Lagi akong nandyan para sakanya,
Lagi akong nandyan para samahan siya,
Lagi akong nandyan para tulungan siya,
Lagi akong nandyan sa tabi niya
Pero ngayon ko lang nalaman na
Nahulog na pala ako sakanya.
Hindi mo naman ako masisisi dahil sa mahabang pagsasama namin, sa pagiging sweet at caring niya, doon ako nahulog sakanya.
Hindi ko nga akalain na mangyayari yun eh. Ako at ako pa nga ang nagsabi na "Bregs, walang maffall ha?"
Pero ayun, ako ang nafall sakanya
Tinatago ko lang ang nararamdaman ko para sakanya dahil ayokong mawala ang pagkakaibigan namin, ayokong iwasan niya ko, ayokong layuan na ko kaya mas mabuti pa 'to.
Kahit may gusto siya, ayos lang.
Kahit may mahal siyang iba?
Okay lang..
Kahit nasasaktan ako, wala akong karapatan
Kasi ako 'to eh.
Ako?
Ako..
'YUNG BESTFRIEND..
--
Hi guys! First NashLene story ko 'to kaya please bear with me :)
Sana nga may magbasa eh hahaha
Sigeeee~
-
Written by BelleBasaur
All Rights Reserved 2013