dedicated 'to sa bestfriend ko kasi iloveher hahahaha
enjooooy~
-
"Huy Bregs!"
*boink*
Napahawak ako sa ulo ko at lumingon sa bestfriend ko
Eh ang loko binato ako ng basketball sa ulo.
"HOY AEIGN ZACKREY NASH AGUAS MASAKIT YUN AH! ETONG SA'YO!"
at full force kong binato kay Nash yung bola
"Aray ah!"
"Anong aray aray? sa braso lang tumama yung bola ah? Sakin sa ulo! Baka mawala ang talino ko nito. Nako! Ikaw talaga ang sisisihin ko Zackrey!"
"Hindi ko naman sinasadyang ma-"
"ANO BA! Umagang umaga ang ingay ingay niyo! Uso mahiya, nasa hallway kayo!" sigaw samin ni Mika
"Oh, easy Miks, wag kang highblood." Ako yan. Masyado naman kasi eh, hindi porke siya ang pinakamatured eh magiging highblood na siya samin diba?
"Ang ingay niyo eh" sabay tawa ni Mika
"Hala? Baliw?" bulong ni Nash
"Hoy Aguas narinig ko yun ha!"
"Araw-araw na lang ba, bangayan lagi ang maaabutan ko?" si Jairus
"Hoy, wag kang feeling matured. Sipain kita dyan eh" at sinipa ko nga talaga siya
"Broooo~" tawag ni Jai kay Nash.
"Oy Bro!" sabay brofist nila
"Bro, 'Yung Bestfriend mo, sinipa ako." tas nagpout pa ang loko
"Oh? ano naman?" sabi ni Nash
"Walang hiya ka" binatukan ni Jai si Nash
"Ooops, tama na yan." si Alexa, Lexie tawag ko sakanya hahaha
"Tingnan na natin yung sections natin." Mika at biglang walkout
napabuntong hininga si Jai "Siya talaga ang REYNA NG WALKOUT." kinuha niya na yung bag niya at biglang binato kay Nash
"Bro, mahal kita. Ikaw na magdala ng bag ko" sabay takbo ni Jairus
haaay loko loko talaga.
"Tara na" sabi ni Lexie at nauna na siyang maglakad
"Bregs naman tulungan mo ko dito sa bag ni Jairus! Ang bigat bigat oh!"
"ASA. Bye Bregs!" at tumakbo na ko papunta sa bulletin board
Napatigil ako.. Parang pamilyar yung babae tsaka yung lalaking yun ah?
Hindi kaya?
"ATE KAAAAAAAAAATH!!!"
napalingon naman si Ate Kath
"Sharlene!" sabay takbo papunta sakin
muntik na kong matumba kasi bigla siyang yumakap sakin
"Ate Kathy!!"
(A/N: tenterententententen! KathNiel is here! Hahahaha gagawa po ata akong story ng KathNiel na konektado dito :">)