“Pagsisisihan mo ang ginawang pag-iwan sa akin, Ryan. Matitikman mo at ng babaeng ipinalit mo sa akin ang lupit ng aking paghihiganti!”
Luhaan ang kanyang mga mata habang inaayos ang pagkakabuhol ng lubid sa malaking puno ng mangga na malapit sa isang ilog na siyang mga piping saksi sa kanyang pagdadalamhati. Pakiramdam niya ay wala ng makakahigit pa sa sakit at pait na naidulot ng pagkasawi sa pag-ibig ng lalaking siyang tanging iniibig. Pagkatapos tiyaking pulido na ang pagkakabuhol ng naturang bagay na iyon ay pumatong siya sa isang upuan upang isuot sa kanyang leeg ang lubid saka sinipa iyon palayo. Ilang sandali ay nangingisay na ang dalaga dahil unti-unti ng sumisikip ang pagkakabuhol ng lubid sa kanyang leeg na siyang sanhi upang tumakas ang kanyang hininga hanggang sa makitil ang sarili niyang buhay. . .
![](https://img.wattpad.com/cover/9574398-288-k432592.jpg)