Chapter 16

359 3 0
                                    

Contract Sixteen: I love you... 

Jai’s POV *tunog ng alarm clock* *PAK* Ang ingay nung alarm clock na yun ah! Ang s 

arap ng tulog ko eh. Tinignan ko kung ano’ng oras na. Hala! 2:38 na! 3pm manunuod 

kami ng show ni Seb. Asan na ba yung lalaki na yun? Napatingin ako sa kabilang kama. Ay, eto lang pala siya. Kinalabit ko siya.

“Seb, gising ka na. May papanuorin tayo’ng cultural show di ba?” umugol siya. “Bangon na.” “Jai, masama yung pakiramdam ko. Ikaw na lang yung manuod nung show. Sunod na lang ako pag okay na yung pakiramdam ko.” Tapos umubo ubo siya. “Sure ka? Pwede naman kita samahan dito.” “Okay lang ako dito. Itutulog ko na lang to. Sige na pumunta ka na sa auditorium.” “Sure ka talaga?” nag nod lang siya. “Sige, iwan na kita ah? Magpapapunta na lang ako ng nurse dito.” Lumabas na ako ng kwarto. Kaya lang feeling ko kailangan talaga ni Seb ng makakasama. Bumalik ako sa kwarto, nakita ko siya akmang tatayo. “Seb okay ka lang ba talaga?” umayos siya ng pagkakahiga. “Oo nga. Ang kulit mo din no?” “Concern lang naman ako eh.” “Wag ka ngang mag pout dyan. Baka mahalikan kita ng wala sa oras.” 

May sinabi siya pero hindi ko masyadong naintindihan. Baka ayaw niya lang mag paistorbo. “Tss. Sige alis na ako.” Lumabas na ako ng tuluyan. Ako na nga yung gustong mag alaga sa kanya ayaw niya pa. Teka, asan ba yung auditorium dito? Ang dami namang kwarto rito. 

“Uncle Ethan?” 

“Jaimee?” 

I nod. “So it’s true na nandito ka nga kasama ni Seb?” 

“Yeah, actually it’s school tour. Ay, uncle asan ba yung auditorium dito? Malapit na kasi magstart yung cultural show. Baka malate ako.” Tapos may tinuro siya sa dulo ng hallway. May nakapaskil na. “AUDITORIUM” “Ano ba yan, ang laki laki ng paskil hindi ko nakita.” “Okay lang yan. Sige na pumasok ka na, baka magsimula na yun.” “Sige, salamat uncle.” Pumasok na ko, walang tao sa loob. Nakakatakot naman, wala ba ako’ng makakasama dito? Loner? “Can I seat here beside you?” napatingin ako sa nagsalita akala ko si Seb, hindi pala. In fairness gwapo siya. “Sure. No problem.” Umupo naman siya, hindi siguro to Pinoy, chinito kasi eh. Pati kakaiba siya mag English. “I’m Takez owa Ryo.” Inabot niya sa akin yung kamay niya. So Japanese pala siya. Inabot ko yung kamay niya. “I’m Jaimee Cruz.” “Nice to meet you, Jaimee.” Nakakalusaw naman yung ngiti niya. Ngumiti na lang din ako tapos tumingin na sa stage kasi mag sisimula na daw yung play. Seryoso kami sa panunuod ng play, walang nagsasalita. Ang ganda naman kasi, may mga nagsasayaw tapos kumakanta. Although hindi naming naiintindihan yung dialect na ginamit nila, enjoy pa din.

Pinalakpakan naming yung mga performer after ng show. “I enjoyed the show. You?” whew~ kinausap niya ulit ako. “Same here, although I didn’t understand their dialect.” Ngumiti lang siya, tapos inalalayan niya ako’ng lumabas. Gentleman ang mokong. 

“Can I invite you for a coffee?” ang bilis mo dong! “I’m sorry, but I need to go back to my room now. My friend is sick and I need to take care of him.” “Oh, I see. Then see you around?” I just nod tapos pumunta na ako sa elevator. Ang tagal namang bumukas. Okay, sa wakas after 10 years bumukas na din. Pagpasok ko pinindot ko kaagad yung close button. Malapit ng magsara yung pinto ng biglang sumingit na kamay! “AAAAAAHHHHHHHHHH!” bumukas yung elevator. “Jaimee, it’s me. Ethan.” Pumasok siya sa loob, napalo ko siya. “Wag mo naman ako’ng gugulatin. Nakakainis ka Uncle.” 

“Sorry, sorry.” 

“Saan ka pupunta?” 

“Babalikan ko si Seb, masama kasi pakiramdam niya kanina eh.” Pagbukas nung elevator 

biglang pinindot ulit ni Uncle Ethan yung close. “Oh bakit mo clinlose?” “Wag mo na balikan si Sebastian. May nurse na dun, pati nilalagnat siya, baka mahawa ka.” 

“Ows?” “Oo nga, tara dun sa music lodge nandun si Amber my loves.” “Amber my loves na ngayun ah? Samantalang dati... Aherm.” “Oo na. Quiet ka lang, baka magkaroon ng hint yung readers ni Ms. Author.” Nagtawanan na lang kami. Dumiretso na kami sa music lodge naabutan namin si Ate Amber nag-aayos ng mga musical instrument. “Amber, nandito si Jai oh.” Napatingin sa amin si Ate Amber. “Jai!! I miss you, ang tagal na nating hindi nagkita ah?” “Oo nga eh, tumutugtog ka pa din?” ayun, nag kwentuhan na kami ng nag kwentuhan. Nagkantahan din kami, hindi ko na namalayan yung oras. “Jai, 5:30 na, may dinner ka ng six hindi ba?” Oo nga pala. Tumayo na ako tapos nag paalam. “Sa rooftop ka pumunta ha?” 

“Bakit?” 

“Basta.” napailing nalang ako tapos dumiretso kaagad ako sa rooftop. Ano kaya meron dito? Bakit dito ang dinner? Binuksan ko na yung pinto ng rooftop. “Wow.” Ang ganda nung place, kita yung ilaw sa lighthouse, tapos ang romantic ng place. May nakalagay ng table sa gitna, tapos may dalawang upuan sa gilid, may candle din sa gitna na nagsisilbing ilaw, tapos may nakapalibot na mga roses sa gilid, yung flooring may mga rose petals na nakakalat, at may lalaking nakatayo sa gitna. “Seb?” “Surprise?” natawa ako, tama ba namang patanong sabihin yung ‘surprise’? “Bakit ka tumatawa? Hindi mo ba nagustuhan?” “Ikaw kasi, dapat exclamation point hindi question mark.” “Ha? “Wala, ang ganda kako dito. Ikaw nag prepare?” he nods. “Ang ganda talaga, super romantic nitong place. Kaya lang parang hindi naman bagay yung suot natin dito? Ako na kashorts at tee at ikaw naman nakajeans at tee.” “Ayos lang yan. Importante nandito ka na.” Napangiti ako, iniabot niya sa akin yung kamay niya. Syempre inabot ko din, tapos inalalayan niya ako’ng makaupo. “Niluto ko yung mga paborito mo.” Nilagay niya yung carbonara, garlic bread, at yung isa cheese bread dumplings. Hindi niyo alam yun no? Syempre gawa gawa lang yun ni Ms. Author. “Kain na.” Kumain na ako, pati siya. Bigla na lang may tumugtog. May mobile pala dito, hindi ko napansin. Natapos na kaming kumain, nag pakuwento siya nung napanood ko sa show kanina. Ikinuwento ko naman, mabait ako eh. Hindi ko alam pero sa tagal naming mag kausap feeling ko, may malalim na iniisip si Seb. PINDOT “She’s always on my mind... From the time I wake up till I close my eyes...” “Sayaw tayo?” inabot niya yung kamay niya kaya inabot ko tsaka ako nag nod. Nagsayaw kami yung kamay ko nasa balikat niya tapos yung kamay niya nasa bewang ko. Habang tumatagal feeling ko, nakayap na sa akin si Seb. “Tignan mo naman ako, Jai.” Tumingin ako sa kanya. “I...” “Hmm?”

“I love you...” Sabay... 

marriage Contract :">Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon