Chapter one: The Beginning

26 0 1
                                    

9 years before...

Umuulan at patuloy lang ako sa paglalakad sa madilim na kalsada.

Puno ng pasa at sugat na gawa mismo ng aking ina

Sa kada araw na lumilipas ay sakit at pasakin ang ibinibigay niya sa akin...

Sa kada araw, nangangarap ako na mahalin at algaan niya...

Sa kada araw din na iyon ay laging akong nabibigo na maramdaman ang kanyang kalinga...

Ano ba ang ginawa kong mali?

Bakit sa maliit na aking ginagawa ay mali na agad?

At dumating na ang araw na ito kung saan, ako na mismo ang sumuko sa aking ina...

Sumuko na mahalin at alagaan ako sa halip na saktan at pahirap ako...

Hindi ko man gusto na iwanan siya ngunit napagod na ang aking katawan na umasa...

Gusto ko nang lumayo at kalimutan ang mapait na karanasan sa kanyang piling...

Kaya heto't binabagtas ang daan papalayo sa aming tahanan...

Umaasang kung saan man ako dalhin ng aking mga paa ay doon ko mararanasang mahalin...

Dahil sa ulan ay unti-unting nabubura ang mantya ng dugo sa aking suot na puting sando...

Napadpad ako sa harap ng isang mansion at nakita ang isang lalaki na nakatayo sa labas...

Ngunit natumba ako sa kanyang harapan dahil sa sobramg kahinaan ng aking katawan...

The Dark Secrets WithinWhere stories live. Discover now