Chapter five: The Arrival

4 0 0
                                    


Dominic's POV

Hanggang ngayon hindi pa rin kami ulit nagkakausap ni Scarlet.

Siguro dapat ko nang sabihin sa kanya na may Anti-social personality disorder ako...

At kung makapag-inarte naman akala mo talagang siya na lang ang hindi nakakaalam ng disorder ko...

Para sabihin ko sa kanya na hindi alam ni Ash at Mommy Rose 'to...

Papasok na ulit ako sa school at balita ko may bago kaming mga kaklase at wala rin naman akong interest sa kanila...

Sino ba sila para bigyan ng pansin?

Pumasok ako ng classroom at napatingin naman ang mga kaklase ko sa akin at yung iba may pag-aalala sa tingin nila lalo na yung kay Kyle pero agad naman siya umiwas ng tingin...

Si Laila naman ang humarang sa akin sa pinto at nagtanong kung okay lang daw ako...

"I'm okay now, don't worry too much its just a scratch.." I said with assurance

"Ah.. Just next time don't allow it to happen, okay?" Laila

"Okay" I said

Tapos naglakad ako papalapit sa aking upuan at narirunig ko pa nga ang bulungan ng mga kaklase ko...

"Okay na kaya talaga sya"

"Oo nga baka nagpumilit lang siyang lumabas ng ospital"

"Oo nga alam naman nating mahilig talagang mag-aral yan"

"Sana talagang okay lang sya"

Yun ang mga bulungan na aking naririnig at hindi ko nalang pinansin.

Kung ganyan ang maririnig ninyo sa mga kaklase mo maiisip mo talaga na nag-aalala sila sayo pero syempre hindi yun totoo... Mga pakitang-tao lang naman...

Oo nga pala, nakalimutan kong itanong kay Mellin kung bakit nagpunta rito yung bastard na yun...

Kailan ko kaya makakfausap si Scarlet... Tapos kanina ko pa napapansin na nakatingin rito si Kyle na kung hindi ko niligtas ay hindi malalaman ng bwesit kong pinsan ang tungkol sa disorder ko...

Dumating na ang teacher namin at nakinig na lang ako para hindi ko na maisip ang pinsan ko...

Nagbell na para sa break at patayo na ako nang lumapit si Christine...

"Okay ka na ba talaga?" tanong niya

"Oo naman, wag ka ng mag-alala... " nakangiti kong sabi
"At isa pa malakas ata 'to" sabi ko pa habang pinapakita ang muscle ko sa braso..

"Sige sabi mo eh... Sama ka sa canteen?" aya niya pero napansin kong nakatingin na naman si Kyle at biglang tumuro sa taas na parang gustong magkita kami sa rooftop...

Tumango na lang ako bilang sagot. "Pasensya na Christine kasi may gagawin pa pala ako" sabi ko at nakita na tumayo si Kyle.

Hinintay kong makaalis muna sina Christine bago ako sumunod kay Kyle.

Nang makarating ako sa rooftop ay nakita kong nakatayo si Kyle sa pinakadulo ng rooftop ilang pulgada malapit sa grills...

Tahimik akong lumapit at tumigil nang isang metro na lang layo niya...

The Dark Secrets WithinWhere stories live. Discover now