Basahin nyo! Especially sa mga frustrated lovers. :D
Twenty Questions: The Palanca Award-Winning Play by Juan Ekis
*********************************************************************************
Mga Tauhan:
JIGS – Fresh graduate, kabarkada ni Yumi. Magtatrabaho bilang researcher sa isang financial firm.
YUMI: – Commercial Model, kabarkada ni Jigs. 2 years ahead kay Jigs.
Ang Tagpuan:
Gabi. Sa isang kwarto ng isang beach resort.
Naglalatag ng kumot si Jigs sa sahig habang inaayos ni Yumi ang kanyang higaan.
*********************************************************************************
YUMI: Sige na, Jigs. Huwag ka nang magpaka-gentle man. Naaawa ako sa’yo e. Tabi na tayo sa kama.
JIGS: Hindi, okay lang ako dito.
YUMI: Huwag ka nang maarte. As if naman re-rapin kita no. Malaki naman itong kama e. Hatiin na lang natin sa gitna.
JIGS: Sure ka?
YUMI: Hindi mo naman siguro ako mamanyakin no?
JIGS: (Matatawa) Okay ka lang?
YUMI: Kung gusto mo, gamitin na lang natin iyang kumot na divider.
JIGS: Good idea.
Isasampay nila ang kumot mula sa kisame para mahati ang kama sa gitna. Magsesettle down ang dalawa. Ilalabas ni Jigs ang libro niya: “Puppy Love and other Stories” ni F. Sionil Jose. Si Yumi naman ay magpapatugtog ng Japanese Zen Music habang nagsa-zazen.
YUMI: Do you mind?
JIGS: No, go ahead. I’m just reading.
Magsa-zazen si Yumi. Magbabasa si Jigs. Pareho silang di maka-concentrate. Papatayin ni Yumi ang CD player niya.
YUMI: I can’t believe our friends.
JIGS: Oo nga e.
YUMI: Dapat ginagawa nila ito sa mga bagong pasok sa barkada o kaya sa bagong. Ay oo nga pala, bagong graduate ka. Congrats!
JIGS: Thanks.
YUMI:So what are your plans?
JIGS: Kinukuha akong researcher sa ADB. Kinukuha rin ako ng BPI sa OTP nila.
YUMI: Wow naman! In-demand.
JIGS: ‘Di naman masyado. Who the hell invented this tradition anyway?
YUMI: (Matatawa) You won’t believe it.
JIGS: Ikaw?
YUMI: Malay ko ba na mabibiktima rin ako nito balang-araw.
JIGS: So why did you start it?
YUMI: Wala ka pa sa tropa nun eh! Freshman ka pa lang siguro noon. Wala lang. Napagtripan lang namin si Ronald. Eh, may crush siya kay Meg. Noong unang beses magpunta rito ng barkada, sabi ko, magsimula kami ng tradition. Ilo-lottery namin ang pangalan ng mga lalaki at ng mga babae. Kung sino ang mabubunot, silang dalawa ang pagsasamahin sa isang kwarto sa loob ng tatlong araw. And then, we’ll all see what happens. Pero dinaya namin noon yung kay Ronald at Meg. Puro Ronald at Meg ang mga pangalan na nakalagay sa lottery.
JIGS: (Tatawa) Ang sama ninyo!
YUMI: Kaya nga nakarma na ako eh.
JIGS: So, is our case, dinaya? O talagang lottery?