marriage Contract part 2

1.2K 10 1
                                    

“Is that a threat?”

Hindi daw ako type, pero hahalikan ako. Abnormal talaga ito. Tsk. Nag smirk siya.

Ako naman, nagtaas ng kilay. Ano’ng akala niya? Hindi ako natatakot no! Asa siya. Unti-unti siyang lumalapit sa akin, nakaplaster na ata yung smirk niya sa mukha niya.

“Ayaw mo talaga pumikit?”

 napapaatras ako habang papalapit ng papalapit siya. Natatakot ba ako? Saan? Sa kanya? O sa halik niya?

“Aba, mukhang gusto mo’ng matikman ang halik ko ah.”

“Asa ka!” Ano ba? Pipikit ba ako? Argh! Sige na nga. 1... 2... 3... Pikit.

“Ay sus. Pipikit din pala gusto po tinatakot.”

Kinabit na niya sa akin yung handkerchief. Bigla ako’ng na stiff sa kinatatayuan ko. May dumikit sa labi ko. Did he kiss me?

“Hmm. Ano’ng flavour ng lip gloss mo? Ang tamis ah!” Aba! Ang walang hiya! Hinalikan nga ako!

 “Hoy! Ang kapal ng mukha mo’ng halikan ako! Boyfriend ba kita!?”

First kiss ko yun! Tatanggalin ko dapat yung blind fold ko nung bigla niyang pinigilan yung kamay ko.

“Hoy!”

“Ang ingay mo. Hindi mo nga ako boyfriend. At hindi mo talaga ako magiging boyfriend kasi fiancée mo na po ako. Remember that.

” “Fiancée your face! I have my boyfriend kaya!”

Did I already tell you na may boyfriend na ako? Hindi pa ba? Sorry naman. Yun nga, I have my boyfriend his name is Arryl Jon Vasquez. The most handsome and smartest guy daw sa JCFM University. I know, I’m lucky hindi mo na kailangan sabihin. :”> Kaya lang illegal kami. Bigla ako’ng hinatak ni Seb.

 “Aray ah!”

“Mamaya natin pag uusapan yang boyfriend mo. Wag ka’ng sisilip diyan sa blind fold mo ah?” Edi wag. Tss. Ang dami pa kasi arte nitong lalaki na ito. Pablind fold blind fold pa. Pag ako hindi natuwa sa regalo mo, lagot ka sa akin. Narinig ko’ng may nag unlock na door. Kinabahan ako.

 “Ho-hoy! Ano ba talaga gagawin mo sa akin? Seb.”

“Tanggalin mo yung blind fold mo pag bilang ko ng 3, okay?” tapos naramdaman ko’ng medyo lumayo siya sa akin.

“1... 2... 3!” tinanggal ko na. Napa wow ako sa aking nakita. “Seb, saan mo nakuha tong mga to?”

Yung wall ng buong room, napapalibutan ng mga pictures ko. Simula pag kabata hanggang sa latest age ako. Tapos meron pang maliit na table sa gitna ng room na may cake na may naka sinding candle sa gitna. I’m so touch. :”>

“Yung mga pictures mo nung bata ka pa, remember yung binigay mo sa aking scrapbook? Nirecopy ko lahat nung mga pictures mo dun, tapos yung mga pictures mo naman nung wala na ako, kay Tita, Tito, at Lolo Juanito galing.”

“Pwede bang umiyak? Super na touch ako dito sa birthday gift mo eh.”

Promise, gusto ko’ng maiyak. Full of effort yung gift niya sa akin, samantalang ako, asan? Wala. ;(

“Bawal umiyak! Mag cecelebrate tayo ngayun ng birthday natin kaya bawal umiyak, okay?” Nag nod ako, tapos pinahid ko yung luhang namumuo sa gilid ng mata ko.

“Sorry kung wala ako’ng gift huh? Ikaw naman kasi eh, biglaan ang pag uwi mo.” Natawa siya.

“Ayos lang yun, wag mo masyadong dibdibin. Bumawi ka na lang sa akin sa susunod. Tutal start na naman nung contract, dahil 17 ka na. Everyday tayong may date.”

Bakit parang alam na alam na niya yung contract na iyon?

“Teka, may tanong ako. Bakit parang alam na alam mo na ung laman nung contract na iyon?”

 “Last year pa sinabi sa akin ni Lolo yun eh, nung una wala ako’ng idea and wala ako’ng pakialam dun. Pero kinausap ako ni daddy at pinakita yung contract. Ang nasabi ko lang pagkabasa ko, baliw na yung gumawa nun.” Natatawa niyang sabi. Kahit ako yun ang naisip ko eh.

“Pero wala naman tayo’ng magagawa doon hindi ba? Masyadong malaki ang halaga ng contract na iyon.”

 “I’m sure hindi ko mapaglalabas ng 100,000,000,000 pesos ang parents ko, para hindi matuloy ang kasal natin.”[ I sigh.

“Ayaw mo bang matuloy?”

Eh bakit ikaw gusto mo? May HD ka sa akin no? Hahaha. JK. “I told you, may boyfriend ako. And ayoko sa NERD. Duh.”

“Sino’ng nerd? Ako?”

Hindi ba nerd tingin niya sa sarili niya? “Hindi, yung cake dun sa table.” Sabay turo sa cake.

“Ikaw, Jai. Alam ko namang crush na crush mo ako eh.” nilabas niya yung phone niya. “Listen.” “The grandson of Lolo Filipe? How can I forget that cute boy Lolo? Of course I remember him.”

 Eh? Bakit may record siya nun sa phone niya? “Shock? Lolo Juanito send it to me earlier. Yung tone nung boses mo, obvious na obvious na crush mo ako.” Tapos nag smirk siya. Ang kapal talaga ng mukha. Jusme.

“Hindi mo ba naintindihan? Cute boy ang sinabi ko doon? Ibig sabihin, yung batang version mo ang crush ko.”

Di ba tama naman ako? “Ako din naman yun, Jai. Wag ka ng gumawa ng palusot.” Ang yabang talaga. Ano ba naman yan?

“Seb, kainin na lang natin yung cake? Baka gutom lang yan, tara na.” tapos umupo na kami sa mag kabilang gilid ng table.

“Ano’ng flavour nito?” Pag ito hindi mocha, itatapon ko to sa mukha mo. “Your favourite, mocha with chocolate coating and vanilla icing.” Nice natatandaan niya pa.

“Mainam.”

Kinuha ko na yung tinidor na nasa gilid nung cake, may knife at plate din na nandun pero parang trip kong sa mismong cake na lang bumawas, kaya dun ako kumuha.

“Hmm. Sarap, the best talaga ang mocha!” tinignan ko si Seb, pinapanood niya lang ako.

 “Hindi ka kakain?

Kala ko ba mag cecelebrate tayo?”

“Mukhang sa iyo ubos na kaagad yan eh.” “Hindi naman ako ganun katakaw.”

Kumuha ulit ako ng cake, tapos tinapat ko sa bibig niya.

“Say ‘Ah’”

Hindi niya binubuksan yung bibig niya.

“Ayaw mo talaga?” tapos nag puppy eyes ako.

 “Fine. Ah.”

Here’s the airplane. “

Hmm. Sarap.”

 “Gara mo! Bakit sa iyo mo sinubo?” Bleh.

“Ang tagal mo kasing isubo eh, nasasayang.”

“Ewan ko sa iyo!” tapos umiwas siya ng tingin. Napakamatampuhin naman.

“Jai...”

“Hmm?” subo ng cake. “Ano yun?”

“Sino yung boyfriend mo?” Interesado? “Si Arryl Jon Vaz. Bakit?” “Schoolmate natin?”

 Natin? Bakit sa JCFMU na ba siya mag-aaral? “Natin? JCFMU ka na mag aaral?” Nag nod siya.“Oo, sa JCFMU din siya nag aaral, second year na siya. Ano’ng course kinuha mo? Baka maging mag kaklase kayo. Mabait yun, gwapo pa.”

“First year, BS Tourism Management 1-A ako. Kaya tayo ang mag kaklase, hindi kami.”

My jaw drop, syempre nakakagulat, akala ko second year na siya? Ay, oo nga pala. 18 years old ka na pala pag nakagraduate ka ng high school sa ibang bansa.

“Sa tingin ko kailangan mo ng makipagbreak sa kanya. Para rin yun sa ikabubuti niya.”

“NO WAY

!!!!”

marriage Contract :">Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon