THE BITCH QUEENS (+The Golden Rules and Requirements)

196 9 5
                                    

The Bitch Queens

Grupo ng mga kababaihang hindi mo gugustuhing makaharap o makasalamuha. Bakit? Kasi kung di ka nila magugustuhan, otomatiko ikaw na ang next target nila. Pambu-bully, pamamahiya, ilan lamang iyan sa mga regular na ginagawa ng grupong ito. Kumbaga naging routine na nila iyon simula noong mabuo sila.

Ang lider nila ay si Giselle Soriano, na mas kilala sa tawag na "Miss Gee". Matalino, maganda, SSC President. Complete package na sana, kaso mas masahol pa sa hayop ang ugali niya. Mabait naman siya dati, pero ganun talaga, nakisabay siya sa tagline ni Pres. Du30 na "Change is coming", e.

Kidding aside, meron siyang dalawang besties. Sina Bambi at Alexia. Mababait sila, pero dahil bitch si Gee ay bitch din sila. Gusto rin naman nila yung ginagawa nila, pero may soft side din naman sila, di tulad ni Gee na matigas talaga ang kalooban.

Gusto niyo pa bang makilala ang ibang members? Osige na nga, para mabigyan naman sila kahit papano ng exposure.

Jessa Marie Almalbis. Siya yung unang-una na nadagdag sa grupo. Kung bakit? Kasi nasaksihan ni Gee ang ginawa niyang pagsampal at pagsagot-sagot sa isang prof. Can you imagine that? Nagalit siya kasi ginising siya ng prof niya kaya ayun, pinahiya niya sa mga kaklase niya. Sample? Eto.

"Ano'ng karapatan mo para gisingin ako sa pagkakatulog ko? Professor lang kita. Binabayaran ka namin *turo sa mga kaklase niya* para magdaldal diyan sa harapan, at para may maipakain ka sa pamilya mo. Kaya bakit ka ba nangingialam kung natutulog ako? Nananahimik na nga ako e, hindi ako nakakaabala sa pagkukuda mo. Kung ayaw mong may natutulog sa klase mo, pwes wag ka rito sa klase namin."

"Aba't! Ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo?" Sasampalin na sana siya ng prof niya pero nahawakan niya ang braso nito't inunahan ng sampal. Take note, kaliwa't kanan pa.

"Ano, magre-resign ka ba o gusto mong isumbong kita sa parents ko para sila na mismo ang gumawa ng paraan para di ka na makahanap ng ibang mapapasukan? Alis!" And just like that, wala nang prof sila Gee sa TLE. Oo, kaklase nila Gee sa subject na iyon si Jessa Marie.

Rachelle, Jea Mae, Hazel. Sisteret ang tatlong ito, may grupo na rin sila. Pero nu'ng nakita nila na may umusbong na grupo ng mga kababaihan sa eskwelahan nila, naisipan nilang sumali. Ending? Nakapasok sila (malamang, kaya nga sila kasali sa cast e), pero isang buwang pagpapahirap at pang-aalila ang ginawa sa kanila. Wag niyo nang alamin, di niyo rin magugustuhan.

Kristine Anne Gutierrez. Transferee lamang siya noong mapasali siya sa grupong ito. Kung bakit siya napili? Sinuntok niya sa mukha yung principal. Sinita kasi siya sa pag-violate ng dress code nila (mga transferee). Nagsuot kasi siya ng short shorts at crop top, e nagkataong matandang dalaga yung principal nila kaya siya nasita. Well, hindi naman siya nasindak. Kawawang principal, umuwing duguan, este, luhaan.

Eunice Lu & Anthonete Kintao. Aksidenteng napasali itong dalawang 'to. Mga nerd sila dati na nagsanib-pwersa kasi binully sila ng mga high-class kuno na mga kaklase nila (kaklase ni Eunice sa Math at kaklase naman ni Anthonete sa Chem). Bigla silang parang sinindihang paputok nu'ng naisip nilang dalawa sila't kaya nilang talunin ang tatlong maaarteng babae na iyon. Ginulpi nila ang mga iyon, nakatali pa sa upuan, mga sabog ang labi at parang mga panda ang mga mata. Pagkatapos noon ay di na sila inapi, dahil miyembro na sila ng grupo.

Roshell Mae Chavez. Ang lakas ng loob niyang mag-audition ng mag-isa. Oo, mag-isa lamang siya. At dahil super good mood ang bida niyo nu'ng mga panahong iyon, hindi na umabot ng isang araw, isang linggo lalo nang isang buwan ang pagpapahirap sa kanya. Ang pinagawa niya lang naman dito? Pinadilaan yung paa niya. Oo, tama kayo ng basa. At sa harapan pa mismo ng maraming tao, sa quadrangle ng school nila. Isn't that really cool, este, rude?

Marizon & Charlene Claire. Nag-away itong dalawang ito sa loob ng classroom, sa harapan ng prof nila kasi pinagbintangan ni Charlene na magnanakaw ng ballpen itong si Marizon. Pilit silang inawat ng prof, pilit pinaghiwalay. Nabadtrip yung dalawa kaya sa huli e yung prof na nila yung napag-initan. Ayun, nagpapalit ng iba yung prof nila, kaso walang mahanap na iba kasi natakot sa dalawa, kaya buong semester wala silang professor. Grades nila? 1.0. Bakit? Siyempre, backup na nila ang TBQ e.

Mary Ann Corona. Pinakahuli (sa ngayon) na napasali. Paano? Nainis sa partner niyang babae sa cooking class nila kaya tinapat yung buhok ni ate girl sa kalan. Muntik nang makalbo si ate kung di pa naawat itong si Mary Ann. Napasok siya nang walang kahirap-hirap sa grupo, habang yung ateng sinunog niya e nagtransfer agad sa takot.

Kung bakit hindi sila nasususpend o nae-expell? Sila Bambi ang may-ari ng university na iyon. Kaya walang makakakontra sa mga pinaggagawa nila.

RULE/S:

1. NEVER EVER BETRAY ANY OF YOUR SISTER AS LONG AS YOU'RE PART OF THE GROUP.

2. ALWAYS KEEP RULE #1 IN YOUR MIND.

Requirement/s:

Be a bitch. Never let your weakness be someone else's happiness.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When the Dog Meets the Cat (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon