Everdearest D, (as in diary, ang arte no? wa pakels!)
Three months na pala ako sa susunod na araw, parang ang haba haba haba na ng lumipas na panahon. Lipas na ang araw na parang naiwang bata sa kalye at nawawala...
SCENE:
Nasa airport na ako ng lugar na pinagdalhan sa akin...
Security Guard: "wala ka pa ring sundo?"
Ako: "wala pa eh." (medyo worried na)
Napa-upo na lang sa waiting area, naka-Indian sit, nakapalumbaba, nakatingin sa labas at naghihintay. After two hours...
S.G.: "wala pa rin? may number ka ba ng drayber nyo?"
Ako: " ah...wala? *napapaisip. nakikipagtalo sa sarili. "unang beses ko pa lang kaya ito. Ayan, hindi ko kasi nakuha yung number ng taong assigned dito at hindi rin ako nakabili ng sim card nila. Rawr!" Nabatukan ko na lang ang aking sarili sa pagiging stupid.
Mabuti na lang at kinausap ako ng isang taong nagtatrabaho doon, isa pa la siyang maintenance. Teka, ako ata ang nakipag-usap, nakapagkamalan yata ako ni kuya na ibang lahi kaya ini-snob ang kagandahan ko. Rawr! Pagkatapos kong ipakita ang dala kong folder at sabihing bagong salta sa lugar, agad naman niyang naintindihan at umalis para ipakita sa kasama.
Kuya: "Natawagan na pala niya 'yung drayber. Dalawang beses pa nga. Hintay-hintayin mo na lang, darating din 'yun."
Ako: "ah.wow! sige, wala naman akong magagawa kundi ang maghintay."
May isa pang noypi ang nahagip ng aking tingin. Simple lang ang get-up, pero 'nung sinabi ni kuya na parang bosing na ang papel nito sa airport, wala na akong nasabi kung hindi "wow". Kinumusta din ako ni Bosing, napagkamalan niya rin akong ibang lahi, sige ako na ang 'multi-national'. Noong malaman din niyang stranded yata ako at ngayon ay naghihintay sa linsyak na drayber for 6 hours, naging accomodating naman siya, nai-offer niyang ang waiting area for female kung sakaling gusto kong matulog, gigisingin na lang daw nila ako in case nandiyan na ang aking sundo. Ako naman itong maraming hiya sa katawan, nagpasalamat at nagdecline. At dahil nga accomodating, niyaya niya rin akong kumain. Nga pala, inabot na ako ng tanghali sa kasamaang palad. This time, hindi na ako humindi, medyo nagrereklamo na kasi ang mga alaga ko sa tiyan, kawawa naman. Napakwento pa si kuya ng tungkol sa trabaho niya bago dumating ang aking butihing sundo..yup! sarcastic ako. In fairness, maabilidad si kuya, daming raket, kumikitang kabuhayan talaga pag maraming sipag at tiyaga sa katawan, Kuya! Mabuhay ka.
***may ibang manggagawa na may 2 o 3 trabaho,pero hindi katulad ng dati, mas maliit na lang ang pasahod nila. Pandagdag sa kanilang karaniwang sahod ang pangalawa or kung may pangatlong trabaho pa. Kung may pag-nanais na maka-ipon, talagang makaka-ipon.
Lipas na ang panahong naninibago sa kulturang nais ipayakap sa kulturang kinagisnan...
May mga bagong kakilalang gumabay naman sa akin sa kwartong pansamantalang nagpasilong sa amin. Isang araw, niyaya nila akong sumamang lumabas. Ako na walang kaide-ideya eh bigla na lang umoo.
CAMILA: "Tara! Pupunta kami sa palengke nila, sama ka!"
Ako: "Sige!" (sabay tango) Ganado. Sa wakas makakalabas din ng bakuran.
Love: "teka", bawi nito. "Kumpleto ba ang uniform mo? Meron kang sakir, abaya at tarha?"
Ako: "Abaya at tarha lang. Ano 'yung sakir?"
Love: "Pantakip sa mukha."
Ako: "ah. Pasensiya. 'di ko alam na kailangan nun. Astig! parang ninja!"
Love: "Masyado kasing strict ang mga baranggay tanod nila rito a.k.a MUTAWA."
Ako:"okay. Next time na lang ako sasama, magpapabili na lang muna ako, please?"
***by the way, ang mga babae sa Saudi ay may takip, as in whole body! At dapat walang ibang kulay kung hindi kulay itim. yup! ninja!
Lipas na ang pagpipigil sa sariling makamusta ang mga mahal sa buhay....
although constant caller ko ang aking ama na nasa kabilang ibayo lang ng bansang tinatapakan ko ngayon, siya lang ang tanging reporter ng aking ina.
FLASHBACK
Ako: "hi ma! Sorry at ngayon ko lang naisipang tumawag. Kamusta?
Mama: "Ayos naman kami dito. ikaw? ang hika mo?"
Ako: "Minabuti ko munang tapusin ang lahat-lahat bago makibalita. meron na pala akong resident ID! naipasa ko na din 'yung BLS nila." hindi ko maitago ang bakas ang pinaghalong tuwa at lungkot habang binabalita ko sa kanya ang mga nagawa ko ng mag-isa at malayo sa pamilya. Ito na ata ang sinasabi nilang Independent. ata.
***BLS - Basic Life Support
Mama: "Sabi na at makakapasa ka..."
Tama, si mama ang number one kong uplifter, supporter. Di ko maitatangging number one Fanatic naming magkakapatid. Kaya naman noong unang beses silang tumawag sa akin, take note.. sila pa talaga ang tumawag sa akin, hindi ko maitago ang pag-iyak habang kausap sila. Ayaw ko namang mag-alala sila ng bongga kaya ang naisagot ko sa tanong nilang UNLIMITED na "nahihirapan ka ba diyan?" ay ang gasgas nang "hindi na.. nakapag-adjust na rin kahit papaano. Pero sobrang namimiss ko kayo" Naipangako ko tuloy sa sarili kong tatawagan ko sila once everything is settled. Dumating naman ang araw na iyon, NGAYON.
Ma: "kamusta? sinusumpong ka pa diyan?"
oo, ako na ang may bitbit na asthma papunta rito.
Ako: "thank God at hindi na umeeksena. Pero malamig na dito, umpisa na ng Winter.
at oo, meron silang WInter dito. 'yun nga lang, walang yelo. sadness.
YOU ARE READING
BuDay's Adventure sa Yellow Pasture
Aventuraang life story ni Juana na iniwan ang pamilya para i-fulfill ang pagiging bread winner despite the fact that she's single at ang pumunta sa lugar na iyon means having a little chance of not getting married. Hay... Adventure nga naman.