Crush mo rin siya!?

118 7 5
                                    

~

Ang dami talagang things na ‘unexpected’, tulad ng maging ka-club ko yung ultimate crush ko ngayon. Crush ko na talaga noong first year pa lang. Room kasi nila yung room namin every club noon yun. Dati tinatanaw ko lang siya pero ngayon nakakasama ko na every Wednesday. Kahit one hour lang iyon, wala na akong pake! Basta makasama lang siya at makita, masaya na ako! Hindi ko nga alam kung bakit naging crush ko siya. Sabi nila hindi naman daw siya yung tipong kagwapuhan pero saakin gwapo naman siya eh, at maputi siya.  May issue pa ngang sinasabi na weirdo daw yun eh? Pero may mga kaibigan naman siya. At oo nga pala may suot lagi siyang salamin. O hindi ba  kung makikita niyo sa description, simpleng tao lang siya. Ewan ko ba, sisihin niyo siya kung bakit ko siya naging crush. Pagkatapos lang niya dumaan sa harap ko noong first year pa  lang ako eh napatigil niya yung heartbeat ko, tapos bigla na lang may nanguryente saakin at dahil dun, codename ko na sa kanya ‘SPARK’.

“Nayumi! Ayan na uli si Spark oh!!!” bulong saakin ni Faye. Isa rin sa mga kaibigan ko si Faye at siya lang yung kasa ko sa club na Young Chemist. Yung iba kasi natakot/nahiya sumali dito kaya hiwa-hiwalay kami.

“Oo nga eh…” yun na lang sinabi ko pero sa totoo lang pinagpapawisan na ako dito, kahit na may aircon.

Napatingin ako sa kanya pero hindi halata tapos maya-maya tingin uli, iwas, tingin. Hanggang sa nag groupings na kami… Eto na talaga eh BOOM NA BOOM, kung sineswerte ka nga naman oh, Nasa ibang grupo siya!

Natapos na ang club at lahat kanya-kanyang balik na sa classroom. Eto ako kinikilig pa din ng sobra-sobra kasi nakita ko siya!!!! Kinwento ko kayna Alice at Wendie yung mga pangyayari. Mga kaibigan ko din sila na masyadong ‘KILIGMUCH’ lalo na si Wendie.

Nakalipas ang mga araw na masasaya at mga paghihirap. Mahirap… Kasi focus sa pag-aaral at tests, hanggang sa pwede huminga ng maluwag dahil mag fa-family fun day na daw. Pag tuwing ganyan, may mga sasayaw for presentation at yung iba tungangey na lang sa panonood ng rehearsal nila. Buti hindi ako dancer, hindi ako magaling sumayaw eh. Matigas katawan ko kaya tunganga na lang ako kasama mga kaibigan ko. Palagi kong kasama si kamylle, best friend ko kasi yan eh at palagi kami umuwi since isang jeep sinasakyan namin. Wednesday pala ngayon, wala daw club at practice na lang daw para sa FFD. Ang mga 3rd year at 4th year for sure nanonood lang sila ng movie or gumagala na lang sa school. First year at Second year lang naman daw ang may FFD, kasi pag 3RD 4th year ka , PROM na ang magaganap.

“Tingan mo yun oh., ang strict nung choreo nila.” Bulong ni Kamylle.

Nakakatakot nga eh, buong classroom tumahimik dahil dun sa choreographer. Kahit kaming mga nanonood nadadamay dahil meroong maiingay or madaldal sa amin.

“FOCUS!!” sabi nung choreo. Creepy talaga eh.

Tapos sumayaw na yung nasa scene 1-2. Habang hindi pa moment nung iba, kung anu-ano muna ginagawa nila. Habang nagdadaldalan kami ni Kamylle, bigla na lang lumapit si Chelsea, siya yung isa sa kaibigan ko noong first year pero ngayon  parang hindi na masyado kasi nag-iba na siya at na bad influence na nang iba.

“Share naman kayo dyan” sabi niya sa amin

“Ah sige, ano bang pwedeng makwento?” Ikaw na lang muna mag share.” Sabi ko sa kanya.

“Oo nga.”dagdag ni Kamylle.

Medyo nag-isip muna siya ng ikwe-kwento niya.

“Ah sige. Ito kasi yung. Dun kasi sa may hagdan natin paibaba may nabangga ako noon. Matangkad siya, parang 4th year yata yung tapos naka salamin siya. “ Habang sinabi nyia yun napaisip tuloy ako.

“tapos ano…” napatagil siya kasi tinawag na siya at scene na daw nila sa sayaw.

“Chelsea! Tara na huy!” “Wait lang. Mamaya ko na itutuloy” bigla siyang tumakbo doon.

Crush mo rin siya!? (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon