"Nasaan si Cole?" tanong ni Richard dahil tatlong minuto na lang ay late na ang dalagang pulis.
"Aba, Boss chief, namiss mo agad?"
Tiningnan niya ng masama ang kaibigan kaya nanahimik na lamang ito. Akma na siyang babalik sa opisina nang makita niyang kampanteng naglalakad papasok ang taong kaniyang hinihintay.
"Not worried for being late ha?"
"Hmm? I still have five minutes." ani Sam at ipinakita pa ang oras sa kaniyang wristwatch.
"Five minutes? Cole, you are one minute late." Ang binata naman ang nagpakita ng oras. "Give me 60 push-ups!"
"Sixty? Make it hundred, para hindi nakakabitin."
Dadapa na sana ang dalaga upang gawin ang push-up na ipinapagawa ng binata nang may maisip. Napangisi siya at walang sabi-sabing pinatid nito sa mga paa si Richard na hindi nakahuma at nabuwal. Kasabay ng pagtumba ay mabilis na itinulak ng dalaga ang balikat nito upang ilapat ang likod sa sahig at itinukod ang mga kamay sa magkabilang bahagi ng ulo at ang mga paa ay nasa pagitan ng mga paa ng binata.
"Wooaahh!!!" gulat na bulalas ng mga naroon.
"Anong ginagawa mo?" singhal ng binata.
"Magpupush up, diba 'yon ang utos mo?" Nakangising sagot ni Sam. Inumpisahan niya ang pagpupush-up habang nasa ilalim ang binata.
"Stop and get up!" asik nito. Nanggagalaiti sa galit si Richard lalo na nang makitang nakatunghay sa kanila ang mga kasamahan at nag-umpisang kalampagin ng mga preso ang rehas.
"Nah ah, hindi pa tapos, 40 pa lang ang nagagawa ko. Sinusunod ko lang naman ang utos mo."
"Shit!" muli nitong singhal. Hindi nito magawang kumilos, dahil oras na gumalaw siya lalapat ang katawan ng dalaga sa kaniya at iyon ang ayaw niyang mangyari.
"Make it fast!" umuusok ang ilong na anas ni Richard sa dalaga.
"Ooh! Why? Lalabasan ka na ba?" Binigyan niya ito ng pilyang ngiti habang taas baba ang katawan.
"Sam..."
"Okay, I'm gonna make it faster, baby." She said in a bedroom voice and push up her body as fast as she can.
Untill the last count, Sam stopped from moving right in front of his face, an inch apart, and the tip of their nose are contigous to each other. They can feel their breath. Then, she gave him a captivating smile.
"I already feel your boner." anas ng dalaga at kinindatan ito.
Tatayo na sana si Sam ng bigla siyang hatakin ni Richard at kubabawan. Muling naghiyawan ang mga pulis na naroon maging ang mga presong nakakakita.
Madilim ang mukhang tinitigan nito ang dalaga at walang sabing hinalikan ito sa labi. Madiin at mabilis na halik lamang ngunit tila pareho silang nawala sa sarili. Agad na tumayo ang binata at inayos ang uniporme bago iniwan ang mga ito.
"Boss chief, masarap ba?" tanong ni Cocoy na sumunod sa binata.
"Gusto mong magpush-up?"
"Boss chief, katatapos lang sa bahay kanina, hindi mo ba nakita? 200 push-ups nga ang nagawa ko."
Padaskol na umupo ang binata ng marating ang kaniyang desk. Hindi mawala sa isip niya ang ginawang pag push-up ng dalagang pulis sa ibabaw niya. Nanggagalaiti siya sa galit dahil pakiramdam niya ay ipinahiya siya nito, kaya naman kahit wala sa intensiyon na halikan ito ay nagawa niya. Walang intensiyon, pero bakit hanggang ngayon dama pa rin niya ang malambot nitong labi. Ipinilig niya ang ulo upang alisin ang nasa isip.