya ang nung una'y pambihira niyang ugali. Sa ngayon siguro maninibago ako pero hindi ko kailangang ipakita sa kaniya na nagbago ang tingin ko. Ayokong mawala siya sa'kin. Saka nagbalik ang lahat sa ala-ala ko ang lahat. Ang unang pakita niya sa'kin hanggang makilala ko siya na akala ko'y lubos ko na siyang kilala. Hindi pala. Ang pambihirang katauhan na hindi ko nakita sa iba. Ang isang gwapong mahirap at may pang-unawang napakalalim. Ang isang gwapong nilalang na biglang sumulpot sa harap ko at pinasaya ako dahil ngayon lang ako nakakita ng katulad niya. Pero lahat ng ito ay imahinasyon lamang. Ang totoo'y hindi siya pambihira. Kapareho ko lang din siya na Anak ng negosyante. Ang kaibahan lang ay may pinag-dadaanan siyang hindi ko pa alam. Pero hinding hindi ako magagalit sa kaniya nang dahil lang dito. I can be happy. I can't be broken. I can love him the way I love him before. I will love RM as I love Rosen. "Okay ka lang?" Tanong niya. Kaharap ko siya ngayon. Nag-iinom kami sa isang kwarto.

Hinawakan ko ang kamay niya. "Ayos lang ako." Ngumiti lang ako. Alam kong duda pa siya sa nararamdaman ko pero walang dahilan para magalit ako. Masaya na ako ngayon at ayokong mawala ang kasiyahan na nararamdaman ko. Sa sobrang saya ko nga ay handa kong ipagsigawan na nagmamahal ako ng isang janitor pero ngayong isa na siyang Prinsipe, paano pa ako magiging tagapagligtas?

Hanggang dumating ang sandali na nagsasayaw kami ng tugtog ng musikang nakakaaaliw pero emosyonal. Bagay na bagay sa mood ko. Nakayakap ako sa kaniya. Ayoko na siyang pakawalan pa. "Ken." Narinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Nasa-dibdib niya ang pisngi ko. Hindi ako nagsalita dahil alam naman niyang naririnig ko. "Ken." Inulit niya. Tumingin na ako sa mukha niya. "Hindi ba nagbago ang pagtingin mo sa'kin?"

"Hindi. Inamin ko na sa'yong mahal kita."

"Sana nga."

Ngumiti ako. "Huwag mo nang alalahanin pa ang nangyari. Malalaman ko din naman ang dahilan 'diba?"

"Salamat Ken." Pero nananatiling seryoso ang mukha niya. Ayokong maging malungkot. Ayokong masaktan kaya tatanggapin ko nang buong puso ang lahat. Pero malaking bahagi ang nagbago. Biglang nawala si Rosen. Nasaan na kaya siya? Alam kong balang araw ay magpapakita siya sa'kin. Sa ngayon ay iba na talaga siya. Siya na si RM. Niyakap ko siya ng mahigpit.

Maraming nagbago. Hindi na kami gaya ng dati. Masyado nang pormal ang pakikitungo namin sa isa't isa. Ayoko munang alamin ang katotohanan sa likod ng pagpapanggap niya. Ayoko muna dahil natatakot akong may malaman uli. Oras na nang pagtulog. Ano pa ba ang aasahan ko? Ito na ang huli. Ang imahinasyon na nabuo sa isip ko ay magwawakas na. Pero hindi ito fiction. Makatotohanan ito kaya magtatapos ito sa simple lang. Ang lalaking nagpanggap para hanapin ang kaligayahan niya. Ngayon ay may wakas na. Pero ano nga kaya ang dahilan niya? Bakit hindi siya nagpursigi na makapasok bilang empleyado? Tinanggap ko lang siya talaga kaya hindi ito katulad ng istorya na nabuo sa isip ko. "Tawagan mo ang Daddy mo para hindi na mag-alala. Bukas na tayo babalik sa KG."

I don't know if excited ba akong makatabi siya sa higaan o ano. Ito na ang sinasabi sa'kin ni Maico na magmamahal ako dahil 'yun ang kailangan. Lahat ng tao ay pwedeng mag-asawa, sapilitan man o hindi. Lahat ng tao ay nagmamahal kaya ito na ang pagkakataong iyon. Mamahalin ko si RM dahil 'yun ang kailangan. At alam kong sasaya ako kung magiging asawa ko siya gaya ng sinasabi nila na mag-aasawa at magmamahal ako in the future. Madedevelop din daw ito sa pag-ibig. Lumapit sa'min si Tita Paulina. "Suutin mo muna ang damit ko. Halos pareho lang naman tayo ng katawan. Ang kaso, makaluma ito dahil dalaga pa ako noong ginagamit ko ito."

Nakita ko ang damit na binigay niya. "Napakaganda po." Ito ang kasuotan na gustong gusto ko. Susuutin ko ang isa bukas. Tiyak na matutuwa si Maico.

Matapos kong tawagan si Daddy ay naging maayos na ang lahat. Alam na pala ni Daddy pero mas pinili niyang ako na ang makatuklas. Maraming kailangang ipaliwanag sa'kin ang lahat pero saka na iyon. Ang alam ko'y masaya ako ngayon. "Doon ka sa kabilang kwarto matulog." Sabi sa'kin ni Rosen. Hindi. Siya na si RM. Iba na ang katauhan niya. Pero bakit hindi niya ako makakatabi ngayon?

366 Days [Continuation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon