Is this a love story? PART TWO

4 0 0
                                        

That very moment when I woke dali-dali na kong naligo at nagprepare.

Enrollment na kasi eh.

* Dials SBFF*

Innah: SBFF! Samahan mo ko ha? Asan ka na?

Jett: Oo, on the way na ko.

Innah: Yes! Thankyou! See you sa gate!

---

Sa gate ng DLSU

" SBFF, ang tagal mo kanina pa kaya ako nandito!" - Innah

"Sorry Innah medyo natraffic kasi ako eh." - Jett

"Okay sige tara na nga ang haba na ng pila dun, tagal mo kasi. Tss."

"Sige pumila ka na bibili nalang muna ako ng pwede natin kaini habang nakapila tayo."

"Sige aakyat na ko, bilisan mo."

JETT'S POV

Kung 'di ko lang mahal 'tong bff ko eh. Hinding hindi ko talaga siya matiis.

Mahal as friends lang ha. As friends lang talaga, hay. Oo friends lang. Promise.

Hay nako, makabili na nga lang na pagkain. Ang haba naman ng pila.

"Miss, dalawang fruit soda nga yung calamansi po ha, tska tatlong chips. Burger din. Thank you."

Nagagandahan ako sa best friend ko, to be honest tinry kong ligawan siya. Pero may boyfriend kasi siya nun eh. Three years naging sila, they're in a long distance relationship that whole time and never sila nagkita. Worse lagi pa siyang pinapaiyak nun, walang ka-effort effort. Kawawa naman SBFF ko. Buti nalang hiniwalayan na niya yung mokong na yun. And now, ayan na may new found love na siya. Pero ayaw naman niya ipakilala sakin, baka daw majinx ko. Tss.

"Innah! Kumain ka muna oh."

"Thanks Jett, later nalang. Kakatoothbrush ko lang kasi eh. Maya maya na."

"Weh? Nagtoothbrush ka na ng lagay na yan?"

"Hay depende sa paniniwala mo. Teka kamusta naman bakasyon mo sa inyo?"

"Okay naman, may inayos sa bahay namin dun. Oo nga pala before I forget may pasalubong ako sayo."

"Sabi ko na eh! Amina dali."

INNAH'S POV

Naalala ko yung time na nagkaaway kami ni Jett dahil sa Ex ko. Pinipilit niya kasi akong hiwalayan yun. Nagmatigas pa ko, buti nalang at nauntog na ko and I found the strength to let that a-hole go.

Hinding hindi na mauulit pa yun. Napakaimportante ng SBFF ko sakin eh. Kambal ko na 'to kumbaga. Bitbit ko siya saan ko man planuhin pumunta. :)

Nakapunta narin kami sa maraming lugar, bars, beaches, ice cream house, museums. Name it. Baka napuntahan na namin yun. Napaka galante niya din. All the expenses pag umaalis kami sagot niya. Sabi niya it is his own little way of being a gentleman. Pffft. Babaero naman deep inside.

Ano kayang pasalubong sakin ni SBFF?

"CHERREEENN. Ube! " - Jett

"Wow sarap. Teka amina baka matakam ka pa makain mo." - Innah

" Ang takaw mo din talaga noh?"

"Whatever, ako na susunod. Antayin mo lang ako diyan okay? :)"

*compose text*

TO: BABY-BABE

Babe, school na ko. Kasama ko si Jett. Magbabayad na ko. Ingat ka :)

JAX'S POV

* 1 message from BABY-BABE*

Hay kasama nanaman niya yung bestfriend niya.

Kung magkalapit lang sana kami. Ako nalang sasama sakanya.

Ilang months ko narin siya nililigawan, 'di ako nagsasawa kasi I'm enjoying the times that I could get to know her better. Simple lang kasi siya, ang presentable. Masarap kasama and open siya sa lahat. And ang pinaka nagustuhan ko sakanya is yung pagiging totoo niya.

Ngayon magdodorm na ko. Hopefully makakuha na ko ng studio type na apartment. Para pwede ko siya papuntahin. Alam ko kasing gusto narin niya mag live-in. Isa kasi yun sa wishes niya.

Gustuhin ko man pumunta sakanila 'di ko magawa. Bukod sa naduduwag ako, nahihiya din ako sakanya. I knew her for 5 years now, at nahihiya ako na ni minsan eh 'di ko siya mayaya makipagdate. Simple lang. Money. Syempre gusto ko pag inilabas ko siya manonood kami ng sine, mamamasyal, kakain sa labas at iba pa. Minsan nalang yun eh, dapat lubusin ko na.

Yes, tama po kayo. Long distance kami ni Innah. And isa sa mga reason kaya ayaw niya pa siguro ako sagutin is malayo kami and never pa kami nagkita. Nadala na kasi siya sa Ex niya, niloko lang siya.

*replies*

TO: BABY-BABE

Okay. Ingat ka. Text ka after

*sighs*

---------

Ang complicated nila noh? Si Jett type si Innah. Si Jax naman 'di magawang makasama si Innah. Pano? :)

Is this a love story?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon